33

5.1K 127 3
                                    


Nang makarating sila sa bahay at pagkababa ng kotse ay hinawakan agad nito ang kamay niya. Hindi ito bumitaw hanggang sa makapasok sila sa mismong kwarto nito, ang totoong kwarto ng asawa niya.

Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa kabuuan ng kwarto nito. Kita niya ang kompletong gamit at simpleng design ng kwarto nito. Malinis at maayos ang pagkakaayos.

"Is that your ex? How come you like that fucker?" iritableng ani nito sa kaniya nang maharap siya. Nagkibit balikat naman siya dahil maski siya hindi akalain na minahal niya rin ang gagong iyon.

"Hindi ko alam. Mabuti na lang naghiwalay na kami," simpleng sagot niya. Pagod na ang paa niya kaya walang sabi-sabi na umupo siya sa dulo ng kama nito. Napahikab pa siya dahil naramdaman niya ang kalambutan ng malaki nitong kama na parang hinahatak na siya para matulog.

Napapitlag naman siya nang hindi niya napansin na lumuhod na pala sa harapan niya si Xion. Tahimik nitong kinuha ang isa niyang paa at tinanggal ang sapatos na suot niya.

"A-ako na!' saway niya rito.

"I'm sorry, if I didn't force you to come with me you will not feel uncomfortable and hurt." Nang matanggal nito ang suot niya na heels ay tumingin naman ito sa kaniya. Hinawakan nito ang isang kamay niya habang hindi pa rin inaalis ang titig sa mga mata niya.

Kumabog ng husto ang dibdib niya at hindi mapakali ang sistema niya. Parang nawala ang galit niya rito sa isang iglap dahil ang tibok ng puso lang niya ang tanging naririnig sa oras na 'yon.

She doesn't know what Xion's eyes are saying right now. Hindi niya alam kung ano ang pinapahiwatig ng tingin nito basta't alam niya na may kung ano na naroroon.

"M-matutulog na ako," bulalas niya dahil hindi niya nakayanan ang titig nito. Tumayo siya pero muling napaupo nang pigilan siya ng binata.

"Baby..." She wants to shut her eyes and calm herself. Tinawag lang siya nitong 'baby' ay mas lalong nagkabuhol-buhol ang sistema niya. Hindi siya mapakali at gusto niya agad umalis sa harapan nito.

"Ba-bakit ba? Inaantok na ako... puwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Kung tungkol lang 'yan sa ex kong tarantado ay bukas na lang—"

"I love you." Nag-isang linya ang labi niya at napatitig ito gamit ang normal niya na reaksyon. Hindi niya alam kung nagha-halucinate na ba siya o sadiyang nananaginip lang siya ng gising.

"I-inaantok na talaga ako," wala sa sariling ani niya sa sarili. Tumayo siya at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay nito sa kaniya at dali-daling umalis sa kwarto nito at nang makalabas na ay tumakbo siya ng mabili papunta sa kwarto at ni-lock iyon kaagad. Magkalapit lang ang kwarto nila pero parang tumakbo ata siya sa marathon dahil sa pagkahingal niya.

***

Xion was so confused, he frozed a little before he moves. Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya dahil parang hindi man lang siya pinakinggan ni Aj. Mukhang hindi nito naintindihan ang pagco-confess niya o sadiyang mali lang ang itinuro sa kaniya ni Francis.

Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na tinawagan ang kaibigan.

"You said that I should confess my love to her?! Why did she run?!" inis na bulyaw nito sa kaibigan.

"What the fuck did you say?" he laughed.

"Stop laughing brute! I did what you said to me. I said 'I love you' to her but she runaway!" Mas lalong nag salubong ang kilay niya dahil tawang-tawa si Francis sa kaniya. Hindi ito makapagsalita at parang hirap na hirap na dahil sa kakatawa.

"Oh god! I imagined what happened bro!" Nag-isang linya na ang labi niya dahil naiinis na siya sa kaibigan.

"Are you just joking around? You know that I'm fucking serious!"

"Woah, woah, woah! Tama naman ang sinabi ko sa'yo! Siguro, hindi ka lang talaga kapanipaniwala, at isa pa, nanligaw ka na ba?"

"Ligaw?" kunot noong tanong niya sa kaibigan. Umupo siya sa dulo ng kama at napahawak sa sintido gamit ang isang kamay. Gusto niya sundan ang dalaga sa kwarto nito pero baka kasi totoong pagod ito. Maraming nangyari ngayong araw at ayaw niya dagdagan ang mga nasa isip nito, sadiyang gusto niya na talaga mag-confess kaya niya na sinabi ang tatlong salita.

He realizes and confirms what he really feels for her when Francis asks him a lot of questions that day he asked him what is the feeling of being in love.

"I already experienced love, but it was a complicated one. But I'll tell you what love is, para naman hindi ka tanga— just kidding! I have questions for you and you need to answer honestly and truthfully."

"Okay."

"Okay lang kahit hindi ka niya pansinin?"

"No."

"Anong mararamdaman mo pag umalis na siya sa puder mo, o kaya naman natapos na ang kontrata niyo?"

"I... don't... know... Hindi ko iniisip 'yon."

"Eh paano kung magpakasal na siya sa ibang lalaki 'yong mamahalin—"

"There's no other man in her life except for her family in me."

"Hindi ka niya kapamilya."

"I'm her husband—"

"Sa papel lang bro."

"Still, I'm her husband."

"Mahal mo?"

"Yes— yes?"

"Mahal mo nga. Kung hindi mo siya kaya pakawalan at mas lalong hindi mo siya kayang isipin na may ibang lalaki na pakakasalan at mamahalin ay ibig sabihin mahal mo na siya. At last, nagkaroon ka rin ng lovelife. Confess what you feel, bago pa mahuli ang lahat. Balita ko mukhang may gusto na ang kapatid mo kay Aj kaya nag-aalburoto si Alora? I knew it, bro, Alora is not into you. She's flirting but it's not real."


Napatayo siya para lumabas ng kwarto, hawak niya pa rin ang phone at nakikinig sa sinasabi ni Francis sa kaniya.


"Kailangan mo siyang ligawan, suyuin at haranahin. Hindi ka ba nanonood ng teleserye? Romance movies?" Hindi siya nakasagot kaagad dahil napatanaw siya sa pinto ng kwarto ni Aj. He just sighed before he goes down and go straight to the kitchen.


"May kausap pa ako 'di ba?" pilosopo na ani ni Francis.


"How can I do that? Pwede bang sabihin mo na lang ang gagawin ko?" Kumuha siya ng alak at uminom mag-isa sa kusina.


"I have a talent fee and extra fee as your personal lawyer, Mr. Horton," biglang sambit nito.


"What the hell do you want? just tell me what should I do and I give what you want," mabilis na ani niya. Alam niyang marami pang pasikot-sikot ito. Pag hindi trabaho ang pakikipag-usap niya rito ay nagiging makulit ito, kaya minsan nagugulat pa rin siya dahil napakapormal at propesyonal nito pag nasa duty, lalo na pag may kasong hawak.


"Good, good, good! I'll list it down for you, my friend," he chuckled.


Napailing na lang siya at hinantay ang ise-send nito sa kaniya. Sigurado siyang may file itong isesend dahil laging organize ito sa mga bagay-bagay.


Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang naging kaibigan niya si Francis o mabi-bwisit lang siya. He's the best lawyer but not that best as a friend. He's a fucker and irritating when he was with him but still, he is the person he trust the most.





Affair with her BodyguardWhere stories live. Discover now