"Sage..." tawag ko dito pero inismiran lang ako at nagpatuloy na sa paglakad.

Pababa na ito ng hagdan kaya humabol ako.

"Sage... Hoy, Sage! Wait lang naman. Ang bilis mong maglakad."

Nang nasa gitna na ito ng hagdan ay bigla na lang itong tumigil sa paglakad kaya bigla akong sumubsob sa likuran n'ya.

"Ano ba naman 'yan? Bakit bigla ka na lang tumigil?"

Nakapamulsang humarap ito sa akin.

"Sino ba kasing may sabi na humabol ka?"

Napakamot ako sa ulo.

"May itatanong lang sana ako."

"If tungkol na naman iyan sa nangya—"

"Hussshhhh!"

Mabilis ko agad s'yang napigilan.

"Hindi ito tungkol doon. Iisipin ko na lang na inadopt mo ang power ni Flash kaya nangyari 'yon. Ang gusto ko sanang itanong... sasabay ka ba sa amin mamaya papunta sa OdS?"

Kumunot ang noo n'ya.

"And why'd you ask?"

"Wala lang."

Tumaas ang isa n'yang kilay. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Wala nga kasi talaga. First day ko ngayon, 'di ba? Pupunta ako doon para kunin ang sched ko."

"Who's with you, anyway?"

"Ihahatid kami ni Kuya Migs. Pinasamahan ako ni Sir Boss kay Mr. Smith."

Saglit na natahimik si Sage, parang nag-iisip.

"Wait here, I'll talk to Travis."

Naiwan ako sa gitna ng hagdan na nakakunot ang noo. Hindi alam kung anong nangyari kay Sage at bigla na lang nitong kakausapin ang pinsan.

"Hey, Dollface! You look stupid in there."

Nakita ko si Tyron sa ibaba—nakatingala sa akin habang natatawa sa itsura ko.

Kahit ako ay sumang-ayon din sa sinabi n'ya. Mukha nga talaga akong tanga dito sa gitna ng hagdan. Nakatayong nakatunganga sa kawalan.

"Ano bang ginagawa mo d'yan? Bumaba ka nga rito. Ah, no! Ako na lang pupunta d'yan, kailangan ko ring kausapin ang aking mahal na pinsan."

Saktong papaakyat si Tyron nang lumabas ang dalawa pa nitong pinsan galing sa loob ng opisina.

Nakakunot ang noo ng boss ko habang may sinasabi sa kanya si Sage.

"Oh, hi there my two cousins."

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Tyron. Bumaba naman ang dalawa, palapit sa amin.

So, anong drama namin nito?

Sa gitna talaga ng mahabang hagdan tumambay?

Hindi ko rinig kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Pero gets kong ako iyon dahil tumingin sa akin si Sir Boss na sinundan pa ni Sage.

So anong meron?

"Arissa si Sage na ang sasama sa iyo." Panimula ni Sir Boss nang matapos ang uaapan nila ng pinsan.

"P-Po?"

"Sasama where?" Tanong naman ni Tyron.

"Naisip ko na tutal doon din naman pumapasok si Sage at alam na n'ya ang pasikot-sikot sa OdS, sya na lang ang sasama sa'yo sa pagkuha ng schedule mo. And nasa iisa lang naman kayong school, Sage suggested na s'ya na ang bahala sa'yo. First day mo ngayon and maganda nang may kakilala kang makakasama. Naayos ko na ang schedule mo, makakasama mo si Sage sa klase."

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now