Chapter 12: Abandon

96 20 6
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

THE moment Calyx recalled that time he had spent with Anaise, he didn't hesitate to drive to where Anaise was. Akala niya ay hindi siya makapapasok sa bahay nila ngunit mukhang may pahintulot pa rin mula sa mga magulang ni Anaise na maaari pa rin siyang bumisita. Marahil ay hindi pa rin nababanggit ni Anaise ang tungkol sa kanilang naging pagtatalo.

Pinatuloy siya ng guwardiya sa loob ng gate ngunit sinalubong siya ni Anaise sa labas ng bahay. Nakatindig sila sa hardin ng ina ni Anaise na napaliligiran ng mga bulaklak.

"What the hell do you still want, Cal?" seryosong tanong ni Anaise na magkakrus ang mga braso.

"The truth." Akmang hahawakan ni Calyx ang mga braso ni Anaise ngunit umatras siya. Kapuwa naramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa kanilang mga katawan kasabay ang pagsasayaw ng mga halaman sa paligid.

Anaise rolled her eyes and sighed. "Calyx, can you just stop? I have so many things to do. Huwag ka nang dumagdag pa."

"Anaise . . . "

"Ano pa ba ang gusto mo para tantanan mo na 'ko?" Napaatras si Calyx nang mas mabatid na hindi pa rin humuhupa ang galit sa mga mata ni Anaise.

"Si Amelie?" tanong ni Calyx na nanunuyo ang lalamunan. "A-anak ko nga siya, 'di ba? Please, huwag mo na itanggi o itago pa sa 'kin! I'm desperate here!"

"Wow, desperado? Desperado ka na?" Anaise smirked. "Okay, I'll get you out of your misery. Oo, tama ka. Siya ang bunga ng katangahan natin noon," walang pag-aalinlangan na sagot ni Anaise. She was catching her breath due to the sudden outburst of her emotions. "Si Amelie . . . siya ang pinakatama sa lahat ng naging mali noon."

Calyx tightened his grip. "P-pinagkait mo sa 'kin ang anak ko?"

"Pinagkait?" Anaise smirked as she repeated the word. "How could I tell you we have a child, Cal? Paano? Umalis ka nga, 'di ba? Iniwan mo 'ko, 'di ba? Sana naisip mo bago mo 'ko kinama na baka nagkaanak tayo, handa ka man sa kasal o hindi. Bakit? Kapag sinabi ko ba, babalik ka?"

"Oo!" sagot niya agad.

"Bullshit, Calyx!" hiyaw niya. "Huwag mo 'kong gawin na isang tangang tuta na susunod lang sa mga sasabihin mo gaya noon. Paano kung sinabi ko pero masaya ka na pala? Na may pamilya ka na pala? Hindi ba sasaktan ko lang ang sarili ko? Ang anak ko?"

"Anak natin," pagtatama ni Calyx sa dalaga.

"No!" hiyaw ni Anaise. "The moment you left me to die, Amelie was just mine. Wala naman akong habol sa 'yo at pinili ko naman na manahinik na lang. You can live the life you've always wanted. Hindi naman kita pinipigilan! You can live the lifeaway from me and that includes Amelie as well. Kung gusto mo balik-balikan ang ex mo, wala akong pakialam! Isaksak niyo pa sa mga baga niyo ang pagmumukha niyong dalawa! "

Katulad ng mga nakaraan na araw, parang saksak sa kaniyng dibdib ang mga salita ni Anaise. Ang naging mabait pala nitong pakitutungo ay isang maskara. Isang malaking palabas lamang pala. Nagpapanggap ang dalaga na maayos ang lahat at may amnesia siya kahit na sa kaloob-looban pala nito ay masama talaga ang loob niya.

Anaise hated him; that was a fact. Or maybe there was a subtler way to say it since she allowed him to be around her briefly.

Ngunit kung pinagpatuloy ni Anaise ang pagpapanggap, may magbabago ba? O parehas lang ang isasampal sa kaniya na katotohanan na kahit balibaliktarin ang mundo, hindi mabubura ang kinikimkim na galit ng dalaga.

"Why can't you just let me be a father to our child?!"

Lumapit si Anaise kay Calyx. Walang babala at mabilis na lumapat ang palad sa pisngi ni Calyx. "Ang kapal din ng mukha mo. Wala kang karapatan na hilingin sa 'kin ang pinagkait mo, Cal. Kaya kong buhayin ang anak ko na wala ka."

"You can't do that."

"I can. I was carrying her for nine months without you. I gave birth to her and had been by her side since the day she saw the light of the world. Wala ka sa retrato na 'yon. Wala ka na puwang sa buhay namin mag-ina."

"Don't be stone-cold on me, Anaise. I'm trying to fix everything. I want to be a part of Amelie's life . . . of your life," pagsumamo ni Calyx.

"How does it feel, Cal? Ang sakit 'no? Ang sakit na ipagtulakan talaga palayo. Katulad noon na iniwan mo 'ko sa araw ng kasal natin! Na matapos kong sumunod sa 'yo at kahit may nangyari ulit sa atin, hindi pa rin ako sapat!"

"Hanggang kailan mo balak ulit-ulitin ang bagay na 'yan? Hanggang kailan ko balak ungkatin ang mali ko? Ang kasalanan ko?"

"Uulitin ko hangga't gusto ko!" Malalim ang naging bawat paghinga ni Anaise. Hindi na niya kinukubli ang nagpupuyos na galit na matagal na niyang tinatago sa mundo.

Akmang lalapit si Calyx ngunit humakbang palikod si Anaise na galit na galit pa rin ang mga mata.

Nanghihina na hinayaan ni Calyx na mapaluhod sa harap ni Anaise. He reached for her hand as he remained staring at her feet.

"I have nothing but complete regrets in my life . . . please don't set me aside in my daughter's life."

"You brought this—"

"Kaya nga nagmamakaawa ako, Anaise!" This time, Calyx cut her off. "I am begging you to give me this chance to prove myself . . . " Lumapit si Calyx at pinatong ang mga kamay sa pisngi ni Anaise. He had his head down as he fell on his knees and his shaking hands went to her arms. "Please . . . "

Napuno ng katahimikan ang buong kapaligiran maliban na lang sa lagaslas ng mga halaman. Calyx could smell the flowers that Vivian had been taking good care of.

Kung puwede lang sana na ang simoy ng hangin lang ang kaniyang lalasapin, magiging  masaya pa siya.

"L-let me think about it."

Her words would be his remaining salvation, no matter how cold they were. He was willing to abandon everything from the past to fix the present and build the future with Anaise and Amelie.

Napapikit ng mga mata si Calyx habang nanatiling nakaluhod sa harap ni Anaise. It was as if a heavy load was removed from his shoulders. The heaviness in their chest dispersed, and as he opened his eyes, everything went blurry, and he felt his head hit the grassy garden.

"Calyx!"

***

Please don't forget to support by voting and leaving comments! Mas naka-i-inspire po magsulat 'pag may mga aktibo na sumusuporta! Thank ü!

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Save the Best for the LeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon