Feeling ko...

Feeling ko may gusto kaya sa akin ang lalaking ito?

CHAROT LANGGGG!!!!


Feeling ko kasi talaga may galit sa akin si Sage. Iba ang paraan ng tingin n'ya sa akin hanggang sa pakikipag-usap. Ibang iba sa way ng pakikipag-usap sa akin ni Travis at Tyron. Kahit pa nagsusungit si Sir Boss sa akin, hindi ko ramdam na galit ito sa akin.

Pero kay Sage...

...ramdam ko.

"Bakit hindi mo itinuloy, Paige?"

Paige...

Damn! Kahit pagbanggit ng second name ko nakakakilabot din.

"W-Wala lang. Trip ko, bakit ba?"

"TSK!"

Nawala ang ngisi nito at tumalim na naman ang tingin sa akin.

"Bakit ka ba ganyan, Sage? Wala naman akong ginagawa sa'yo ah."

I can't help it, but to burst out.

Nagulat si Tyron sa pagtataas ng boses ko. Kahit si Sage ay natigilan din, pero saglit lamang iyon at bumalik din sa usual pokerface nito.

Tumayo si Sage at naglakad palapit sa akin. Dalawang pulgada ang layo n'ya mula sa pwesto ko. Pero ramdam na ramdam ko ang kuryenteng ipinupukol ng kulay chocolate brown n'yang mga mata sa akin.

"You're not supposed to be here, Paige."

"Sage, stop it! You're scaring her."

Pigil ni Tyron sa pinsan pero hindi paawat si Sage.

"Iyon nga ang maganda. Ang matakot s'ya. Let me tell you honestly, Paige. You should've leave this place as early as expected."

Mababa ang boses ni Sage pero ramdam na ramdam ko ang bigat niyon sa bawat pagbigkas n'ya.

I don't understand.

Bakit?

Napayuko ako. "Hindi... Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan kong umalis?"

"No reason. And you don't need to understand anything. All you just have to do is to leave this mansion." He uttered. Na para bang napakadaling sabihin niyon para sa kanya.

Inangat ko ang aking mukha para tingnan silang dalawa.

"Bakit ako aalis?" Bumaling ako kay Sage. "Ikaw ba ang boss ko para utusan mo akong paalisin dito? Hindi ikaw si Sir Boss kaya bakit kita susundin? Oo nga at pagmamay-ari n'yo ang bahay na ito at karapatan n'yong gawin at sabihin lahat ng gusto n'yo. Pero hindi naman yata kasama roon ang paalisin ako sa trabaho ko."

Umiwas ako ng tingin. Pinipigilang huwag sumabog ng husto.

"Wala akong ginagawang masama at nagtatrabaho ako ng maayos. May pamilya akong sinusuportahan kaya kailangan ko ang trabahong ito, Sage. Kung hindi mo maintindihan, magpalit tayo ng pwestong dalawa para maintindihan mo ang sitwasyon ko. Palibhasa mayaman na kayo eh. You can get all you want in just a second. Pero iyong pagsabihan ako ng ganyan, hindi yata tama 'yon."

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa pinaghalong inis, galit at pagkalitong nararamdaman.

Nabalot ng katahimikan ang buong guest area. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. At nang marealize kung anong ginawa ko, nahampas ko na lang ang aking noo.

Nakakahiya ka Arissa!

Nakakahiya!

Bakit ko ba kasi napagtaasan ng boses si Sage? Paano kung magsumbong s'ya kay Sir Boss? At kapag nangyari 'yon, katapusan ko na.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now