Twelfth Meeting

75 8 5
                                    

Nineveh's POV

Hindi maganda ang naamoy ko nang makapasok sa opisina. Minamasahe ni Don Rioflorido ang kanyang noo at hindi mapakali ang mga nauna sa akin na makahanap ng importanteng bagay.

"Anong problema?" pag-uusisa ko at pinaupo si Rimo saglit.

Tumingin sa akin si Solenad at bumuntong hininga, "Si Ranine, tumakas kasama ang kwintas at singsing ni Donya Cresencia," hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Matagal ako bago nakaakyat dito at ang dami na agad nangyari.

Napakunot ang kilay ko nang marinig ang pangalan. Siya siguro ang nasirang may-bahay ng amo namin.

"Nawalan na tuloy ng saysay ang pagsubok na ito," tama si Ilmas sa unang pagkakataon. Kusang umalis ang isa naming kalaban. Maaaring magandang balita ito sa aming natitira, subalit napakasakit nito sa mag-amang kasama namin.

"Dahil sa nangyari, miyerkules na lamang kayo pwedeng lumabas ng inyong silid pagkabalik natin sa mansion. Si Rimo na ang papupuntahin ko sa araw na nakatakda sa inyong apat. Malinaw?" wala kaming nagawa kundi sumang-ayon. Natatakot kami na sagarin ang naglabas sa amin sa kulungan.

"Hindi pa ito ang huli kong iksamen para sa inyo. Pinili ninyong kagatin ang rosas na ipinain ko sa inyo kaya panindigan ninyo kung ayaw ninyong ako ang magsilbing tinik nito," banta niya at nagsialisan na kami. Iniwan namin ang aming mga dala upang makapagpahinga.

Tumigil ako sa paglalakad nang maramdaman na may nakahawak sa laylayan ng aking damit, "Rimo," nilingon ko siya at isinilid sa likod ng kanyang tainga ang takas na hibla ng buhok. Nakatungo kasi siya at natantiya kung gaano ako kaliit. Nagsisimula na ring humaba ito.

"H-hindi na ba babalik si Ranine?" hindi ko mawari kung inis ba o awa ang dapat kong maramdaman sa tanong niya.

Sa tingin ko ay mayroon silang pinagsamahan kaya ganoon ang kanyang panlulumo.

"Wala akong ideya. Pasensiya na," malumanay pa ako ng lagay na ito, "N-Nangako kasi siya sa akin na igagawa niya ako ng keyk," mayaman sila para bumili ng ganito imbes na magpagawa. Ano bang sangkap ang inilalagay ni Ranine at ganito ang epekto sa iniwan niya?

"Malay mo maalala ka niya," ngumisi ako at binigyan siya ng katiting na pag-asa. Baka kasi isangla ito ni Ranine sa labas at nang makumpiyansahan ang sarili, "P-paano kung hindi?" balak ko na sanang hindi siya sagutin, pero humigpit ang kapit niya sa damit ko at napapikit ako, "Maghintay ka kung mas nais mo siya. Wala namang pumipigil sa iyo," saka niya pinakawalan ang hawak.

Para akong lumalaban sa giyera na alam kong matatalo ako. Kung ako ba ang tumakas, ganito rin ba siya kung mabahala?

Hindi ko matanggap na tila pantay-pantay ang trato niya sa aming lahat. Dapat ba akong mag-aral kung paano gumawa ng cookies o ng keyk na iyon para ako ang buntisin niya?

Sinampal ko ang aking sarili para mahulasan. Nagiging makasarili na ako. Mabait lang siya. May malasakit sa iba. Tama.

Itinulog ko ang malalim na iniisip at sinalubong ng mainit na sikat ng araw kinabukasan.

Linggo na ngayon at araw ni Ilmas bukas. Kumusta na kaya ang relasyon niya sa iba?

"Nineveh, buti gising ka na!" masayang bati ni Hennessy at iniurong ang bakanteng upuan. Para yata ito sa akin, "May kailangan ba kayo sa akin?" umupo ako at humalumbaba. Ako ang huling bumangon sa higaan at narito ang tatlo sa hapag.

Nagkatinginan silang tatlo at nat*nga sa tanong ko, "Huling araw na kasi natin dito, bukas ay hindi na tayo magkikita-kita ayon sa amo natin," pabalang na sambit ni Ilmas.

"Mabait na kayo ng lagay na iyan?" ngisi ko at humalakhak silang tatlo, "Medyo. Ikaw naman, masyadong seryoso," sinundot ni Solenad ang pisngi ko gamit ang daliri niya.

