Sabagay, kung ako man ay hindi rin makakatagal sa kanya kung sakali. Pero dahil kailangan ko ang trabahong ito, mapagtitiisan ko naman... siguro?!

Nagkibit-balikat lang si Sage at walang isinagot. Muli nitong ibinalik ang tingin sa libro at tila ba wala na ulit pakielam sa paligid n'ya.

I saw how the Young Master Travis rolled his eyes on his cousin, na hindi naman nakita ng huli.

"Hanz who's this cheap woman?" Baling nito kay Mr. Smith nang hindi s'ya sagutin ng pinsan.

Maka-cheap naman. Gold ka?

Pinasadahan ng lalaking tinatawag nilang Young Master ang kabuoan ko, mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan ang itsura ko. At base sa tingin nito sa akin, parang gusto kong manliit.

"Ah, Young Master... S'ya ang bago mong sekretarya."

Tumayo naman ako bago nag bow upang magbigay galang. Syempre, nagpapa-impress ako para matanggap sa trabahong ito.

"Magandang gabi po!" Bati ko.

"And what's the beauty in evening? And let me correct it, hindi ko pa inaaprubahan ang pagiging sekretarya mo." Pagkatapos ay bumaling ito kay Mr. Smith. "Kailangan ko ba talaga ng secretary? Required ba talaga na babae? Hindi ba pwedeng lalaki ang maging secretary ko? Because the last time I check, muntik ko ng ipalapa sa mga wild animals sa gubat ang huling sekretarya ko."

Napalunok ako.

Pakiramdam ko ay may malaking batong nakabara sa lalamunan ko dahil ang hirap lumunok.

Geezzz....

Is it required to tell that?

Seryoso ba iyon?

"You look tense, Ms. Who are you again?" Nakatingin na pala sa akin si Travis at mag mapang-uyam na ngisi ito sa labi.

I will never call him Boss dahil ayon nga sa kanya, hindi pa n'ya inaaprubahan ang pagiging sekretarya ko. So meaning, hindi pa s'ya official na boss ko.

Mas lalo namang ayaw ko s'yang tawaging Young Master 'noh. Ano s'ya, siniswerte? Duh! Baka Young Monster pwede pa. Dahil mukha s'yang mons-este ugaling monster s'ya.

"Arissa po ang pangalan ko. At hindi po ako natetense."

"Really? Pero iba ang nakikita ko. Natatakot ka ba?"

Umiling iling ako. "Bakit naman ako matatakot? Multo ka ba? Kriminal? Para katakutan ko?" Pero ang totoo, deep inside nanginginig na ako.

"Yes, I'm not. But I'm more than worst from them."

Natigilan ako nang mapansing biglang nagbago ang kulay ng mga mata nito. Ang dating berdeng kulay ay naging intense gold.

I gulp.

Then I blink.

At sa sunod na pagkurap ko ay muling bumalik sa dating kulay berde ang mata nito.

Did I just hallucinating again?

Hala! Baka naeengkanto na talaga ako. Kailangan ko na talagang matulog ng tama sa oras.

"So, do you still want that job?"

"Anong job? Blowjob?"

"THE HECK?" Galit nitong litanya.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Where stories live. Discover now