Chapter 29: Meet-Up

8 0 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Meet-Up

JAMMY

Ginising ako ng malalakas at sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Guess who's this one knocking my door violently.

“Whaaaat?” padabog kong turan bago tumayo at lumapit sa pinto. Pinagbuksan ko ang kumakatok mula sa likod nito.

“Good morning, Jammy,” bati nito sa'kin saka ako hinila palabas. Hindi na 'ko nakagalaw dahil sa gulat. Nagpahatak na lamang ako sa kung saan man niya 'ko nais dalhin.

“Jammy, tignan mo. I baked a cake for all of us,” wika nito na tila tuwang-tuwa sa kanyang nagawang accomplishment.

Nabaling ang aking atensiyon sa cake na iginiya sa'kin ni Eloise. Hindi ko maintinidhan ang itsura ng cake. Hindi rin pantay ang pagkakahulma nito. Pilit ginaya ang korteng puso. Ang pula at itim na kulay ay naghalo na dahil sa kung anong dahilan. Nagmukha na tuloy itong madungis dahil sa 'di maintindihang disenyo't pagkakahalo-halo ng mga kulay.

“What do you think? Magugustuhan kaya 'to ni Denver?” she wore a wide smile facing on me.

I'm not into baking pero, this one, this is worst! I'm sorry, Eloise, pero sa tingin ko, hindi ito ganun kaaya-ayang tignan.

“I think?” Hindi ako sigurado sa sagot. Hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin kay Eloise ang komento ko sa gawa niya nang hindi ito nao-offend.

“I know it's not that much appealing, pero—” ani nito na ngayo'y nakabusangot na ang itsura.

“You can make it better, Eloise. Just practice more. Try and try till you perfect it,” ani ko saka hinaplos ang likuran nito. We're standing next to a kitchen sink. Malapit kasi roon ang oven.

Napalingon kami nang makita si Sheila na kalalabas lang sa kwarto nito. Dumiretso ito sa banyo. Ilang saglit din siyang nagtagal doon bago lumabas.

“Good morning, Sheila,” bati rito ni Eloise. Tumigil si Sheila nang marinig iyon. Nanatili itong nakatayo at nakapako ang tingin sa'min.

Maya-maya pa'y naglakad itong muli pabalik sa room nito. May problema ba? Dahil ba 'to kina Austin at Eloise? It's better if they talk about it.

“Anong problema nun? Tatlong araw na siyang ganyan, ah,” wika ni Eloise habang sinusundan ng tingin si Sheila.

“Baka may personal problem lang,” maikli ko namang sagot.

Since walang pasok ngayon, nanatili kami nila Sheila at Eloise sa dorm. On the other hand, Denver and Austin left the unit nang maaga. Marahil ay kikitain nila si Sam sa labas ng campus since pwede namang lumabas tuwing walang pasok. You just need a gate pass na binibigay naman ni manong guard if you request for it.

“Anong gusto mong gawin ngayon, Jammy?” tanong sa'kin ni Eloise na relax na relax ang pagkakaupo sa sofa kaharap ang TV.

“Wala naman. Siguro'y magpapalipas lang ng araw dito,” sagot ko. “Bakit? Lalabas ka ba ng campus?”

“Yes, only if sasama ka,” masaya nitong turan. “Alam mo bang may bagong bukas na amusement park malapit sa campus? Tara, punta tayo run.”

Mystique Club: OperativesWhere stories live. Discover now