11

5.7K 159 3
                                    


Nagising siya ng masakit ang ulo, ayaw niya pa sana bumangon pero nakaramdam na siya ng tawag ng kalikasan. Kahit masakit at mabigat ang ulo niya ay pinilit niyang makatayo at dumeretso ng banyo. Halos nakapikit pa siya nang biglang mapadilat dahil iba ang scent ng banyo niya ngayon.

Nilibot niya ang paningin at laking gulat dahil hindi naman ito ang guest room na tinutulugan niya. Pagkatapos niya umihi ay agad siyang nag flush at tiningnan ang mga gamit. Puro panlalaki iyon kaya binuksan niya agad ang pintuan at halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung kaninong kwarto ito.

Napasabunot siya sa buhok at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Siguro ay nag lakad siya papunta rito at dahil tinamaan na siya ng alak ay hindi niya na alam kung saan siya pumasok. Napatampal siya sa noo at nailing na lang. Mabuti ay wala si Xion dahil kung hindi lagot siya.

Bumalik siya sa kama at napahiga muli dahil masakit pa talaga ang ulo niya. Napatulala siya sa kisame dahil naalala niya ang panaginip niya. Pati ba naman sa panaginip ay naroroon ang binata.

Pinikit niya ang mata ng ilang minuto bago tuluyan ng tumayo at ayusin ang kama. Pagkatapos ay bumaba siya para kunin ang cellphone niya dahil panigurado ay naiwan niya iyon sa sala. Napakamot naman siya sa pisngi nang makita ang cellphone sa lamesa na nakalapag ng maayos. Hindi lang iyon ang pinagtaka niya dahil wala ng kalat sa sala. Ine-expect niya kasi ay naroroon pa ang mga bote ng smirnoff at balat ng chips.

"Niligpit ko na ba?" napakamot siya sa ulo niya. Kinuha niya na lang ang cellphone at tiningnan iyon.

"Chinarge ko rin ba 'to?" bulong niya sa sarili dahil full charge ang cellphone niya. Talagang na lasing ata siya kagabi at hindi na maayos ang utak niya. Hindi niya maalala ng maayos ang mga ginawa niya kagabi pwera sa panaginip niya.

Dumeretso siya sa kusina para uminom ng tubig. 9 am na pala ng umaga kaya kulo na rin ng kulo ang tiyan niya. Magluluto na lang siya ng bacon at egg para sa almusal. Binuksan niya naman ang cellphone nang mag-vibrate iyon.

From Ma'am Sharron,

- Good morning, Aj! Okay lang ba sa'yo na bukas na kaagad ang day-off mo para sa week na 'to?May dagdag interns kasi at baka mas rumami ang employee sa loob ng restaurant. Text me back if you're okay with that but if it's not because you have something important to do on Sunday it's fine for me. I'll just ask Dianne. 😊

Napaisip naman siya, wala naman siyang gagawin sa Sunday kaya okay lang na bukas agad ang day off niya para sa week na 'yon. Pupunta na lang siguro siya sa laguna ngayong araw at babalik bukas ng gabi, tutal wala naman siyang kasama rito sa bahay at mabo-bored lang siya.

Nag-reply siya kaagad dito para pumayag.

To Ma'am Sharron,

- Okay lang po ma'am. Sakto po bibisita na lang po ako ngayong araw sa laguna dahil wala naman po ako pasok bukas. Thank you po!

From Ma'am Sharron,

- Oh! Good to know! Thank you for understanding, Aj. See you on Tuesday!

Nilapag niya na ang cellphone niya at nagluto ng umagahan niya. May tira pa namang kanin kaya iyon at ininit niya sa microwave. Kay Francis na lang siya magpapaalam kung pwede siya umalis ngayong araw sa bahay para bisitahin ang magulang at mga kapatid niya.

Pagkatapos niya kumain ng umagahan ay nag-ayos siya ng gamit na dadalhin niya. Mga importanteng gamit lang naman dahil may mga damit pa siya roon sa bahay nila. Tinext niya na rin si Francis at pumayag naman ito dahil wala namang problema iyon. Basta't 'wag lang daw ako magtatagal at laging magsabi kung aalis para alam nito kung saan siya hahanapin kung may emergency.

Affair with her BodyguardWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu