Chapter 41: A Player's First Love

3.4K 57 5
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 41: A Player's First Love

- Kent

"Dude, bat kaya hindi umattend sila Shaine ng Chirstmas Party?" Nakapout na tanong ni Harden kaya tumingin ako ng masama sa loko.

"Hoy! Harden! Kay Harry na si Shaine!" Warning ko sa kanya.

Simula kasi kagabi ng dumating siya sa party, puro si Shaine na kasi ang bukang bibig niya. Hanggang ngayon.

"Hay!. Alam ko..." "Pero..." May sasabihin pa sana siya pero hindi niya na natuloy. Siguro napagisip-isip niyang wala siyang laban kay Harry pag-inagaw niya si Shaine. Haha!

"Pero??" Napatingin na lang kami ng biglang sumulpot si Rockz sa gitna namin, mukhang lalo tuloy nawalan ng gana si Harden.

"Damn, dude! San ka nanggaling, ha?!May lahi ka bang kabote?!" Tanong ko.

"Hmm. Wala, dude. Pero sa pagkaka-alam ko may lahi kami na gwapo e. Tingnan mo, halatang-halata no? Hahaha." Napapocker face na lang ako nang dahil don.

"Talk to my hand, Rockz." Sagot ko kaya napasimangot ang loko. Hay! Ulol talaga!

"Anyway, anong pinag-uusapan niyo, ha? Anong meron kay Shaine??" Tanong niya kaya napasigh na lang si Harden.

"Psh. Bahala nga kayo!" Sagot na lang niya at nag-walk out. Nagkatinginan tuloy kami ni Rockz at sabay na napangiti ng nakakaloko.

"I think I smell something fishy.."

"I know right." Sang-ayon ko naman.

"Fishihin niyo mukha nyo! Mag ulol!" Hanggang sa sinigaw 'yon ni Harden galing kitchen at mukhang bitter na bitter talaga. Hahaha!

Anong problema non?

- Harden

Sa tingin ko na-misinterpret ni Kent ang kinikilos ko. Dapat ipapaliwanag ko pang wala akong gusto kasi Shaine pero---sumulpot si Rockz.

Napatigil tuloy ako.

"Psh. Bahala nga kayo!" Iniwan ko na ang dalawa sa sala dahil naggagaguhan lang sila. Kaya lang nagtaka ko nang natahimik sila.

"I think I smell something fishy.."

"I know right." Ngisi nila.

"Fishihin niyo mukha nyo! Mag ulol!" Hay! Bat ba namimisunderstand nila?!! Baka makarating 'to kay Harry tapos akalaing may gusto nga ako kay Shaine!

Sa totoo lang, kaya ko lang naman talaga tinatanong si Shaine dahil gusto kong malaman kung inaya siya ng date ni Harry. Gusto kong malaman kung ano nang nangyari. Isa pa, may deal kasi kami ni Harry na ilalakad niya raw ako sa pinsan ni Rockz, si Shiela.

Crush ko na kasi talaga si Shiela dati pa lang.

Oo, inaamin ko na ako ang pinakaplayer samin, pero may puso rin naman ako! Ang malas ko nga lang dahil yung gusto ko, pinsan ni Rockz!

Hay! Bat kasi natatakot ako kay Rockz e?! Ipapalapa lang naman daw niya 'ko don sa Doberman niya, papaliguan ng gaas at babalatan lang naman daw niya ko ng buhay kapag nilagawan ko siya, diba?!

Kaya lang syempre, hidni pa ko nababaliw para gawin 'yon! Paano kami magiging Happy ending ni Shiela kung pinatay na ko ni Rockz , diba??

- Shiela

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon