09

3.6K 200 6
                                    

Read up to Chapter 16 now on my Patreon creator page Rej Martinez and/or Facebook VIP group message my Facebook Rej Martinez to join. Thank you for your support! Your monthly membership helps me to write more stories for you to read. Daily update on my Facebook VIP group and on Patreon!

Chapter 09

Tight Hug

"Do you like it?" Hale asked me after watching me have a taste of the food that were neatly served to us.

Hale and I were choosing the Caterer for our wedding day. Medyo marami nga kaming pinagpipilian at mukhang ang dami rin nag-o-offer kay Hale na mga kilala rin at mamahaling restaurants... Baka nga makahingi pa kami ng discounts... Pero si Hale parang gusto talagang gumastos sa kasal namin.

Ngumiti ako kay Hale. "Masarap." Tumango ako.

Hale smiled, too. Pagkatapos ay bumaling siya sa naghihintay na mga staff. "We'll have this."

"Noted, Sir." Nakangiti rin namang sagot ng staff. Mukhang natutuwa na nagugustuhan namin ang pagkain nila.

"How about this one." Hale offered a spoon of another type of food in front of me.

Napatingin pa ako sa ilang staff na kasama rin namin doon. Medyo nakakahiya... Pero tinanggap ko pa rin ang subo sa akin ni Hale. Mas nakakahiya siguro kung tatanggihan ko dahil lang nahihiya ako, hindi ba...?

Nginuya ko ang pagkain sa bibig ko. Nanatiling nakatingin at nasa akin ang atensyon ni Hale. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. It was delicious, too. Tumango-tango ako kay Hale.

Ngumiti si Hale. "I think it's good, then." Pagkatapos ay tumikim din siya sa parehong putahe gamit ang parehong kutsara din na ginamit niya kanina sa pagsubo sa akin.

Napalunok ako hindi lang dahil sa paglunok ng pagkain kung 'di dahil na rin sa inaakto ni Hale. Ayos lang ba na gumamit kami ng iisang kutsara lang...? Pero ikakasal na rin naman kami at magiging mag-asawa na... Kaya ayos lang siguro.

Ngumiti nalang ako.

This time desserts naman ang s-in-erve sa amin ni Hale. Last time kasi ay mga ulam... Na excite din ako sa sweets. At ang alam ko ay ibang kompanya naman itong kukuhanan namin ng mga panghimagas para sa mga bisita sa kasal.

"Hmm. I think I like this. Not too sweet and just the right taste... Try this." Sinusubuan na naman ako ni Hale.

Hindi na ako tumingin sa mga kasama namin. Tinanggap ko nalang ang sinubo ni Hale at tumango-tango. "Masarap." sagot ko.

"Glad you're liking these food." Ngumiti si Hale sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Gusto ko rin itong blueberry..." nasabi ko matapos iyong tikman.

Tumango si Hale at tumikim din. Kumuha siya ng konti sa platito ko.

Pagkatapos noon ay kumuha naman ngayon si Hale ng inumin at kinuha ko na rin iyong para sa akin. It's a cocktail drink, I think. Isa rin sa mga maaring i-serve sa reception kapag nagustuhan din namin ni Hale. "Good?" he asked me.

Tumango-tango ako. Hindi ako sanay na uminom ng mga ganito pero mukhang masarap naman...

Hale smiled.

Nagpatuloy kami sa pag taste test ni Hale. Nakakatuwa na hands on pa rin talaga si Hale sa pag-aasikaso ng kasal namin kahit busy rin siya sa pagtatrabaho.

And I really appreciate it.

"Thank you, Hale."

"Hmm?" Nag-angat ng tingin sa akin si Hale.

Our Married Life Where stories live. Discover now