Chapter 50: Hindi Alam

3K 40 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 50: Hindi Alam



- Jei

Nandito kami ngayon sa balcony, nakaupo lang kami sa lapag.

Tumaas na si Shaine dahil pinatulog na ng napakabait kong kapatid. Alam ko naman kasing ayaw niya kong ipakausap don sa girlfriend niya e.

Haay. Hanggang ngayon ba naman hindi pa rin niya matanggap na mas gwapo talaga 'ko sa kanya?? Kailangan bang ganyan ang reaksyon niya?? Ha ha!

"May gusto nanaman ba si Dad? Bat nandito ka??" Tanong niya. Napasimangot tuloy ako.

Hay! Bat ba ang babait ng mga step brothers ko sakin, ha?! Ayaw ba talaga nila kong makita?? Ang bitter nilang bumati. Para tuloy sila na ni Harden ang magkapatid e.

"Hindi mo man lang ba ko sasabihan ng 'Welcome back'??" Ngiti ko pero inirapan lang niya ko. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, kung ano yung Harry na kilala ko, ganon pa rin siya.

"Say it or die??" Threaten niya kaya nangiti na lang ako.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang dahilan ng pagpunta ko rito. Mukha kasing hindi pa siya nakakapag-paalam sa girlfriend niya. Sigurado magiging komplikado ang lahat, kung malalaman niya ang dahilan ng pagpunta ko.

Dahil don, naglabas na lang ako ng sigarilyo.

"Gusto mo??" "No, thanks. Bawal ako nyan." Sagot niya kaya napanganga ako.

Totoo ba?! Kailan pa siya natigil sa bisyo niya, ha?

"Wow! Kailan pa? Hahahaha!" 

"Ayaw ni Shaine na naninigarilyo ako kaya tinigil ko na. Bawal na 'ko nyan." Sagot niya k-kaya natulala na lang talaga ko. Wooow! 

"You're really in love with her, aren't you??" Ngiti ko at napangiti naman siya.

"Oo." "At sa oras na pormahan mo siya, hindi ka na makakabalik ng US nang buhay." Sagot naman niya kaya napatawa na lang talaga ko. hahaha!

Hindi ko alam kung gusto niyang magpatawa o seryoso siya. Basta ang alam ko lang mali pala kami! Akala kasi naman dati nila dude, bakla si Harry---Hindi pala! Hahahaha!

Tahimik lang kami nang biglang may nagdoor bell.



- Harry


Sa totoo lang, kinakabahan talaga 'ko sa pagdating ni Jei. Hindi kasi siya pupunta rito ng walang dahilan. Hindi naman siya gago para mag-aaksaya ng panahon para sunduin lang ako rito kung wala siyang ibang pakay. Sigurado may ipinapagawa si Dad sa kanya. Besides, after graduation pa naman ang alis namin. Nakakakaba tuloy dahil napaaga siya ng dating.

Hindi ko pa nga nasasabi kay pagong ang tungkol dito, hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sa kanya---Bat ba kasi ngayon lang dumating si Shaine e?! Kung sana dati pa nagpakasal si Mommy kay tito, edi sana hindi na ko nakapayag sa kasunduang---Argh! 

Ano nang gagawin ko?! Ayokong makita siyang masaktan. Ayokong umiyak siya sa harapan ko pag sinabi ko sa kanya. Hindi naman ako pwedeng umatras.

Napatingin na lang kami sa pintuan nang may nagdoor bell, bigla tuloy siyang napatingin nang buksan-mo-yon-look. WTF? Inuutusan niya ba ko??

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon