Prologue

568 54 38
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

MATAAS na ang sikat ng araw at abala ang lahat sa pag-aayos ng bahay. Sa katunayan, isang linggo na nilang inaayos ang bahay para sa baysanan. Everything was ready—from the tableware to the utensils, even the chairs were all decorated prettily.

May masiglang musika na tumutugtog sa labas ng mansiyon. Bawat isa sa trabahador ay may nakatokang tungkulin upang masigurado na perpekto ang lahat.

Nagmamadali na rin ang mga abay at mga taga-ayos nila para sa kasal. They were all rushing to their cars to get everything and everyone ready. Ilang sandali na lang at gaganapin na ang kasal ng bayan.

Every name in the city knew about the marriage between the del Rosario and de Torres family. And to think the wedding would be held on Valentine's Day was magical!

Huminga nang malalim si Calyx habang nakadungaw sa veranda. Kitang-kita niya kung gaano kaabala ang lahat mula sa kaniyang kinatatayuan. May nagpapatong ng mga pinggan at baso sa bawat mesa, mayroon ding tinatapos na ang paglalagay ng mga bulaklak sa bawat mesa. May entablado rin para sa kanila at katapat nito ang mesa ng mga magulang. Sa kabila naman ang sa mga ninong at ninang, at may lamesa rin na para sa mga abay.

Sa sobrang busy ng lahat para sa kaniyang kasal, madali siyang nakapuslit pabalik sa sariling kuwarto.

Nakatitig lang ang kaniyang singkit na tsokolateng mga mata sa paligid at ginulo ang kulay tsokolateng buhok. Dinama niya ang init ng araw sa kaniyang maputing balat—dahilan kung bakit napagkakamalan siyang hindi taga-bukid.

At sa kaniyang panonood ng kaguluhan sa baba, napansin niya ang pamilyar na sasakyan na pabalik sa mansiyon. Nagmamadaling bumaba roon ang kaniyang mga magulang at alam niyang siya ang pakay ng mga ito.

Bihis na bihis ang kaniyang mga magulang. Si Venus, ang kaniyang ina, ay nagpatahi ng magarbong gown para sa kasal ng unico hijo. Si Ben, ang kaniyang ama, ay nakasuot ng Amerikanang kulay itim at may necktie na aquamarine—ang motif sa kasal.

At mula sa kaniyang kinatatayuan, pansin niya ang pagkabalisa at pagmamadali ng dalawa. Mabuti na lamang at hindi siya kita ng mga ito sa kaniyang kinatatayuan.

Nakarinig siya ng papalapit na mga yabag at pagkatakot at boses mula sa labas ng kaniyang silid.

"Cal! Calyx, anak!"

"Calyx, nandito ka ba?"

Lumingon siya nang biglang magbukas ang pinto. Naghahabol ng hangin ang kaniyang ina at ama nang pumasok sa kaniyang silid-tulugan.

"Anak, bakit nandito ka pa?"

"Alam mo ba kung ano'ng oras na?" tanong ni Ben.

Ngumiti siya at muling bumaling sa bukid.

"Calyx! Nasa simbahan na sina Anaise! Ano pa'ng ginagawa mo rito?" usal ng ina at nagmamadaling nilapitan ang nag-iisang anak. "Hoy, Calyx! Ikaw ang dapat nauna r'on pero nandito ka pa!"

Save the Best for the LeastWhere stories live. Discover now