Second Meeting

35 5 0
                                    

Nineveh's POV

Hindi ako makapaniwalang hawak ko ang anak na sinasabi niya. Isang bulag. Bakit hindi niya naisipang gawan ito ng paraan kung bilyonaryo siya?

"A-anong pangalan mo?" tinapik-tapik nito ang kamay ko. Nagkatinginan kami ng kanyang ama at agad ko naman siyang sinagot, "Nueve."

Kabilin-bilinan sa akin na hindi ko pwedeng ibulgar ang tunay kong pangalan. Lahat kaming lima na pinapasok niya rito sa kanyang mansion.

Sinundan namin ang paglalakad ng aming amo na patungo sa kanyang opisina. Kulong na kulong ito at ikinandado matapos naming makumpleto.

Huminga ng malalim si Don Rioflorido at umupo sa kanyang trono, "Sa bawat araw ay ibang benefactor ang dadalo sa anak ko," panimula niya at nagsindi ng tobacco sa aming harapan.

"Sa lunes ay si Ilmas Noriega," nilingon niya ang tinukoy na may maikling buhok at malawak ang ngiti. Siguro dahil una siyang tinawag at sa unang araw agad ang kanyang sabak.

"Sumunod ay si Solenad Esguerra," ngumisi ang dalagang may kulot na buhok at kolorete sa mukha, "Si Ranine Oliveros ang nakaatas sa miyerkules," dagdag pa niya.

"Pakiusap, huwag niyo po akong gawing biyer—" binantaan ni Don Rioflorido ang nagsalitang babae. Siya na lamang at ako ang natitira kaya nakaramdam ng takot.

"Si Nineveh Laxamana ang sa biyernes, Hennessy Guinta," pagdidiin ng ginoo kaya natahimik kaming lahat. Hindi naman ako nagulat na dahil hinihiling ko lang na magkasama kami ni Nanay Bekta.

"Ang sinumang unang makapagdalang-tao sa inyong lima at makumpirma kong anak ko ang ama ang siyang mananatili rito. Ang mga araw na hindi kayo ang naka-toka ay araw na maninilbihan kayo rito sa mansion bilang katulong," iniabot niya ang isang piraso ng papel. Ilan sa mga ito ay papeles na kailangan namin ng pirma, kasama rin ang mapa ng kanilang mansion.

"Wala po bang naka-assign sa sabado at linggo?" tanong ni Ranine. Nagbabakasakaling makahirit pa siya.

Napaisip ang matandang mayaman at inilapag saglit ang iniit-it, "Ang anak ko ang bahala kaya humanda na lamang kayo kahit anong oras," walang gana nitong sagot.

Nagulat kami sa tunog ng pagbagsak ng kanyang tasa at napatingin sa kanya, "Huwag na huwag ninyong pipilitin ang anak ko sa pakikipagtalik. Diskartehan ninyo kung paano," huling paalala niya at sinenyasan na kaming lumayas sa kanyang silid.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong may bukod ma silid si Nanay Bekta. Kahit na puro basura at marumi ito nang aking pasukin ay nilinis ko kaagad at kinuha ang ekstra kutson sa aking kwarto.

Madilim. Tahimik. Malamig.

Papasok na ako ng aking silid nang may kumapit sa aking damit sa likod.

"Saan ka tutungo?" may dala siyang unan at tungkod na ginagamit upang makapaglakad sa kabila ng kanyang kundisyon.

Nasuot ito ng pajamang yayamanin, malambot ang tsinelas na parang pang-hotel, at magulo pa rin ang buhok. Ang kulay tsokolate nitong mata ang nakapagpanlumo sa akin. Maganda ito ngunit hindi naman nakakakita ng iba pang kagandahan.

Kayumanggi rin ang kulay ng kanyang balat. Itim ang kanyang buhok. May makapal na kilay at halos kamukha ang kanyang Ama.

Nalaglag ang dala nitong mga unan kaya pinulot ko ito. Kinabahan ako dahil baka sumilip ang iba kong kasama.

"N-nueve? Maaari bang makitulog sa iyong tabi?"

Ngayong gabi, papayag ba akong sumiping sa taong ni pangalan ay hindi ko pa alam?

The Billionaire's Blind Son Where stories live. Discover now