EPILOGUE

8.7K 199 15
                                    


Maaga siyang nagising dahil sa opening ng kaniyang cosmetic shop. Ito na ang pangalawang branch niya sa pilipinas kaya laking tuwa niya dahil palaki ng palaki ang mga loyal costumers niya. Nasa BGC sila dahil doon ang panibagong shop niya. Doon rin ang pinakamalaki at pinagandang version ng shop niya.

Huminga siya ng malalim nang matanaw ang malaking pangalan ng shop niya sa labas.

'Xavia Cosmetics'

Hindi niya ine-expect na talagang lalago ang maliit na shop niya noon. Dalawang taon pa lang simula nang magkaroon siya ng shop pero ngayon ay may pangalawa na siya at mas malaki pa.

"Are you happy?" She smiled when Xion hugged her.

"Hey! I'm here mama, papa! Give your princess a hug too!" Mas lalo siyang natawa nang makita ang prinsesa nila na nakanguso.

Humiwalay si Xion ng yakap at binuhat ang anak nila. Her name is Xavia Horton, their spoiled daughter. Xion loves to spoil their daughter, kaya naman minsan umiinit ang ulo niya rito. Lagi kasi nitong binibigay ang gusto ng anak at malapit nang bumaha ng laruan sa malaki nilang bahay.

"It's hot here papa! Let's go in!" Napakamot siya sa noo dahil sa maarteng tono ng boses nito. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana, hindi naman siya gano'n kaarte noong bata siya dahil wala siyang karapatan mag-inarte.

"Let's go," ani niya sa mga ito at pumasok na sa shop. 10 am ang opening dahil nasa loob sila ng mall. Malakas ang kaba niya dahil panibagong opening na naman ito.

"Mom, do I look like a princess?" tanong sa kaniya ng anak at umikot pa sa harapan niya. Umupo naman siya para makapantay ito at inayos ang tali ng dress.

"Of course, you're pretty like me." Hinalikan niya ito sa pisngi dahilan para bumungisngis ang anak.

"You two are both pretty," singit ni Xion sa kanila. Tumayo siya at kinarga ang anak tiyaka umupo sa gilid na sofa. Busy ang kaniyang staff sa mga pag-aayos ng loob ng shop. Maayos na naman pero dino-double check lang ng mga ito ang mga kailangan.

"Tito Lloyd!" Umalis sa tabi niya si Xavia at tumakbo kay Lloyd na kakapasok lang ng shop.

"Good morning pretty," bati nito kay Xavi.

"Tito, when did you go back to the Philippines?" tuwang-tuwa na tanong ni Xavi. Last year pa naman bumalik si Lloyd sa pilipinas pero umalis ito last month dahil may nakapagsabi na may nakakita raw kay Alora sa Greece.

Yes, Lloyd is finding Alora. Year after the incident happened, Alora had a therapist for her Anxiety. Alam nilang uma-attend ito pero isang araw na lang nalaman nila sa therapist na umalis na pala ng bansa ang dalaga at hindi nila alam kung nasaan.

Long story short, Lloyd wants to find her.

"Kumusta? Nakita mo na siya?" tanong niya rito. Ngumiti ito ng tipid at umiling. Napabuntong hininga naman dahil limang taon na nitong hinahanap si Alora.

"Don't give me that face. Don't worry with me, you should be happy today because of your successful business," ani nito sa kaniya at tinapik ang balikat niya nang tumayo siya.

"Congratulations to your award. Best engineer of the year," sambit ni Xion sa kapatid. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya alam 'yon.

"Meron kang award?!" gulat na tanong niya. Tumango naman si Lloyd sa kaniya na parang wala lang.

"Congrats! Bakit hindi ka nagsasabi!"

"You didn't ask me," kibit balikat na sagot nito kaya hinampas niya sa braso. Hindi naman ito nag-react at karga-karga lang si Xavi.

"Mama! You're hurting tito Lloyd!" saway sa kaniya ng anak.

"Ikaw kinakampihan mo na naman ang tito Lloyd mo ha!" she crossed her arms and looked away. Tinatago niya ang ngiti nang bumaba sa pagkakakarga si Xavi. Inabot nito ang kamay niya para mahawakan.

