Kabanata 9

40 6 3
                                    

"Hindi ibig sabihin na tinanggal na 'yang dextrose mo, eh, gagamitin mo na ulit ang kamao mo sa mga underground fight," litanya ni Bella nang makaalis ang nurse na nag-asikaso sa akin kanina. "Umayos ka, Snow Heinrich."

Pinakadiin pa niya ang apelyido ko kahit alam kong natuklasan na rin niya ang tunay kong pinagmulan.

"When did you know that?" I whispered. "That... I am a Perez." I knew how much she despises the Perez Clan.

"Narinig ko," simpleng tugon niya saka hinipan ang soup na binili niya upang isubo sa akin.

Napayuko ako matapos tanggapin 'yon. "H-Hindi ka galit sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit? Hindi naman kamay mo ang pumatay sa kapatid ko." At nakuha pa nga niyang ngumisi. "Thankful nga ako kasi hindi ko na kailangan pang maghiganti dahil ikaw na mismo ang pumatay."

Kung hindi ko lang siya matalik na kaibigan, baka na-judge ko na siya. Ang creepy at weird ng reaksyon niya. Hindi ko tuloy alam kung sarcastic ba 'yon o talagang totoong emosyon.

"Bwisit ka." Natawa na lang ako sa kalokohan niya.

"But seriously," humawak siya sa kamay ko. "Hindi ko expect na part ka ng Perez Clan dahil napakabuti mo simula pa noong bata tayo hanggang ngayon. Well, kilos bata pa rin but you remained humble in spite of your tremendous success. I'm proud na you're my best friend."

Mabilis kong pinalis ang butil ng luhang pumatak at yinakap siya. "Thank you, Bella. I love you."

"Hoy, I love you too."

Kumalas kami at sabay na natawa. Parang mga sira lang ang ulo. Matapos magdrama, tatawa.

"May hindi ka pa kinukwento sa akin," ani ko pagkayaring uminom ng gamot.

Kumunot ang noo niya, tila nagpapanggap pang walang natatandaan. "Alin? Lahat nga nakwento ko sa'yo. Maksi pagkukunwari kong buntis kanina para lang mauna sa pila at makatae do'n sa comfort room. Mabuti na lang talaga bloated ang tiyan ko kaya naniwala sila."

Pinigil kong matawa at manatili sa topic. Loka-loka talaga 'tong bwisit na 'to, eh. Kahit seryosong usap ay hindi mawawala ang pagiging kalog.

"Nagkaaway ba kayo ng pinsan mo?" usisa ko. "Ni Rocket."

"Hindi." Nang bigkasin 'yon ay hindi siya nakatingin sa mata ko. Indikasyon na umiiwas siya. "Bakit mo naman naisip 'yan?"

"Kasi parang may galit ka sa kaniya kahapon. Ano ba ang tungkol do'n sa magaling siyang mang-reject na sinabi mo?"

"Wala 'yon." Mahina siyang natawa pero pilit lang. "Ikaw naman, parang hindi mo kami kilalang magpinsan. Nagsasabay ang toyo namin."

"Exactly, kilala ko kayo kaya alam ko kung kailan kayo may iringan." Pinagkrus ko ang mga braso at mariin siyang tinitigan. "Tell me about it, Bella."

Napabuntong-hininga siya. "May mga bagay na hindi na dapat makarating sa'yo."

"Kung nag-aalala ka na baka masaktan ako kapag nalaman ko, thank you." Ngumiti ako. "But I insist. I want to know."

Doon pa lamang siyang tumingin ng diretso sa akin. "Snow..."

I sincerely smiled to show her that I'm fine with it. "Go on."

Muli siyang bumuga ng hangin, napapikit at seryosong tumitig sa akin. "Kuya Rocket, Queen, Kuya Shadow and Ate Gretel visited you when you're still in coma. And I accidentally heard their conversation."

Last HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon