16 : Intentions

57 5 1
                                    

[SANA'S POV]

"Sigurado ka bang pinapunta mo ako dito para tanungin kung marunong akong magluto ng lugaw?" Tanong sakin ni Mina nang makarating siya sa apartment ko.

"Oo."

"At bakit naman bigla kang naging interesado magluto?"

"Gusto ko lang. Masama ba?"

"Hmmm, dahil ba kay Dahyun?"

"Excuse me? Anong kinalaman ni Dahyun dito?"

"Gusto mo siguro siyang i-impress sa cooking skills mo kaso 'di ka naman marunong magluto, haha."

"Iniinsulto mo ba ako, Mina?"

"Ikaw naman, masyadong seryoso. Wait, nagluto ka? Himala, ngayon lang ata kita nakitang nagluto ng pang-agahan." Gulat na sabi ni Mina nang halughugin niya ang kusina ko.

"Si Dahyun ang nagluto niyan, hindi ako."

"Ay, talaga ba? Pwede ko bang tikman ang iniluto ng future jowa mo?"

"Future jowa ka diyan. Kumain ka na kung gusto mo bago pa magbago ang isip ko."

"Yey, thanks!" Agad siyang kumuha ng kanin at ulam na iniluto ni Dahyun kanina bago tuluyang pumwesto sa dining room kaya sinundan ko na siya.

"So, kumusta ang luto niya?"

"Hey, Sana. Masarap magluto si Dahyun, pakasalan mo na 'yan."

"Kung ano-anong pinagsasabi mo, Mina. Mabilaukan ka sana."

"Grabe ka naman sakin. Kaya ba interesado kang matuto magluto? Gusto mong tapatan ang cooking skills ni Dahyun?"

"Basic lang naman 'yan." Agad na sagot ko.

"May nakita nga pala akong natirang lugaw sa kusina mo. Malamig na, pero tinikman ko pa rin. Sobrang alat, ikaw ba ang nagluto?"

"Pagkatapos mo kumain, umalis ka na ha."

"Confirmed, ikaw nga." Natatawang sambit niya kaya napa-irap ako sa kanya.

"Ay, wait. So, kaya mo ako tinatanong kung marunong akong magluto ng lugaw. Gets ko na! Ipinagluto mo siguro si Dahyun kagabi ng lugaw, kaso ang panget ng lasa. HAHAHA!" Napalakas ang tawa niya kaya napatingin ako nang masama sa kanya.

"Ginigigil mo ako, Mina. Baka gusto mong 'di na makatawa kahit kailan."

"Binibiro ka lang naman eh. Huwag kang mag-alala, marunong akong magluto. Ako'ng bahala sayo. Balang araw, mai-inlove si Dahyun sa cooking skills mo." Tumayo siya para tapikin ako sa balikat.

"In-love ka diyan. Kumain ka na lang!"

"Thankful ako na ipinagluto ka ni Dahyun ng breakfast. Nakakatuwang makita na may tao nang gumagawa noon para sayo."

"What are you talking about, Mina?"

"Matagal na rin kasi kitang 'di nakikitang mag-agahan sa bahay mo. Palagi kang nagpapalipas ng gutom sa umaga noong nasa California pa tayo, 'di ka rin naman sumasabay magbreakfast sa pamilya mo."

Mr. Kim's Promise | SaiDaWhere stories live. Discover now