Chapter2

283 14 0
                                    

Kuss Pov

Mga dalawang araw na nakakalipas ang 'usapan' namin ng kambal ko, madalas rin siyang umaalis sa boarding house.

"Psst!." Tumingin ako sa gilid ko. "Kanina ka pang nakatutunga.. tapos na yung klase." Sabi ni JB. "H-huh?!.. tapos na?!." Inayos ko na ang gamit ko. "No nangyari sayo boy?!." Tanong ni Franz sabay lapag ng french fries sa upuan ko.

"Mukang gutom ka.. tinawag ka kanina ni Ma'am Rowena kanina.. eh mukang close ang isipan mo." Dagdag ni Franz. "May sasabihn ako sa inyo." Sabi ko.

At ang dalawang ugok naman ay mukang iniisip na katangahan at kabaliwan...

"Anu yun?... Na crush mo na si Jennilyn." Pilyong sabi ni Franz. "Gusto mo isubsob kita sa bowl ng banyo." Tinignan ko siya ng masama. "Wehh di nga?!." Dagdag ni JB.

Jennilyn Crisha Cruz.. Ang Muse ng G12-ABM (Athena)...

Matalino, maputi, maganda at palaging sumasali sa events ng school.. parang model to at madaming manliligaw at balita ko na may gusto daw ito sa akin.....

Type ko si Jennilyn pero wala akong gusto sa kanya, wala akong time makipagligawan o makipaggirlfriend....

"Please lang!.... Importante to." Seryosong sabi ko. "Boy! Matagal na namin alam na pogi ka! Kaso bawas-bawasan mo naman ang self love sa sarili nakakasira ng ego." Another nonsense chatting by Franz. "Franz! Tigil na! Shuddap! Serious to." Saway ni JB.

"Ano ba yun?!." Tumingil na si Franz..


















"So.... Napagisipan mo ng kausapin yung kambal mo..  tapos may nakita kang--- condom!---... Gagi!." Tinakip ni JB ang bunganga ni Franz. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Sa ilalim ng kama...... Wow men... Akala ko magiging madre yun." Hininaan ni Franz ang boses niya.

"Oo.... Sabi niya n-nagpapabili yung kaklase niya kaya ayun daw..... Eh hindi ako naniwala dahil may nakita akong chikinini sa leg niya-."

"Ano?!!!!!." Di pa nga ako tapos!. Epal talaga tong Franz to! PaFranzin talaga. "Gago! Ang lakas ng boses mo!." Saway ni JB tapos tumingin sa gilid-gilid.

Nasa canteen ngayon kami...

"So.... Anong gagawin natin...." Tanong ni JB. "Susundan natin siya.." Sagot ko. "Bro... Sa tingin mo hindi ba siya nabubully sa classroom niya? Magtanong muna kaya tayo?." Suggest ni Franz.

Nakaramdam ako ng lungkot, kaba at takot.

"Kuss... Kalimutan mo na yung nangyari... Alam kong nireregret mo...pero dapat kausapin mo parin nung dati dapat... Hindi mangyayari to kung hindi mo nilapitan." Sabi ni JB.

"Gago! Ba't mo sinabi at pinaalala ang past?!.... Ginawa mo pang mali siya..-."

"Mali talaga ginawa niya... Dapat nilapitan niya parin... Hindi mo alam baka iniisip na ni Khristine na walang pake si Kuss sa kanya..." Natigilan ako sa kinauupan ko.

Ganun ba ang iniisip niya?

Bakit niya ako hindi kinausap noon?

.....





Kinausap ko na naman rin siya noon.....

....









"O-okay lang ako -K-kuya!! Hindi mo kasalanan ang nangyari."



At your Fucking Service(BL)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz