Prologue

12 3 0
                                    

"CATCH ME, OFFICER"
a novel by: senoritaxara

───※ ·❆· ※───

"Good day, Officer Delos Reyes," bati nang baguhang police sa kanilang pinuno.

Hindi tumugon ang dalaga. Tinignan niya ang police at tinanguan. Pumasok siya sa kaniyang opisina at naupo siya sa kaniyang office chair nang tahimik. Tinanggal niya ang kaniyang sumbrero at ipinatong iyon sa kaniyang desk.

Napapikit siya at napahinga ng malalim. Kagagaling niya palang sa isang kaso at masasabi niyang nakakapagod makipaghabulan sa isang serial killer na may pagka-isip bata dahil naisip pa nitong makipag laro sa kanina nang habulan.

Mabuti nalang at tagumpay ang kaniyang mission. Isa siyang perfectionist at mataas ang kaniyang pride, ayaw na ayaw niyang nasasabihan siya na mahina siya at ayaw na ayaw niyang natatanong kung bakit hindi niya nahuli ang taong dapat na hulihin.

"Damn, I freaking need a rest," saad niya habang nakahawak sa kaniyang batok.

Ramdam niya ang maghapong pagod na pakikipag habulan sa isang may saltik na kriminal. Nagkaroon pa siya ng mga galos dahil sa pagtama nang kaniyang katawan kung saan-saan.

Napatigil lamang siya sa paghilot sa kaniyang leeg nang makarinig siya nang katok sa pinto nang kaniyang opisina.

"Come in."

Bumukas ang pinto at iniluwa non ang dalawang police. Sumaludo ito sa kaniya na kaagad naman niyang tinanguan.

"Ano ang balita?" Tanong niya sa dalawang police.

"Officer Delos Reyes, may report po na nanggaling sa Barangay Tres, Mahangin street. Isang ginang na nasa singkwenta anyos na ang pinasok sa kaniyang bahay at ninakawan nang 50,000 pesos at isang smartphone."

Napaupo nang tuwid si Officer Delos Reyes dahil sa narinig. Nabuhay ang kaniyang natutulog na diwa dahil panibagong kaso nanaman ang kaniyang gagawin.

"Kailan pa 'yan, Santos?" Tanong niya.

"Ngayon lang po, Ma'am. 6:35 ng hapon."

"Sa katunayan ay katatawag palang nang ginang sa ating headquarters ngayon palang," saad nang isa pang police.

Napabuga nang hangin si Officer Delos Reyes at tumayo. Kinuha niya ang kaniyang sombrero at sinuot iyon. Inayos niya rin ang pagkakalagay nang kaniyang baril sa kaniyang tagiliran.

"Ihanda ang sasakyan," utos niya sa dalawang police.

Taas noo at kagagalang-galang na naglakad si Officer Delos Reyes palabas nang kaniyang opisina. Nagsisitayo ang mga police na hawak niya kapag siya ay daraan at sasaludo sa kaniya.

Tanging tango lamang ang kaniyang tinutugon sa mga ito, hindi siya marunong ngumiti. Hindi siya marunong makiramdam. Hindi siya marunong maawa, at higit sa lahat hindi siya marunong magmahal.

───※ ·❆· ※───

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Catch Me, OfficerWhere stories live. Discover now