Chapter 26 - Dream

Start from the beginning
                                    

"Oy sama rin ako!" Sigaw ni lola samin kaya tumawa ako sakanila. "Ay la opo nga po pala flight namin ni Regina bukas 6pm sa Nueva Esperanza." Napatingin sila sa'kin lahat tapos si lola na nagsasaing napapunta sa kinauupuan ko.

"Ha? Anong gagawin nyo dun?" Tanong ni lola pagkalapit na pagkalapit nya pa lang sa'kin. "May project po kasi new branch ng V oil. Ano Brian sama ka ba?" Tanong ko kay Brian as if naman sasama sya para iwan work nya dito.

"Sunod nalang ako kapag one month na kayo dun or matapos ko na 'yung work ko dito." Oh diba sabi ko na nga ba eh. "Ilang araw pala kayo dun?" Tanong ulit ni lola. "Hindi ko pa alam lola eh. Hindi round trip 'yung binili ni Regina na ticket so baka magtagal kami dun."

"Ganon ba? Edi sabihin mo kay Regina dito nalang sya matulog ngayon---"

"La!" Sabay na sabi ni Ding at Brian kay lola. "Ano?!" Pagalit na tanong ni lola sa dalawa dahilan para matawa ako sakanila. "Tigilan nyo na nga 'yang kahibangan nyong dalawa pati si lola dinadamay nyo." Awat ko sakanilang tatlo.

"Pero apo, tawagan mo si Regina at sabihin mo dito na kamo sya matulog para na rin hindi kayo ma-late bukas."

"La engage na nga 'yung tao po." Nag face palm si Ding pagkatapos nyang sabihin 'yan kaya biglang kumunot ang noo ni lola. "Ano bang problema dun eh magkaibigan lang naman ang ate mo at si Regina? Kayo lang naman nag-iisip ng malisya!"

Tinawanan ko ulit si Ding at Brian kasi napagalitan sila ni Lola. "Ayan diba ang kukulit nyo kasi." Sambit ko sakanila pabulong pagkaalis ni lola sa pwesto namin para tignan 'yung sinaing nya.

"Basta ate ayoko na makita kang nakadikit dyan kay ate Regina baka mamaya ikaw pa mayari dyan." Tama naman si Ding pero there's something in me na hindi ko kayang layuan rin si Regina.

'yung kahit pilitin ko pa na lumayo sakanya eh hindi ko talaga kaya? O baka lang kasi sarili ko rin pinipigilan ko para hindi lumayo sakanya.

Alam ko naman na at the end of the day ako ang masasaktan at kung ako 'yung pipiliin ni Regina, Si Era naman ang masasaktan.

It's either i choose myself or i choose Era's happiness.

Isa pa laging worried si Regina kung what if sya nga talaga si Valentina kahit alam naman namin parehas na hindi sya kaya kailangan ko ring imbestigahan kung bakit sya 'yung tina-target ni Valentina.

Kung si Regina lang ba 'yung dinadalaw ni Valentina sa panaginip nya?

Naalala ko nung sa office, 'yung mga mata nya parang gusto akong tuklawin kahit nasa Narda form ako at wala naman akong ginagawang kasalanan sakanya.

'yung mga mata nyang nakakamatay at nakakapangamba.

Narealize ko rin na marami pa akong dapat asikasuhin kesa sa shitty lovelife ko na 'yan, makakapaghintay naman 'yan eh.

Pero there's this feeling of mine na natatakot mawala si Regina sa'kin kasi feeling ko at any moment or anytime pwede syang mawala.

Hindi ko alam kung paano sya mawawala pero feeling ko talaga may ganon na mangyayari.

"Kain na!" Sigaw ni lola samin habang nilalagay nya 'yung kanin na sinaing nya kanina sa lamesa. "Ate kain na daw." Sambit ni Ding sabay patay ng tv at tumayo bitbit ang upuan na nilagay nya sa harapan ko kanina.

"Ano apo tinext mo na ba si Regina?" Tanong ni lola sa'kin sa malambing nyang boses. "Hindi pa po. Wag na natin istorbohin si Regina la." Inakbayan ako ni Brian at tinapik-tapik nya 'yung braso ko. "Right decision." Tapos kinindatan nya rin ako.

Kadiri naman 'to jusme!

Pagka-upo ko sa upuan sa harap ng lamesa para kumain tinabihan ako ni Brian. "Ayan la ang i-ship natin, Kuya Brian at Ate Narda." Hinampas ko si Ding sa braso nya. "Aray!" Sambit nya habang nakangiti.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now