Chapter 28: Austin's Damsel

Start from the beginning
                                    

Tumitig ito nang diretso sa mga mata ko. Ako nama'y napa-iwas tingin. Tila binabasa kung anong iniisip ko.

“Wala na,” maikli namang sagot ni Denver. Matapos nun ay umupo na itong muli sa couch at humarap sa kanyang pinakamamahal na laptop. Papasok na 'ko sa room nang muli itong magsalita. “See you in Mystique Club tomorrow.”

Hindi ko na siya kinibo matapos niyon. Dumiretso na 'ko sa'king room at sinimulang matulog nang matiwasay.

°°°°°°°

JEWEL

“Arghh! Mga inutil! Mga walang kwenta!” kung ano-ano na ang nasasabi ko dahil sa labis na katangahang pinairal ng mga tao ko.

“Jewel, sa tingin ko, may tumulong sa bihag upang makatakas,” saad ni Fred, isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. “Natagpuan ito sa leeg ni Thyke,” patuloy nito saka ipinakita sa akin ang isang needle.

“Assassin!” saad ko sa sarili nang makita ang bagay na yun!

Kung ganun, may traydor sa grupo!

“Tawagin si Jack. Alamin kung sino ang traydor!” patuloy kong sigaw. Mabilis na nagpulasan ang lahat matapos bitawan sa kanila ang utos.

“Mukhang sa una pa lang ay 'di ka na agad nagtatagumpay,” mapanlokong wika ni Zero na kapapasok lamang ng kwarto. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko nang tumingin ako sa kanya.

“At anong ginagawa mo rito, talunan?” ngayon ay sinusubukan ko nang kumalma.

“Ipinapatawag tayong lahat ng Queen. Sasabihin ko bang pumalpak ka kaya hindi ka makakasunod?” patuloy nito sa pang-iinis.

Hindi 'ko pwedeng ipakita ang labis kong inis sa lalaking ito. Paniguradong matatalo lang niya 'kong muli pag nangyari iyon. “Hindi na kailangan. Handa ako sa ano mang mangyayari,” pagtatanggi ko sa panukala nito.

“Okay, sige. Mag-ingat ka, binibini,” saad nito bago mag-iwan ng ngisi sa'kin.

Zero has been always my greatest foe, not Denver.

°°°°°°°

ANONYMOUS

“Sir, narito na po ang requests niyo,” saad ng aking espiya. Iniabot nito sakin ang ilang kuha nitong mga litrato.

“Magaling,” saad ko at bahagyang ngumiti sa nakita. “Paniguradong ipapakita mo ang kulay mo sa gagawin ko,” saad ko sa sarili.

Ibinaling kong muli ang tingin sa'king espiya. “Ano pang hinihintay mo? Makakaalis ka na!” mariin kong sabi.

Gayundin ay umalis na siya. Ako nama'y humalakhak lang nang humalakhak na parang nababaliw. Ito na marahil ang tuluyang pagbagsak niya.

Ha-ha-ha-ha!

Mystique Club: OperativesWhere stories live. Discover now