Chapter 19 - Mix Signal

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako tapos nakita kong medyo nagulat si Regina sa ginawa ko, "okay na ako Regina pwede ka na lumabas." Sambit ko sakanya.

Ginagawa ko lang naman dahil ayaw ko sya mapahamak sa ginagawa nya for me ngayon. Alam ko kasing mad-disappoint tatay nya sakanya at pagagalitan sya

Alam ko rin na gusto nyang maging proud sakanya tatay nya kaya di na dapat madisappoint tatay nya sakanya ngayon.

"Narda if this is about what Era said---"

"Hindi Regina, i swear okay na talaga ako. Hindi na masakit oh!" Hinawak-hawakan ko 'yung ulo ko kahit masakit pinipigilan kong hindi mag-react.

Tumayo sya tapos hinila nya ako para makaupo sa couch tapos pinahid nya ulit 'yung ice.

"Clearly you're still not okay so wether you like it or not, gagawin ko 'to." Napaka kulit talaga, hindi talaga sya nasasabihan ng isang beses 'noh?

"Regina---"

"I'm saying this as your boss and not as Regina." Mataray nyang sagot sa'kin kaya nanahimik nalang ako bago ko pa ma-reach 'yung limit nya.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo at hindi ko na namalayan na unti-unti akong lumalapit sa mukha nya.

"Narda..." Sinunggaban ko sya ng malalambot kong halik.

This is it.

Wala nang atrasan 'to.

Nag r-respond sya sa mga halik ko pero bigla nya nalang akong tinulak tapos tumayo sya at nagmadaling lumabas.

Mali ba 'yung ginawa ko? Akala ko gusto nya ako? Sya pa nga unang humalik sa'kin sa island nya eh.

Syempre hinabol ko sya sa labas at nung maabutan ko na sya hinawakan ko sya sa braso nya tapos pinaharap ko sya sa'kin.

"Ano ba?!" Sigaw nya sa'kin, dahilan para magtinginan 'yung mga co-workers namin.

"Anong ano ba? Mali ba 'yung ginawa ko?" Sambit ko. Hindi ko iniintindi 'yung tingin samin ng mga co-workers namin, parang nawalan ako ng hiya ngayon.

"Just leave me alone Narda." Mahinhin nyang sabi habang nakakunot ang mga kilay nya at nakayuko sya.

Binitawan ko sya at mahinahon na bumalik sa office ko habang sya naman papunta sa elevator para siguro umalis ng building.

Mali ba na hinalikan ko sya? Akala ko ba gusto nya rin 'yun?

Lahat ba ng iniisip ko sakanya, akala lang?

Nag assume lang ba ako?

Nagustuhan ko rin ba sya "pabalik" para lang sa wala?

Nag-focus nalang ako sa work ko pero kahit anong gawin ko, 'yung nangyari pa rin kanina 'yung naiisip ko.

Nag-respond naman sya sa mga halik ko ah? Ganon na ba ako ka bad kisser? Porket second kiss ko palang 'yun?

Sana manlang sinabi nya 'yung thoughts nya about sa kiss namin di 'yung nanghuhula ako dito ngayon.

Total hindi na rin ako makafocus sa trabaho, maaga na akong nag out. Paglabas ko ng office pinagtitinginan ako ng mga co-workers ko pero sinuway sila ni Floryn dahil napansin nya rin.

"Anong tinitingin-tingin nyo kay Narda? Get back to work!" Sigaw nya tapos nginitian nya ako softly at kinindatan.

Parang sya na tuloy 'yung tumayong kaibigan ko dito ngayon.

Napagdesisyonan ko na pumunta dun sa may calm place na pinuntahan namin ni Regina, yung palabas na ng Metro Manila tapos kita mo 'yung view ng city.

Alam ko na rin naman 'yung Address since ako nag book ng online car namin kaya nakita ko dun 'yung address nun.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now