Chapter 48: Nagbago

3.1K 42 9
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 48: Nagbago



- Harden


Ilang araw na ang lumipas. Maraming nagbago.

Una, nalaman kong aalis si Harry. Gago siya! Malapit na pala siyang umalis, hindi man lang sinabi! Nag-aalala tuloy kami kapag nalaman ni Shaine. Siya na lang yata ang di nakakaalam.

Pangalawa, bigla na lang nawala nang parang bula yung grupo ni David, medyo kinakabahan tuloy kami. baka may gawin silang kung ano.

At pangatlo, nag-iba na si Shiela pagkatapos ng birthday ko, ni hindi na siya nagparamdam. Tinanong ko si Rockz kung may ginawa siya pero sabi niya wala raw. Noong pinuntahan ko naman sa bahay si Shiela. Sabi ni Tita wala raw siya---Pero alam kong nandon siya!

Ni hindi ko nga alam kung anong nagawa ko e! Tapos bigla niya kong iiwasan?!

Nandito ako ngayon sa tapat ng room nila. Hinihintay na mag-uwian sila.

Siguro naman hindi na siya makakatakas ngayon sakin, diba??

Nang dismissal na nila, hinintay ko siya sa labas ng classroom nila pero hindi siya lumabas--- Ako na tuloy ang pumasok.

"Shiela!" Tawag ko pero napakunot na lang ang noo ko nang may kasama siyang lalaki.

Pssh. Sino naman 'tong lalaking 'to?

"H-Harden?" "Shiela, I need to talk to you." Tawag ko pa pero nagtago lang siya sa likod ng lalaki. Sino ba 'tong gagong to, ha?!

Parang familiar siya.

"Uhm. M-may gagawin pa kaming project ni John." "Next time na lang." Sagot naman niya na hindi ko nagustuhan. Kaya ba hindi niya na ko pinapansin dahil sa lalaking 'to?!

"But this is important, Shiela. Let's talk about about---" "Pre, hindi mo ba narinig?? May project pa kami." Epal ng lalaki kaya nakakabadtrip. Tinanggal pa niya ang kamay kong nakahawak kay Shiela. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Pwede ba?! Hindi ikaw ang kausap ko!" Inis na sabi ko pero napangisi lang siya.

WTF?! Kamukha niya si Jei ah?! Hindi kaya----Pero hindi! Hindi uuwi ang gagong 'yon dito!

"Shiela, please. Let's talk, kahit sandali lang!" Pakiusap ko na pero tumanggi siya. Sumama siya sa lalaking kamukha ni Jei at iniwan ako. Argh! Ano bang Problema?! May nagawa ba 'ko?!! Sa pagkakantanda ko, wala naman, diba?! Ni hindi na nga ako nakikipagflirt e! Pssh.



- Shiela

"John. Sa tingin mo, tama yung ginawa ko?? Ni hindi ko man lang siya kinausap?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin.

"Hay! Kung ako sayo, wag kang makinig sa kasinungalingan ng lalaking yon. Hindi mo ba alam na sikat yon sa metro bars?? Halos araw-araw yong andon.." Sagot naman niya kaya narealize kong imposible pala, na siguro hindi nga kami para sa isa't isa. 

Kaya lang gusto ko talaga siya.

"Pero John, gusto ko talaga si---T-teka?! Saan tayo pupunta?" Natauhan na lang ako nang hinihila na niya 'ko kung saan. Hindi kasi totoong may gagawin kaming Project! Transfer student lang si John at kahapon ko lang siya nagkakilala! 

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon