Mr. Kim's Promise

317 11 0
                                    

"Hindi ko kaya 'to, Sana." Natatarantang sabi ni Dahyun habang pasilip-silip sa labas ng 5-star restaurant na ni-rentahan ko para lang sa okasyong 'to.

"You made a promise to me, Dahyun." Pagklaro ko sa kanya ngunit parang hindi pa rin siya humihinto sa pag-aalala.

"Mga bata pa tayo noon. Don't take it seriously." Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya kaya naman humarang ako upang hindi siya makadaan.

"Do me a favor, then I'll help you." Seryosong sabi ko sa kanya nang mata sa mata dahilan para mapahinga siya nang malalim.

Nang matanggap niya nang wala na siyang ibang magagawa kundi ituloy ang plano namin sa araw na 'to, bumalik siya sa kinauupuan niya kanina.

Minabuti kong pumwesto na sa secret room ng 5-star restaurant na kinaroroonan namin upang panoorin ang lahat ng magaganap.

Maya-maya, pumasok na ang isang babaeng tila naghandang mabuti ng kanyang sarili para sa araw na 'to.

Napangisi ako nang makita ko siyang lumapit kay Dahyun. My plan will work. At the end of the day, sa akin ang huling halakhak.

My name is Sana and I won't stop until I'm done with all those people who messed with me.

•••

A/N: Hi, nandito na naman tayo para sa panibagong story HAHAHA. Curious ka na ba kung anong trip ni Sana at Dahyun? 😆 Watch the video in the multimedia section. Hindi pa ayos book cover nito, wala pa akong time mag-edit.

Mr. Kim's Promise | SaiDaWhere stories live. Discover now