16

228 8 4
                                    

Kung meron mang nakakakilala sa akin bukod sa sarili ko, 'yun ay sila nanay at tatay. Sa katunayan nga, mas kilala pa nila ako kaysa sarili ko. Mas alam nila ang gusto ko, ang ayaw ko, ang kaya ko, ang hilig ko, at ang kinatatakutan ko. Sila ang mga taong kinamulatan ko. Kasama ko na sila bago pa man ako magkamuwang sa mundong ito. Sila ang sumasalo sa akin sa mga panahong nadadapa ako sa sarili kong desisyon. Sila ang nagturo sa aking maging ako.

Katotohanan... ano nga ba ang katotohanang dapat kong malaman? Nahihirapan na ako at naguguluhan. Parang akong bumalik sa pagiging sanggol. Walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya. Basta paggising ko kanina, naramdaman kong may kulang ngunit sa kabila noon, may kasamang kasiyahan.

"Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita," RJ asked as he stood up.

"Ayoko pa. Ayoko pang malaman kung anuman ang katotohanan. Natatakot ako," I confessed.

"Bakit naman? Mas masakit pag hindi mo nalaman ang katotohanan."

"Bakit ba kailangang timbangin kung alin ang mas masakit? Hindi pa ba sapat na kahit anuman ang piliin mo doon, parehas ka pa ring masasaktan?"

"Magkaiba kasi ang sakit nila, Maine. Kapag nanatili kang walang alam, 'yung sakit na naimbak mo dyan sa puso mo, nandyan lang at maaari pang lumago." He looked me in the eyes. "Pero kapag nalaman mo ang katotohanan, masakit mang malaman, palalayain ka naman nito. Ayaw mo bang maging malaya, Maine?"

Kalayaan... laging hinahangad ng karamihan. Kalayaan sa mundo. Kalayaan sa kapaligiran. Kalayaang gumalaw. Kalayaang maging ikaw. Sa lahat ng nabanggit, alin ang inaasam ko? Lahat. Ngunit wala doon ang pinagpipilian. Aling kalayaan nga ba ang nais kong makamit? Kalayaan sa katotohanan o kalayaan sa sakit?

"Katulad ng mga ibon, gusto ko ring maging malaya," I answered after a short while, looking at the few birds in the cage. "Ngunit kagaya rin nila, paano ako makakalaya kung nakakulong ako?"

"May susi, Maine."

"Wala sa akin ang susi, RJ. Kung sinuman ang nagkulong sa akin, siya lang rin ang may kakayahang makapagpalaya sa akin."

"Sino ba ang nagkulong sa'yo? Hindi ba't ang sarili mo rin?"

There was silence after he said that. He's right. I was the one who imprisoned myself without knowing the reason. Or because I don't really wanna know the reason. My head is hurting, I want to get in bed and sleep, then wake up thinking this whole thing is just a dream.

And so I did. I woke up tucked in my bed. But the thing is, it was not a dream. I'm still contemplating if I should ask my parents the truth or just keep it to myself. Then I heard my phone buzz twice. It was RJ.

'I hope you found the sleep that you need.'

'I will always be here for you whatever your decision is, Maine. Either to know the truth or just stay as it is. But please, think wisely.'

Think wisely. And so I did. I won't ask. I know it is a cowardly decision but I'm done with the heartbreak. What I need right now is rest. Physically and mentally. It's not selfish to ask for that, isn't it?

But even though I tried hard to avoid the truth, if it wanted to be known, it would.

After I rose from the bed and went my way to the dining area, I overheard my parents talking.

"Teodoro, eto na nga ba ang kinatatakutan ko eh. Eto na 'yun. Dumating na. Kailangan na natin sabihin sa anak natin ang katotohanan."

Katotohanan na naman. Kailan ba ako tatantanan ng katotohanan na 'yan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember LoveWhere stories live. Discover now