"Sa kwarto ka nalang matulog Harry, sasakit ang likod mo diyan. Queen-size ang kama ko sa kwarto ko pero wala yung sapin dahil minsan lang ako matulog dito at baka madumi pa yung mga sapin ko."

Nagmulat si Harry at bumangon mula sa sofa. "Oh sige ako nalang ang gagawa nun, kumain ka nalang diyan at ako na ang bahala dun sa kama. Magpapalit muna ako ng damit dahil ang lagkit na ng balat ko."

"Oh sige. Katabi lang ng kwarto ko yung banyo." bilin ko sa kanya.

Tumango siya at kinuha ang bag niya at pumasok sa kwarto ko. Ako naman ay kinuha ang bag at binuksan para kunin ang baon namin. May dinaanan kami kanina sa Davao na drive thru dahil baka hindi kami makahanap agad ng restaurant dito sa syudad lalo na kapag nasa bus at bawal pumara dahil ang daming sasakyan at hassle pa kapag bumaba kami para lang bumili.

Pinunasan ko ang lamesa at ang silya na ginamit ko ng tissue para mawala yung alikabok. Kumain akong mag-isa. Naubos ko agad ang pagkain ko dahil gutom talaga ako. Yung tira para kay Harry ay linagay ko sa paper bag para hindi dapuan ng ipis o daga.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako pumanhik sa banyo pero bago pa ako tuluyang makapasok sa banyo ay pumasok muna ako sa loob ng kwarto, namataan ko si Harry na natutulog. Nakaharap ang tiyan niya sa kama at bagsak talaga ang babae. Nakabihis na siya ng pyjama at maluwag na t-shirt. Pinabayaan ko nalang ang natutulog, dahan-dahan ko lang na binaba ang bag ko sa loob ng aparador at kumuha ng bagong damit.

Ang bilis kong makatulog nang dumagan agad ako sa kama. Pagpikit ko ay tuloy-tuloy ang tulog ko, dala na siguro ito ng pagod sa byahe kanina.

Paggising ko ay natutulog pa rin si Harry, nakatalikod na siya sa akin. Nagdesisyon ako na bumangon na para makakain. Sa Lunes ang pa ang pasok pero ang sabi ni boss ay ngayon daw. Papakiusapan ko nalang si ma'am Rocel na ipagliban nalang muna ang trabaho namin ngayon dahil hindi pa handa ang mga katawan namin para sa trabaho buong araw.

Naghilamos ako at nagsipilyo. Hindi muna ako nagpalit ng damit. Jogging pants at white t-shirt naman na maluwag ang suot ko, nagsuot lang ako ng bra dahil aalis ako. Balak kong maggrocery. Si Harry ay aalis yun mamaya at doon siya sa bahay niya na mananatali hanggang sa bumalik kami sa Davao. Ayaw kasi niyang manatili sa apartment ko, para narin matauhan ang bahay niya dahil ilang taon na rin yung walang tao.

Nagsuot ako ng knitted winter headband habang nakabun ang buhok ko bago lumabas. Two thousand na pera ang dala ko para sa budget ko para sa grocery. Ako lang naman ang kakain, wala akong kasama sa apartment kundi ako lang.

Mabilis akong nakababa, hindi nga ako napagod dahil pababa naman yun hindi paakyat sakto lang na walang elevator dahil hindi na ako magjojogging, akyat-baba lang okay na.

Paglabas ko ay inugay ko ang dalawa kong braso, napangiti ako kasi ang lamig ng hangin na sumalubong sakin paglabas ko ng building. Paakyat palang ang araw kaya malamig pa. Napaaga ako ng gising. Kumanan ako dahil nasa right side ng building ang department store.

May mga puno sa tabi ng kalsada kaya malamig at hindi nangangamoy usok ang lugar. Pinili ko itong lugar na'to dahil hindi magulo ang kalsada. Kahit maraming dumadaan na kotse ay hindi magulo, hindi rin madalas magkaroon ng traffic, kung may traffic man yun ay may inaayos sa kalsada.

May dinaanan akong ibang tindahan pero hindi ako pumasok dahil department store ang sadya ko at hindi ko dala ang wallet ko, yung dalawang libo lang ang budget ko para sa pagkain ko.

Nang sa wakas makapasok na ako sa department store ay agad akong kumuha ng mga canned foods at mga ingredients para sa ibang lulutuin ko. Sa wet market ang sadya ko pero malayo ang wet market. Kapag may madaanan ako kapag pumasok na ako sa trabaho ay bibili ako. Gusto ko yung mga gulay at isda.

PhoebianWhere stories live. Discover now