Hindi niya ako pinansin bagkus ay pinaikot lamang niya ang kaniyang mata at nakatingin lamang sa ibang direksyon. Inumpisahan kong lagyan ng betadine ang bulak at marahan na idinampi 'yon sa kaniyang sugatang pisngi.

"Tama na 'yan, Lanchester. Huwag mong sabihin na nagmamalasakit ka sa akin," saad niya at inilayo ang kaniyang mukha.

"Ikaw na nga ang ginagamot, ikaw pa itong walang utang na loob," angil ko sa kaniya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ah, salamat, ha?" sarkastikong pasalamat niya.

"Sounds sarcastic," I said, nonchalantly. "Never mind, just get your detention slip, I'll take you there." sabi ko sa kaniya.

Napakurap-kurap siya. Hindi makapaniwala sa aking sinabi. Umiwas ako ng tingin, inayos ko ang suot kong coat at maging ang aking kurbata.

Madali kong pinulot ang susi sa detention at nilampasan siya. "Bilisan mong sumunod sa akin..." sambit ko. "...isara mo rin ang bibig mo, baka mapasukan ng langaw." dugtong ko at naglakad patungo sa pinto.

Malamig ang aking ekspresyon. May bahid ng iritasyon sa aking mga mata. Natigil siya sa paglalakad hindi kalayuan sa aking kinatatayuan.

Tumingin ako sa sahig at nakita ko ang isang bottle ng coke na naroon, rason na 'yon ang ibinato niya sa akin.

This woman...! I thought in mind. She's getting into my nerves!

"Was it fun, huh?" I asked her, coldly.

I slowly walked towards her direction. I saw her gulped. Nakatitig lang ako sa kaniya habang palapit nang palapit sa direksyon niya.

"B-bakit ka... lumalapit?" utal na tanong niya.

"Because... you make fun of me," I smirked but I stayed dangerous.

Napaatras siya hanggang sa muntik ng tumama ang kaniyang ulo sa pader mabuti na lamang at mabilis ang aking galaw at naiharang ko agad ang aking palad para hindi siya mauntog.

Nagulat pa siya sa aking ginawa ngunit ang mas lalong nagpawindang sa akin ay ang magkalapit naming mukha. Nakatingala siya sa akin, samantalang ako ay nakayuko sa kaniya.

Wala akong makitang takot sa kaniyang mukha. Naturingan talaga siyang suwail at lumalabag sa batas. Hindi na ako magtataka kung isang araw, kapag magtagpo kami sa korte ay lalabag siya sa law code of conduct.

Inangatan ko siya kilay. Ang palad kong nasa likod ng kaniyang ulo ay dahan-dahan kong tinatanggal at isinandal naman sa gilid ng kaniyang ulo.

Kung tutuusin para kaming nagme-make out sa ginagawa ko sa kaniya- What the fuck! Ano ba ang sinasabi ko, putangina! Pagmumura ko sa aking isipan.

I swallowed as my eyes landed on her thin lips. Shit! Kalmahan mo lang, Tyron. She doesn't fit to your standards when it comes to women! Paalala ko sa aking sarili.

"What are you doing? Ang lapit ng mukha mo, Mr. Lanchester," masungit na sabi niya.

"Oh, do you want it closer..." I trailed off and move my face closer to her, "like this?" I added.

Napasinghap siya. Mabilis niyang itinulak ang aking dibdib palayo sa kaniya pero huli na ang lahat dahil dumampi ang aking labi sa gilid ng kaniyang labi.

I faked a coughed.

Niluwagan ko ang aking suot na necktie dahil tila bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan.

"What do you think you are doing?" malamig na tanong niya.

"I'll take you to detention," I said, clearing my throat and turn my back on her.

Wicked Love (COMPLETED)(TO BE PUBLISH UNDER TWINKLE DREAM PRESS)Where stories live. Discover now