"Oo naman."

"Ah, nga pala. Ayaw ni Sir Travis na sobrang luto o hilaw ang pagkain steak n'ya. Hindi rin s'ya kumakain ng ibang pagkain maliban dito. Tapos ihahanda mo rin ang red juice n'ya kasama ng steak. Hindi iyon dapat mawala. Kada linggo naman ay may nagsusupply nito dito, kung sakaling papaubos na."

Isinulat ko iyon sa aking notes.

Ang sosyal naman. Steak and red juice talaga?!

Pagkatapos ay umakyat naman kami sa second floor.

"Puro kwarto lang ba ang naririto?"

"Oo. Pero kada kwarto ay may iba't ibang purpose. Katulad nito..." Binuksan ni Yna ang unang pinto, malapit sa may hagdan.

"Ito ang opisina ni Sir Tyron."

Maganda ang loob. May mga malalaking paintings at collage na nakasabit sa dingding. May mesang puno ng mga sketch pad at lapis sa gitna. Isang swivel chair sa harap ng mesa at malaking bintanang may kurtinang pula naman ang nasa likuran nito.

May book shelf din sa tabi na may mga makakapal na aklat. May tatlong sofa at isang maliit na mesa sa gitna.

"Ang sunod na kwarto naman ay study room ni Sir Sage."

At katulad ng inaasahan, parang mini library ang itsura ng sunod na kwarto. Ito daw ang study room ni Sir Sage.

"Next, opisina ito ni Sir Travis. Dito s'ya malimit magkulong para gawin ang kanyang office works. 24/7 dito mo s'ya makikita."

Malinis ang buong kwarto. Maayos din ang pagkakasalansan ng mga gamit sa bawat drawer, maging ang napakaraming aklat sa bawat shelves. May mesang pang opisina sa gilid at isang swivel chair. Sa bandang likod naman ay may isa pang mesa at upuan.

"Iyon ang magiging table mo dito sa loob ng opisina ni Sir Travis." Katabi iyon ng malaking bintana, na katulad ng mga nauna, kulay pula rin ang kurtina nito.

"Kulay red ba ang favorite color nila?"

"Bakit mo nasabi?"

"Kasi puro pula ang kulay ng kurtina. Kulang na lang maging bloody red din ang kulay ng buong mansion."

"Siguro nga favorite lang talaga nila ang bloody red na kulay. Maganda naman 'di ba?"

"Oo naman. Medyo creepy nga lang."

"Masasanay ka rin."

Pinaliwanag pa ni Yna lahat ng kwarto sa ikalawang palapag. Sunod na tinahak naman namin ay ang third floor, kung saan naroroon ang kwarto ng tatlo at maging ang ilang kwartong bawal pasukin.

Geezzzz....

Bakit kaya bawal? Hindi kaya may multo roon or something? WAAAHHHH!

Hindi ko babalaking umakyat dito sa ika'tlong palapag ng mansion. Ayaw kong makasagupa ng multo.

"Ito ang kwarto ni Sir Travis."

Tinuro lamang ni Yna ang pintong may maliit na papel, nakadikit iyon at may nakalagay na 'Young Master'. Sinulat iyon gamit ang kulay berdeng pintura.

"Ang sunod na pinto ay kwarto ni Sir Tyron at ang panghuli naman ay kay Sir Sage."

Katulad ng naunang pinto may nakadikit ding papel sa dalawa na may nakasulat na pangalan ng nag mamay-ari niyon.

"Bawat kwarto dito ay hindi pwedeng pasukin. Tangin si Mr. Smith lamang at Manang Wilma ang maaaring pumasok sa loob kapag ipinapatawag ng kahit sino sa tatlo."

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now