Chapter 65: Get lost

2K 49 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 65: Get lost

- David

Hindi ko kailanman inakalang si Patrick ang may pakana ng lahat. Mas lalo nang makikita ko siya harapan ko.

"K-kuya?" Napatakbo ako palapit sa kanya at napayakap. Hindi ko akalaing inasikaso lahat ni Kris ang lahat, na siya ang dahilan kung ba't nagising si Kuya.

Na hindi totoo na na muntik na nilang lasunin si Kuya. Kung hindi ay sila pala ang dahilan kung ba't siya nakarecover.

"David. Anong nangyari sayo, tol?" Napayuko na lang ako nang dahil sa tanong niya. Hiyang-hiya ako ngayon.

Nagsisisi ako sa lahat.

Lalo na sa nangyari kay Shaine.

"Kuya, akala ko hindi ka na magigising. Sorry." Nanggigilid na luhang sabi ko kaya binatukan niya 'ko.

"Pssh. Sira ulo ka talaga, David! Kung may dapat ka mang hingan nang tawad, sila yon." Turo niya sa kanila kaya napatingin ako kila Jack.

Sila lang ang nandito dahil nasa hospital ang iba, hindi ko tuloy maiwasang makonsensya.

Napakabait ni Shaine para mangyari sa kanya 'yon. Kasalanan ko ang lahat.

"Kris, Jack, alam kong baka hindi niyo na ko mapatawad, lalo na si Harry nang dahil sa ginawa ko---pero sa maniwala kayo't sa hindi, pinagsisisihan ko lahat ng 'to." Napaluhod na lang ako. Kahit siguro humingi ako ng tawad paulit-ulit, hindi mababayaran ang nagawa ko.

"Haay! Nangyari na dude, wala na tayong magagawa." "Ipagdasal mo na lang na walang mangyaring masama kay Shaine, kung hindi maghanap ka na ng ataul mo, magiging impyerno buhay mo dahil kay Harry." Biro ni Jack kaya napayuko na lang.

"Oo. Alam ko naman." "Si Jei, pakisabi na lang sa kanya salamat sa lahat. Baka kasi hindi ko na makita ulit ang ungas na yon." Paalam ko at napatango naman sila.

Sa totoo lang, gusto ko talagang personal na humingi ng tawad kay Harry. Kaya lang alam kong wala siya sa katinuan ngayon ng dahil sa nangyari. Sisiguraduhin ko na lang na may  kong may magagawa ako para kay Shaine.

Magkakamatayan kami ni Patrick.

- Kris

Kadarating lang namin sa hospital. Naabutan namin si Harry na nasa labas lang ng operating room at naghihintay.

"Dude! Kami na ang bahala paglumabas ang doktor, ipalinis mo muna yang sugar mo." Nakailang sabi ni Rockz pero parang wala siyang naririnig.

Alam kong nag-aalala siya dahil magda-dalawang oras nang nasa Operation room si Shaine---pero kailangan niya nang kumalma!

First time kong makitang umiiyak si Harry. Kanina pa siya.

"Hindi, okay lang ako. Hihintayin ko na lang yung doktor." Sagot lang niya kaya napailing na lang si Rockz.

"Ikaw nga ang kumausap dito Kris." Sumuko na siya.

Matapos ang nangyari, nanatili lang kaming tahimik habang hinihintay ang doktor. Wala pa rin sa sarili si Harry hanggang sa dumating sila Erica.

"What happened to Shaine?! Anong nangyari?! Kaya ba hindi niyo kami pinayagang sumama dahil alam niyong mangyayari 'to?!" "Harry! Diba kasama mo ang girlfriend mo?! Sabihin mo nga! Anong klaseng lalaki ka?! Bat hinayaan mong may mangyari sa kanya, ha?!" Litanya ni Erica kaya agad siyang hinila ni Jack paalis, hindi naman siya pumayag.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon