"Anak, wag mong laksan ang boses mo... Maririnig ka.." pigil ng nanay nya sa kanya.

Huminga ng malalim si Gino "Andito ako sa bahay ko, magsasalita ako hanggat gusto ko, kahit sino pa ang makarinig."

"Gino... Hindi maganda ang ganyan.." paalala ng nanay nya.

"Sige po nay, lalabas muna ako. Magpapalamig, uminit ulo ko eh..."

.......................

Walang tigil sa pagiyak si Kaella, nasasaktan sya sa nangyayari sa buhay nya, sa ginagawa ng Papa nya sa kanya, sa mga masasakit na salita na nasabi nung Gino na yun.

Wala pa syang 24h na nasa Masantol pero grabe na ang mga nangyayari. Paano pa sya tatagal ng tatlong buwan.

Noong una nyang nakita si Gino, ramdam nya ang lakas ng dating nito. Ngayon ramdam parin nya ang lakas ng dating nito, sa sobrang lakas pati kayabangan at kasamaan ng ugali ramdam nya.

Mas lalo syang nakaramdam ng takot sa mga susunod na araw. Paano nya pakikisamahan yung Gino na yun.. Paano nya haharapin ang iba pang tao... Hindi nya alam, she's like a newborn babies- hindi alam kung saan magsisimula.

......................

Matapos ang 30mins, bumalik na si Gino. Kumain lang naman sya ng balot sa kanto, hindi narin mainit ang ulo nya. Nang makapasok sya sa kwarto nya, narinig nya ang hikbi ng ni Kaella mula sa kabilang kwarto. Nakaramdam naman sya ng guilt.

Sa totoo lang, nabigla lang naman talaga sya. Buong araw kasi puro nalang Mikaella Madrigal ang narinig nya, dahil sa maraming katrabaho nya ang nakaalam na naging customer nila last night.

Tapos uuwi sya makikita nyang nasa banyo nila? At sa ganoong ayos pa. Napailing nalang si Gino. Hindi naman sya manyak eh, kahit sino yata magugulat na may isang magandang babae sa banyo nyo.

"Tatlong buwan ko makakasama yang babaeng yan?" bulong nya sa sarili.

...............................

"Oh Gino, gising ka na pala. Halika na at kumain" yaya ni Nay Belen.

Sa totoo lang, hindi alam ni Gino paano sya nakatulog. Dahil kahit anong gawin nya, hindi sya madalaw ng antok. Lalo na at patuloy lang sa paghikbi ang princesang nasa bahay nila.

"Goodmorning Nay, yung Princesa gising na ba?" tanong nya bago kinuha ang kape na tinimpla ng Nanay nya.

"Goodmorning..." singit ni kaella.

Tiningnan nya ito, halatang umiyak ito ng matagal kagabi. Pero maayos na ang pagkakasuklay ng buhok nito. Napatingin sya sa suot ni Kaella, isang maikling shorts at isang racer back sando. Nainis naman si Gino sa sarili sa pinagiisip.

"Halika na, kumain ka na Iha."

Umupo si Mikaella sa tabi ni Gino. Maliit lang ang table kaya magkalapit talaga sila. Tiningnan ni Mikaella ang mesa at ang pagkain nakahain. Isang supot ng pandesal at kape. Sanay pa naman sya na pancake lang ang breakfast.

"Iha, ito sinangag at daing. Nagprito narin ako ng itlog dahil baka hindi ka kumakain ng daing eh"

Likas na sa nanay ni Gino ang pagiging maalaga.

"Bawal ang mapili sa pagkain sa bahay na 'to" sabi ni Gino. Sinaway naman sya ng Nanay nya.

"Nay, hindi matuto yan kung sa pagkain palang hindi nya alam disiplinahin ang sarili"

Mapili talaga sa pagkain si Mikaella, pancake lang talaga ang kinasanayan nyang breakfast. Pero bakit pa sya magrireklamo kung ito nanaman ang magsisimula ng pagtatalo nila ng gwapong masungit na anak ni Aling Belen. At yun, no choice. Kumain din sya.

"Ano ngang pangalan mo?" Tanong ni Gino bago humigop ng kape.

"Mikaella Madrigal"

"Mikaella, Mikaella, Mikaella..." inulit ulit yun ni Gino.

"You can call me Kaella,"

"Kaella? Masyadong pang mayaman.." napakunot noo si Kaella dahil.sa sinabi ni Gino. "Andito ka sa squatter, kaya dapat pangmahirap din ang pangalan mo"

"So pangmahirap pala ang pangalan mong Gino?"

"Hindi naman,. At minsan tinatawag nila akong 'Gi' dito. Pero ikaw, dapat may iba ka ring pangalan dito." sagot ni Gino.

"So what? Are you gonna call me nene, inday or anu pa?" sarkastikong sabi ni Kaella.

"Mika-Mikaella., Mikay!! MIKAY!! Tama, Mikay ang pangalan mo dito." napanganga si Mikaella. Seryoso talaga pala ito sa pagbibinyag sa kanya ng new name.

"No, I don't wanna be called Mikay..."

"Bakit? Anong gusto mo? INDAY? O Nene? At tigil tigilan mo nga yang kaka engles mo.."

"Basta ayaw ko ng Mikay..."

"Oh sige, edi Inday..." pangaasar ni Gino. "Nay, In--" hindi na natuloy ni Gino ang sasabihin dahil naputol na ito ni Kaella.

"Mikay it is..." naiinis na sagot ni Kaella.

Ngumiti si Gino. Yung ngiting totoo. Marunong din pala itong ngumiti. "Papayag din pala, naginarte pa."

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon