Fifth Meeting

30 5 0
                                    

Nineveh's POV

Nagdaan ang Sabado at Linggo na wala siyang pinuntahan sa aming lima. Wala rin namang kumibo sa aming mga kandidato dahil sa katamaran.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mong pipilitin ang anak ko?" rinig kong sermon ni Don Rioflorido kay Ilmas ngayong miyerkules. Nakaabot kasi sa kanya ang balita. Kinabahan tuloy ako dahil mukhang may espiya sa aming lima.

"Ikaw, Solenad! Hindi makakaligtas sa akin ang kurot na nakita ko nitong isang araw. Anong karapatan mong saktan si Rimo gayong siya ang dahilan kung bakit ka wala sa kulungan mo?" nagulat naman ako sa sinabi ng amo namin. Masyadong bayolente na sa akin ang kurot. Hindi naman bata ang unico hijo niya kaya bakit kailangang tratuhin ng ganoon?

Alam kong mahirap magpigil at maghintay. Walagng kasiguraduhan kung bibigay ang lalaki pero kahit na.

"Patawad po," sabay nilang sabi at ang sama ng tingin sa amin nina Ranine at Hennessy. Para bang may ginawa kami, e wala naman.

Pagkaalis ng mayamang may-ari ay nagtipon-tipon kaming lima sa may bakuran.

"Siguro ikaw ang nagsumbong, ano?" dinuro-duro ni Ilmas si Ranine na may kung anong ginagawa sa kusina. Balak yatang magluto ng tinapay.

Nagpagpag si Ranine ng harina sa kamay at ngumisi, "Wala akong makukuha sa pagiging sumbongera dahil wala naman akong mapapala at pakialam sa inyong apat," mataray niyang sagot. Hindi naniwala ang iba naming kasama.

"Sa tingin ko ay si Hennessy. Desperada iyang babae na 'yan, e," matawa-tawang akusa ni Solenad. Mukhang ako na ang isusunod nilang pagbintangan.

Gusto kong mapairap sa kanilang dalawa. Panay gulo ang hanap. Ayaw sipagang kumaldag.

Naramdaman ko ang daloy sa aking katawan at umalis sa eksena, "At may balak tumakas?" pinansin ako ni Ilmas na hinila pa ang palu-palo na hawak ko. Naglalabas kasi ako ng mga damit.

"Pupunta ako sa banyo," sabi ko at inilipat ang tingin sa kamay niyang nakahawak pa sa akin. Tanggalin mo 'yan kung ayaw mong lagyan kita ng zonrox.

"Ikaw talaga 'yun, ano?" sinubukan akong kumprontahin ni Solenad. Ayaw niya talagang tumigil. Naiirita na ako.

Hinarap ko siya, "E ano ngayon kung ako?" paghahamon ko at taas noo ko siyang tiningnan.

"Aba't—" akma akong sasampalin sana ni Solenad pero hindi ko siya pinigilan gaya ng mga nasa teleserye. Bagkus ay pinutol ko ang nais niyang sabihin, "Sana pinapagana mo 'yang isip mo bago ka kumilos. Saan kaya pupunta ang tapang mo kung si Ilmas naman pala ang nagsumbong?" ibinalik ko ang problema hatid nila sa kanila. Wala akong pakialam kung ako ang maging sanhi ng pagkasira ng tiwala nila sa isa't isa.

Nagkatinginan sila at umiling ako nang iwan ang apat.

"N-naga-away ba kayong lima?" tanong ng kagigising lamang na si Rimo. Hinawakan niya muna ako sa aking mukha upang makilala.

"Hindi, nagpapatalbugan lang kami tungkol sa kung sinong pinakamaganda," pagsisinungaling ko at ginulo ang kanyang buhok.

"G-gusto mo ng cookies?" alok niya sa kin nang samahan ko siyang makabalik sa kanyang kwarto. Humiga siya nang bahagya at sumandal sa unan.

"Sige, subuan mo ako," ngumiti ako nang nakakaloko. Malakas ang loob ko dahil hindi naman niya ako nakikita.

Naestatwa muna siya ng ilang segundo bago nanginginig na kumuha ng biskwit. Kinapa niya ang mukha ko at hinanap ang aking bibig.

"Rimo, ilong ko iyan. Hindi kasya riyan ang cookies," biro ko at nataranta naman siya.

Gamit ang hinlalaki ay natagpuan niya ang labi ko. Inilapit niya ang pagkain at agad ko na itong kinagat para hindi malaglag at hindi guyamin ang kama niya.

"Masarap," sabi ko at ninamnam ang bigay niya.

"A-alam mo, si Ranine ang gumawa niyan," masaya niyang balita sa akin at nayamot naman ako.

Umalis ako sa kanyang silid at naligo.

"N-nueve?" huling rinig kong pagtawag niya. Naramdaman sigurong wala na roon ang presensiya ko.

Masama ang loob ko.

The Billionaire's Blind Son Where stories live. Discover now