11 : Curiosity

45 4 3
                                    

[DAHYUN'S POV]

"Aray!" Lalo ata akong magkakasakit dahil kay Sana na kanina pa ako nilalabog.

"Ang kulet mo kasi, sabi nang dito ka na muna eh." Napakunot-noo ako kay Sana na nakatayo sa harapan ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis 'pag ibinalibag ka bigla sa sofa?

"Mapanaket ka kamo, Sana."

"Hindi ka masasaktan kung 'di ka makulet, hirap mong kausap."

"Ako pa talaga ngayon? Tsk."

"Hubarin mo na 'yan."

"Ha?" Mali ba ako ng narinig?

"Hubarin mo na ang damit mo."

"Bakit?"

"Anong bakit?" Tanong niya sabay akmang huhubarin ang pang-itaas n damit ko.

"Wait, Sana. Bakit?"

"Bakit ba tanong ka nang tanong? Hubarin mo na 'yan."

"Sandali, 'di pa ako ready."

"Saan?"

"Kaya mo ba ako dinala dito sa Penthouse mo? Bakit ako maghuhubad?" Napatingin kami sa isa't-isa.

"Teka, akala mo ba may pagnanasa ako sayo? The fvck? Pinaghuhubad kit ng damit dahil basang-basa ka ng ulan. Baka lumala ang lagnat mo 'pag 'di mo pa yan hinubad. Ang dumi pala ng isip mo, nakakahiya ka."

"Ah, eh. Sorry, kinabahan ako sayo eh hehe." Kamot-ulong sagot ko sabay hubad ng damit ko. Napatingin ako kay Sana na agad umiwas ng tingin nang mapansin kong nakatitig siya sakin.

"Dyan ka muna ha. Huwag kang aalis diyan kahit anong mangyari. May pupuntahan lang ako."

"Wait..."

"Subukan mong umalis diyan." Warning niya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya.

Saan naman kaya pupunta 'yon? Biglang umalis eh, iniwan ako dito sa Penthouse niya. Ang lakas-lakas pa ng ulan sa labas, ni hindi na nga siya nagpalit ng damit na basang-basa at putik-putik rin.

Habang wala siya, minabuti kong maghintay na muna sa sofa. Nakaupo lang ako nang may mapansin akong picture frame sa table na malapit sakin. Inabot ko ito't pinagmasdan, litrato pala ni Sana kasama si Tzuyu.

Hindi ko maiwasang maisip kung kumusta na kaya si Tzuyu sa ibang bansa. Ayos lang kaya siya? Kilala pa kaya niya ako? Naaalala pa kaya niya ako? Ang ganda pa rin ni Tzuyu, tinatamaan na naman ata ako ng lintek. Kailan kaya siya babalik dito?

Isang oras na ang lumipas nang makabalik si Sana.

"Saan ka nagpunta, Sana?"

"Here, pamalit mo." Hindi ko inaasahan na babalik siya nang may dalang mga bagong damit at panloob para sakin.

"Don't tell me...umalis ka para ibili ako ng mga 'to?"

Mr. Kim's Promise | SaiDaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon