12 : Efforts

51 5 2
                                    

[SANA'S POV:]

"Sorry, Sana. Na-curious lang ako kasi..." Sa inis ko, tinutukan ko siya ng tinidor sa mukha.

"Bakit mo pinapakialamanan ang phone ko?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Ah, eh. Promise, wala akong masamang intensyon. I'm sorry, Sana. Inaamin ko na mali yung ginawa ko."

"May nakita ka?!"

"Nakitang ano?" Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siyang clueless o nagsasabi siya ng totoo.

"Basta, may nakita ka?!"

"Wa...wala."

"Siguraduhin mo lang ha, huwag mo nang uulitin 'yon." Ibinaba ko na ang hawak kong tinidor bago tuluyang itago ang phone ko sa aking bulsa.

"Pangako, Sana. Pasensya na ulit." Nakayukong sabi niya kaya naman minabuti kong magfocus na muna ulit sa pagluluto.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya na tahimik lang na nakaupo sa pwesto niya. Ang awkward bigla ng atmosphere sa kusina.

"Sana..."

"Hmmm?"

"Kaya ko naman na ang sarili ko, mabuti siguro kung uuwi na ako."

"No."

"No?"

"Dito ka na muna, bukas ka na umuwi 'pag sigurado nang wala ka nang lagnat. Pulang-pula pa ang mukha mo, magpalipas ka muna ng gabi dito. Mamili ka na lang kung saang guest room mo gustong matulog."

"Pero..."

"Wala nang pero-pero, tapos ang usapan."

"Baka hinahanap na ako ni Inay at Chaeyoung."

"I-text mo sila, gamitin mo 'tong phone ko." Iniabot ko sa kanya ang phone ko kaya napatango na lamang siya.

"Salamat, Sana. Ito na ulit ang phone mo, nai-text ko na si Chaeyoung." Agad rin naman niyang ibinalik ang phone ko kaya muli na akong nagfocus sa pagluluto.

Ilang minuto ang lumipas, muling nagsalita si Dahyun.

"Kumusta si Tzuyu?" Sandali akong napahinto sa pagluluto dahil sa tanong niya.

"Bakit, miss mo na siya?"

"Nakita ko yung litrato niyo sa picture frame sa living room."

"Ganda ng kapatid ko noh?"

"Ah, eh. Oo, mas lalo siyang gumanda." Napalingon ako sa kanya.

"Pero mas maganda ako." Dagdag ko dahilan para mapakamot-ulo siya.

"Kwento mo 'yan eh." Rinig kong mahina niyang pagkakasabi kaya napa-pamewang ako sa harapan niya.

"Look at me, Dahyun. Mas maganda ako sa kapatid ko, diba?"

"Parang sumasakit ulit ang ulo ko, pahinga muna ako sa isa sa guest room mo ha. Salamat!" Bahagya akong napangisi dahil sa biglaang pag-iwas niya sa tanong ko.

Mr. Kim's Promise | SaiDaWhere stories live. Discover now