"Nawala na 'yung pabida e, natural kailangan nating magsaya," aniya ni Ilmas. Walang preno ang bibig hanggang ngayon.

Tumango-tango ako at sumabay sa agos ng kanilang usapan. Kahit naman magplastikam kami rito ay hindi pa rin mababago ang katotohanang isa lang sa amin ang matitira.

"Hirap na hirap ako kay Rimo noon, grabe! Wala pang nangyayari sa amin, pero ang lambing na niya nitong nakaraan," itinuloy ko ang pagsubo ng pagkain kahit narinig iyon galing kay Solenad.

"Siyang tunay. Sa tingin ko makukuha ko na ang loob niya," natigil silang kumain dahil sa usapan. Si Hennessy ang may sabi nito.

"Madadaan naman pala siya sa suyo," hindi nakaligtas sa akin ang ngiti ni Ilmas parang may naalala.

"Mabuti naman kung ganoon," tangi kong sagot at uminom ng tubig.

Napakurap-kurap sila at sumali sa usapan si Gabo, "Huwag kang mainggit, dadaigin natin sila."

Hindi ko siya pinansin at inilagay ang pinagkainan sa lababo, "May dalaw ako ngayon kaya wala akong ganang makisama sa inyo. Patawad," ngumiti ako nang pilit at lumabas ng bahay.

Umasa akong iigi ang pakiramdam matapos tumitig sa mga halaman. Nagtampisaw pa ako sa batis ng lugar na ito ngunit walang nagbago.

Nagdesisyon na lamang ako na bumalik sa mansion para mag-ayos ng gamit.

Sa aking pagpasok ay nagkakagulo sila sa may banyo at hindi ko maiwasang makibalita.


"Pani ba 'yung kinain natin? Ang sama ng lasa," reklamo ni Hennessy. Pinahid niya ang labi at sumandal saglit sa pader.

"Bagong luto iyon ng katulong," sagot ni Ilmas. Nakunot ang kilay niya at iniisip ang nangyayari

"Kailan ka ba huling dinatnan?" binabanas si Solenad sa kanyang tanong at hindi mapakali.

Nanlaki ang mata ng dalaga, "Dapat mayroon na rin ako. Halos magkasabay lang kami ni Nineveh," nanginginig niyang pag-alala. Napasapo siya sa kanyang ulo at pinaupo siya saglit sa upuan ng hapag kainan.

Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa sumagi sa aking isipan.

Dali-dali akong nagtungo sa kwarto upang mag-impake ng damit. Masyadong maaga pa para sa ginagawa ko pero gusto kong gawing abala ang sarili ko.

"N-nueve?"

Nagpatay-malisya ako at nagpatuloy. Halos magyelo ako sa aking pwesto nang maramdaman ang kamay niyang kinuha ang kamay ko at inihaplos sa kanyang pisngi.

"H-hindi ko ginalaw si Hennessy," binawi ko ang aking kamay sa kanya pero ayaw niya akong tantanan.

Nanginginig ako. Naririnig ko rin ang paghikbi niya.

"Sinasabi mo lang iyan dahil takot kang mabawasan na naman ang mga babae mo," sinikap kong hindi mautal para hindi niya alam na umiiyak ako.



"H-huwag mo akong bitawan," hinigpitan niya ang hawak sa akin at hinalik-halikan ang ibabaw ng kamay ko at pati na rin palad.


"Ang lakas naman ng loob mong sabihin sa akin iyan matapos mong hanapin sa akin si Ranine," nawalan na ako ng pake kung tunog nagseselos ako o kung ano. Sa ibang anggulo ay parang minamanipula ko siya pero hindi iyon ang sadya ko.



"N-naaawa lang ako sa kanya," gusto kong mabingi nang mga oras na ito para hindi ako maapektuhan. Sa tingin ko ay nagiging kahinaan ko na kasi siya. Nakakainis.

"Bumalik ka na roon, baka mapaano pa si Hennessy," hindi talaga dapat ako nagiging mabait sa kanila. Wasak na wasak ang tiwala ko rito.



Niyakap niya ako mula sa likod. Madaya. Iisang higit lang ako, dala na kaagad. Sakop ng bisig niya ang katawan ko at isinandal sa kanya. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Sino ba ang dapat kong paniwalaan? Litong-lito na ako.


"A-ayaw ko."




The Billionaire's Blind Son Where stories live. Discover now