Chapter 20

312 17 4
                                    

"Bulaklak." saad niya nang madatnan sa loob ng kanyang opisina ang kaibigan.

"Hi." Flower waved.

"Hi, anong hangin at sinadya mo 'ko rito?" tanong niya at umupo katabi nito.

"I'm sorry."

Nagtataka naman siyang tumingin dito, "What for?"

Hindi kaagad siya nito sinagot and then she realized why.

Nginitian naman niya ito at hinawakan sa mga kamay. "Bulaklak, you don't need to feel sorry about what happened between me and your husband."

"But still-"

"Shhh, I'm telling you that you shouldn't feel sorry to me, wala kang kasalanan. Hindi mo rin kailangan maging awkward saakin."

"So magkaibigan pa rin tayo despite of your past with Nick?"

"Of course." kahit kailan ay hindi siya nagalit kay Flower, wala itong kasalanan sa pang-iiwan ni Nick sa kanya. Kahit papaano ay tunay na kaibigan na rin ang turing niya rito.

"Thank you Patak ng Ulan."

Nanatili ng ilang minuto si Flower sa office niya. Nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano. Nasali rin sa usapan nila ang patungkol sa magaganap na werewolves' festival na magaganap na pala sa susunod na linggo. Tuloy ay bigla siyang napaisip sa kung ano ang ipeperform niya sa nasabing pagdiriwang.

Pag-alis ng kaibigan ay siya ring pagdating ni Chill dala-dala ang alaga nitong unggoy.

"Oh? Anong nangyari kay baby Munchkin?" tanong kaagad niya sa binata. Oo, Munchkin ang pangalan ng unggoy nito. Minsan napapaisip talaga siya kung magkapatid ba talaga si Chill at Calm. Ibang-iba naman kasi ang mga ugali nito sa isa't isa.

"Yesterday, she was fine but today she's not doing well. Munchkin didn't eat her breakfast and lunch, and she looks so sad. Rain, what do you think its problem?" Chill is usually playful kaya hindi niya inaakalang makikita niya ang side nitong seryoso at maalaga.

"Hmm... It's really obvious na ang tamlay nga ni Munchkin. Wala ka bang napansin na may nakain siyang hindi dapat niya makain? Did she throw up or pooped abnormally?"

"Wala naman, ang tamlay lang talaga. Why? Do you think she was food poisoned?"

"I'm not sure yet. Ano ang last na pinakain mo sakanya?"

"Cat food."

"WHAT?!" mukha atang nabingi siya sa sinagot nito.

"Cat food, pagkain ng pusa."

Napahilamos nalang si Raindrop, "I mean, bakit cat food pinakain mo? Wala ka naman atang pusa."

"Wala nga."

"Eh bakit nga cat food?"

"Hindi ko nga alam kung ba't may cat food ako eh, basta ang alam ko nang pinakain ko 'yon sakanya ng mga ilang araw na ang nakalilipas ay nagustuhan niya naman kaya ayon na lang ang pinapakain ko sa kanya. Kaya nga nagtataka na ako kung bakit hindi na niya kinain kanina."

"Ilang araw mo na siyang pinapakain ng ganoon?"

"Mag-iisang linggo na rin."

May-awang napatingin siya sa unggoy, "Kawawa ka naman talaga Munchkin. May sayad sa utak ang amo mo." kausap niya sa unggoy habang hinahaplos ang balahibo nito.

"You know I'm just right here."

"Tsk. Kung hindi ka naman kasi siraulo. Sino'ng matinong tao ang magpapakain ng cat food sa unggoy? Kaya naman pala ang tamlay ni Munchkin." She examined the monkey. Looking for a symptoms to food poison. It took a while before she came up to a conclusion that the pet is fine. Sadyang nagsawa lang ito sa cat food kaya hindi na kumain.

His doctorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora