Chapter 23 - Engagement Party For Who?

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi kaya si Regina at Lor ang magkapatid?

Come to think of it, hindi sya natatakot kay Regina.

Mayaman rin si Regina tapos sabi nya malapit lang daw bahay ni Regina sakanila.

Nakatira raw 'yung sister nya sa parents' house nya eh dun nakatira si Regina ngayon sa bahay ng tatay nya.

Nag a-assume nanaman ba ako or this time tama na ako?

Nang makarating na lahat at puno na dito sa meeting room nagsimula na ako.

"Good afternoon to you all, i'm here to discuss about the soon to be our branch in Nueva Esperanza." I clicked the laptop button para mag show up 'yung plan.

"So since si Mayor Zaldy Vallesteros na ang nag approach satin, why not sya 'yung pabilihin ng lupa dun para sa pwesto ng gas station natin?"

"Teka teka, sigurado ka bang papayag 'yung kurakot na mayor na 'yun? He can't even build a proper facilities there."

"Ako na bahala dun ma'am, trust me." Tinuloy ko 'yung sinasabi ko tapos nung natapos na ako mag present ng idea ko nagpalakpakan silang lahat maliban kay Regina.

Nagpalakpakan naman silang lahat so meaning nun nagustuhan nila.

"Well i don't like your idea about mayor Zaldy buying a lot for us but i'm giving you one week para makausap 'yung gahaman na mayor na 'yun at papayagin sya." One week? Kayang-kaya 'yan!

"If hindi mo magawa, i'll fire you." Hindi ko na pala kaya. Tangina anliit-liit ng oras na binibigay nya tapos sisisantehin nya pa ako kapag di ko nagawa?

Kami rin naman kasi makakatipid kung magawa ko 'yun tapos ganyan pa sya.

Pero sige i accept the challenge ma'am!

Makikipag kamay sana ako as a deal pero tumayo na sya agad at inalisan ako.

Ending, kaming dalawa ni Lor naiwan tapos tinulungan nya ako magligpit ng projector and laptop.

Pag akyat namin nilagay ko lang sa office ko 'yung gamit ko tapos nag decide na kaming mag lunch since kanina pa lunch break kung hindi lang kami nag meeting.

Sabay kaming lumabas ng building ni Lor pero paglabas ko ng office nakita ko si Regina na dine-drain nya sarili nya sa work.

Napaka seryoso nyang tao ngayong araw nung nakita ko sya kaya hindi ko na rin sya niyaya.

Kumain ulit kami dun sa korean restaurant, as usual libre nya nanaman daw ako.

Ngayon talaga umaasa nalang ako sa libre nila eh.

"Huy thank you sa libre ah, unang sweldo lilibre kita ng bonggang-bongga!" Napa tawa ko naman sya sa sinabi ko.

"No worries, kaya naman kita ilibre for the rest of your life." Oops awkward moment again.

"So tell me Narda, how did you know you liked that Brian Robles before?" Oh ito ba kapalit ng panlilibre nya sa'kin?

"Sasabihin ko sa'yo pag nalaman ko kung sino ka talaga."

Illicit AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon