Hindi natuloy ang salita niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Dr. Xavier. "Oh, she's awake." Lumapit siya sa tabi ng bed ko at tiningnan ako. "How are you feeling, babe?"

Napatawa ako. "Good."

"Doc," sabat ni Rocket na nakakunot ang noo. "I think there's something wrong with her."

"What?" Tinabingi pa ng doktor ang ulo upang mas mapagmasdan ako. "She looks fine, though."

"Naalog ba ang utak niya... or what?" Nagtataka pa rin ang itsura ni Rocket habang nakatitig sa akin.

Agad na tiningnan ng doktor ang hawak na papel. "Her vital signs are stable now and her brain is working excellently."

"'Wag mo na lang siyang pansinin, doc," ngiti ko naman. "Kailan ako pwedeng lumabas?"

"After two days, darling." Kumindat siya. Ang flirt talaga ng doktor na 'to. "I'll be back at 7 p.m. to check you up again." Saka siya mabilis na lumabas.

"Snow..." Napaigtad ako nang hawakan ni Rocket ang kamay ko. "A-Are you mad at me?"

"Hindi."

"Eh, bakit ganyan ka makipag-usap sa'kin?"

"Bawal ba?" Ngingiwi na sana ako ulit kaso hindi ko napigilan kaya ngumuso na ko.

Nakakainis naman kasi! Hindi niya ma-gets na naaw-awkward-an ako sa set up namin ngayon. Lalo na't nagbalik ang alaala na nag-confess nga pala ako sa kaniya! And that was 2 months ago na.

"D-Dahil ba natabig ko 'yong dextrose mo? Nasaktan ka? I'm sorry," malambing na aniya at dinampian pa ng halik ang ibabaw ng kamay ko! Gago! "Hindi na mauulit."

Agad kong binawi ang kamay. "N-Nauuhaw ako..."

Bumaling siya sa side table at nagbukas ng mineral water saka inabot sa akin.

"T-Thanks," sabi ko naman saka uminom. Naubos ko rin ng isang lagukan lang. "Nasaan sina Kuya Shadow at Ate Gretel? Si Queen? Bakit ikaw lang ang nandito?"

"You sound like you don't want me here."

Ayaw ko naman talaga. Manhid ka!

He sighed when I just stared at him. "They're preparing for the event next week that will be held in the Royal Grand Hall."

My forehead knotted in confusion. "For what?"

Sa pagkakaalam ko, ginagamit lamang ang Royal Grand Hall para sa malalaki at importanteng okasyon tulad ng royal wedding, royal registration of new royal babies at general meeting.

"We won the war." He lightly smiled. "Queen's grandfather is back and totally fine."


Gano'n kabilis nabunot ang mga tinik sa aking dibdib. Gumaan ang pakiramdam ko na parang pinalayang preso sa kulungan. Maraming salamat naman at nakabalik ng buhay at ayos ang lolo niya. Dahil kung hindi, baka hilingin ko na lang talaga na hindi na ko magising. O kaya naman ay ialay ko na lang ang buhay ko sa dyablo para lang maibalik siya kay Queen.

"I'm sorry sa nasabi kong masasakit na salita noong akala namin ay tunay mong tinraydor si Queen." Marahan niyang pinalis ang luhang pumatak mula sa mata ko na ngayon ko lang naramdaman. "Naiintindihan namin kung bakit mo nagawa 'yon. Isang napakahirap na desisyon at sakripisyo na kahit sino man ay walang makagagawa kundi ikaw lamang. At proud kami sa'yo." Hinaplos niya ang buhok ko. "Proud na proud kami sa'yo, Snow."

Saglit akong tumitig sa mapupungay niyang mga mata subalit umiwas din nang hindi ko matagalan. Hindi rin ako sumagot o nagsalita pa dahil baka humagulgol lang ako o kaya ay masigawan ko siya.


Paano ba naman, halo-halong emosyon ang pinaparamdam niya sa'kin ngayon! Partida kagigising ko lang mula sa comatose. Walang pakundangan!


"Oh, bakit nakasimangot ka? Naiinis ka na naman sa'kin?" Ngumuso pa siya.

"Eh, bakit kasi ganyan ka?!"

Napaatras siya nang padabog kong inalis ang kumot na tumama sa mukha niya.

"A-Anong bakit ganyan?" Talagang naguguluhan siya sa reaksyon ko. "Hindi ko maintindihan, Snow. Ayos ka lang ba talaga? Naaalala mo ba ko?"

"What?!" Malakas at biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Ate Gretel. "Did I hear it right?!" Kasunod niya ang tatlong bruha na kaibigan ni Queen. "May amnesia ka?!"

Nahilot ko ang sentido. "Ayos lang ako."

"Talaga ba?!" Agad na tumabi sa akin si Ate Ran at hinipo pa ang noo ko. "Wala ka namang lagnat."

"Malamang," ngiwi ni Ate Ash Dominique. "Hindi naman nilalagnat ang nasa comatose condition. Boba."

Malakas na natawa si Ate Natasha. "Magpaturo ka nga sa jowa mong nag-aaral ng medicine! Kay Adam! O kaya ito..." Naglapag siya ng piso. "Hanap ka ng kausap mo, bleh!"

"Tinuturuan niya ko!" hirit agad ni Ate Ran. "Saksakin kita ng scalpel d'yan, eh!"

Nilingon ko si Rocket at natagpuan siyang nakatitig kay Ate Ran. Pero umiwas din nang marinig ang pangalan ng boyfriend ni Ate Ran.

Kahit hindi nila sabihin, alam kong nagkagusto rin sila sa isa't isa noon. Naudlot lamang nang dalhin si Ate Ran sa Amerika upang doon magpagamot.

Siguro kung natuloy 'yon, sila na ngayon. Masaya sila sa kanilang relasyon o baka nga nagpakasal na sila. Gano'n kamahal ni Rocket si Ate Ran.



🥀

Last HeartbeatWhere stories live. Discover now