Napuno ng pasasalamat ang bibig ni Josefina at todo tanggap naman si Elaine. Samantalang si Serena ay napalingon sa kulungan na kung saan ay makikita si Guillermo na nakaupo't nakatitig lamang sa lupa. Ang iba naman nitong kasamahan ay nakatitig sa mga kumakain at halos maglaway na ang mga bibig nila dahil sa gutom.

Hindi niya matiis na maawa sa kanila dahil lumaki siyang hindi pinagdadamot ang pagkain. Naniniwala ang kanilang bayan na ang mga pagkain ay inihanda ng diyos sa kanila at ito'y karapatan na ipakain sa lahat ng nagugutom, mabuti man o masama.

Kumuha siya ng maraming pagkain na magkakasiya sa naputol na dahon ng saging at dinala niya ito papunta sa kulungan. Binigay niya ito sa mga gutom na knights na hindi nagpasalamat sa kanya dahil dinumog na nito ang pagkaing hindi pa nalalapag sa lupa. Ngumiti ito ngunit agad itong napawi nang makitang si Guillermo ay nakatitig pa rin sa lupa. Kahit makikita sa mga bibig at ingay ng tiyan nito ang kagutuman, hindi nito pinansin ang pagkain. Kaya kumuha pa siyang muli ng isang pirasong pinakuluang kamote at ibibigay sana ito kay Guillermo ngunit inunahan na siya nito nang salita.

"Hindi ako kumakain ng maduming pagkain—" Tumingin ito sa dalaga nang masama at tinapik ang kamay nito. "Peasant!"

Nagulat at natakot si Selene kasabay nang pag-upo't pagtalsik ng kamote sa lupa. Sinamaan muli ng tingin ni Guillermo ang dalaga bago tumalikod.

Nasa estado pa rin si Serena nang pagkagulat ngunit ito'y naglaho at kinuha ang kamote sa lupa. Nilinis niya ito gamit ang kanyang suot na palda at muling lumapit kay Guillermo. Nilagay niya ito sa gilid ng knight.

"Kahit ikaw pa ang pinakamasama sa mundo, may karapatan ka pa ring bigyan ng biyaya," mahina niyang sambit at mapait na ngumiti. Nilisan niya ang kulungan at doon nagsimulang magutom si Guillermo. Matatag pa sa bato ang kanyang damdamin dahil sa kahihiyan at pagkatalo ngunit. . .

Sumulyap ito sa kamote.

. . . mahirap pigilan ang gutom.

𔓎𔓎𔓎𔓎

BAGO SUMAPIT ang hapon, natapos ang salo-salo. Nagpaalam ang ilang residente kay Emmanuel bago ito ipunta nila Pinunong Sol sa kagubatan. Kasama niya si Elaine habang si Cielle ay nagpaiwan dahil igagala siya ni Serena bilang pasasalamat.

"Paano ba 'yan? Dalawang buwan tayong hindi magkikita," saad ni Emmanuel at napakamot sa batok nang makaramdam ang hiya, "Hindi pa sapat ang ilang araw na magkasama tayo."

Akala niya'y maririnig siya ni Elaine ngunit nakita niya itong kinakausap si Pinunong Sol. Lumapit siya rito upang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Tanggalin mo na kay Lord Emmanuel ang curse," ani Elaine.

"Hindi maaari, Supreme Elaine," tugon ng matanda.

Napabuntong hininga na lamang si Elaine at tumingin sa gilid nang mapansing tumabi sa kanya si Emmanuel.

"Okay lang sa 'kin. Hindi ko rin naman sasabihin sa iba ang katauhan mo," sambit ni Emmanuel.

"Alam ko. Kaya nga hindi mo na kailangan ng curse, " ani Elaine.

"Narinig mo naman sa kanya. Hindi na kailangang matanggal ang curse," saad ni Pinunong Sol.

Humalukipkip ang dalaga bago sumagot, "Kailangan dahil kaibigan ko siya. . . "

Medyo kumirot puso ko ro'n, sa isip-isip ni Emmanuel.

". . . at kaibigan siya ng pamilya ko kaya mapagkakatiwalaan siya."

Seryosong tumingin si Pinunong Sol kay Emmnuel. Napalunok ang binata dahil animo'y masama na ang tingin nito sa kanya.

"Matagal na pala kayong magkakilala," saad ng matanda.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now