"Kasi ikaw mama eh! Pero hindi ako galit sa'yo, promise!" Ang maliit at maarteng tono ng boses nito ang dahilan kaya hindi niya napigilan ngumiti. Xavia is sweet to them kahit na may pagka-arte talaga itong anak niya. 5 years old pa lang ito pero magaling na magsalita. Mahilig ito magbasa lalo na sa cosmetics dahil nalaman nitong dito pinangalan ang business niya.

Kinulit-kulit niya lang ang anak niya para mawala kahit papaano ang kaba niya. Dumating ang opening at nag-cut na siya ng ribbon kasama ang anak at asawa niya. Xion is very supportive at her all the time. Hinahayaan siya nitong mag-explore sa mga bagay-bagay.

Hindi niya maabot ito kung hindi siya tinulungan ng asawa. Not just financially but the support he gave until now. Nag-aral pa siya ng 2 years about sa cosmetics at kung paano mag-make-up ng maayos. Ginawa niya iyon habang nag-aalaga sa anak nila at nakasuporta ang asawa.

Hindi niya akalain na magiging ganito siya kasaya sobra. Lahat ng pagod at sakripisyo niya ay napalitan pa ng sobra-sobra. Sinong mag-aakala na may magmamahal sa kaniya ng ganito at sobra-sobra pa. They are not perfect, may away pa rin minsan pero hindi sila natutulog nang hindi nagkakaayos ni Xion.

Hiniling niya lang dati na umangat sila kahit kaunti lang, 'yong hindi sobra ang paghihirap niya araw-araw at makatapos ang mga kapatid niya. Pero mabuti talaga ang diyos dahil triple pa ang binigay na blessings sa kaniya.

Tama nga ang kasabihan na lahat ng hirap mo sa buhay ay matatapos rin pag pinagsikapan mo ang lahat at hindi ka naging gahaman sa mga bagay.

"Congrats ate!" Her sisters hugged her.

"Congrats anak!" Niyakap niya rin ang kaniyang magulang na naririto rin. Even Xion's dad and Lloyd's mom are here to support her. Nagpasalamat siya sa lahat ng pamilya at kaibigan niya na pumunta. Pati ang mga katrabaho niya sa restaurarnt ay pumunta pa rito para suportahan siya.

"Congrats, mama! I love you!" Napangiti siya sa anak at niyakap niya ito dahil buhat ng asawa. Ang maliit na kamay ni Xavi ay pumalupot sa leeg niya at ang labi nito ay dumikit sa pisngi niya.

"Congratulations, wife. You deserve all of this. You're amazing and hardworking woman. I love you," he murmured and kissed her forehead. Napapikit naman siya at niyakap din ang asawa.

"Thank you, Xion... Thank you sa lahat ng suporta, mahal na mahal kita... mahal ko kayo ni Xavi."

Ano pa ba ang hihilingin niya? She has a loving husband and daughter, a family, a friends and people around her are kind.

Minsan ay naiiyak na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa narating niya ngayon. Kaya hindi siya magsasawang tumulong sa mga mahihirap. Gusto niyang i-share lahat ng blessing na natatanggap niya araw-araw.

Ang susunod na plano niya naman ay palakihin pa ang organization na binubuo niya. Organization para tumulong sa mga mahihirap at makapagbigay ng assistance financially.

What she has right now is from god and she will surely share it.

Pinagmasdan niya mabuti ang buong shop, ang mga papasok na customer, ang mga pamilya at kaibigan niyang nag-uusap-usap at sumusuporta sa kaniya lagi.

Thank you lord sa lahat, hinding-hindi ako magsasawa magpasalamat sa lahat ng binigay niyo sa akin.

This is might the end, but this is not the end of our story. Our story still goes on until on our last breath.

- END -




---


A/N: WHAAAAAAAAA! END NAAAAA! MARAMING SALAMAT PO SA PAGSUBAYBAY NG KWENTONG ITO. SA ARAW-ARAW NA PAGHIHINTAY NG UPDATE, SA WALANG SAWANG PAG-VOTE AND COMMENT, MARAMING SALAMAT PO TALAGA! 


SANA MAKITA KO PA KAYO SA IBA KONG STORIES! THANK YOU DARKERS~ I LOVE YOU!



Affair with her BodyguardHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin