21

5.2K 146 5
                                    


Day off ngayon ni Aj kaya naglinis siya ng buong bahay. Simple lang naman ang mga ginawa niya dahil hindi naman sobrang dumi ng bahay. Pagkatapos niya ay nagluto siya para sa tanghalian niya. Wala si Xion dahil may importante raw itong meeting buong araw at magiging busy, naiintindihan niya naman 'yon lalo na't alam niyang may kompanya ito.

Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman ito. Baka nga kasing yaman nito ang asawa niya. Natigilan naman siya dahil naalala niya ulit ang contract husband niya. Pati si Francis din ay naalala niya bigla, matagal tagal na rin noong huli niya itong makausap.

Hindi naman kasi siya nagte-text dito. nahihiya siyang mangamusta dahil baka busy rin ito. Nang matapos sa pagluluto ay kumain na rin siya at tinext si Xion para tanungin kung kumain na rin bai to. Napangiti naman siya nang nag-reply rin ito pero nawala iyon nang mabasa ang mensahe nito.

From My Xion,

- Not yet, baby. I'm so busy. Maybe later. Enjoy your lunch.

To My Xion,

- Kumain ka na! 'wag ka magpalipas ng gutom dahil masama.

From My Xion,

- Fine, I'll eat. Don't worry. Text you later.

Napatitig na lang siy sa huling mensahe nito. Alam niyang hindi ito agad kakain. Pakiramdam niya na sobrang busy talaga nito dahil hindi man lang siya magawang tawagan. Madalas kasi pag siya ang unang nagte-text ay tatawag agad ito sa kaniya.

Nag-aalala tuloy siya sa binata dahil nalipasan na ito ng gutom.

Pagkatapos niya kumain ay naglipigpit at naglinis na siya. Tumunog na naman ang cellphone niya at alam niyang tawag iyon kaya dali-dali niyang kinuha dahil nasa isip niyang si Xion iyon pero hindi naman pala. Numero lang ang nakalagay pero sinagot niya pa rin.

"Hello?" bati niya.

"Aj... How are you?" Nag-isang guhit ang labi niya nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya.

"Lloyd? P-paano mo nalaman ang number ko?" tanong niya at hindi pinahalata ang gulat na boses.

"From your co-worker, Dianne. You have a day off today?" kaswal na tanong nito.

"Ah... oo," alanganin niyang sagot. Nagtataka kasi siya kung ano ang pakay nito sa pagtawag ngayon. Out of nowhere ay bigla nitong kinuha ang numero niya at tinawagan siya. She doesn't want to judge but she was curious why he called her.

"I just want to ask if you're okay right now. I am sorry because I can't stop Alora to do what she wants," ani nito na ikinakunot ng noo niya.

"Anong ibig mo sabihin?"

"Uh, it's not a big deal actually if you're not a jealous person."

"Deretsuhin mo ako, Lloyd," hindi mapigilan na sambit niya sa inis na tono. Natigilan ito saglit pero nagsalita rin naman.

"Wow... my name sounds good when you say it," he said with a raspy voice. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng iritasyon dahil sa komento nito. "Well, probably, Alora was eating lunch with your husband now at his office?"

Nahigpitan niya ang kapit sa cellphone na hawak. Mayamaya ay nag-vibrate ang cellphone niya kaya naibaba niya iyon.

Galing ang text message kay Lloyd. May naka-pin doon na address at hindi niya alam kung ano 'yon.

"Ano 'tong sinend mo?"

"You didn't know your husband's company address?" he chuckled. Nanlaki naman ang mata niya.

"Alam ko! Pero hindi ko lang alam ang eksaktong address kaya nagtanong pa ako para sure," bawi niya agad.

"Hmm... okay? Just thank me later. Maybe, we can hangout and drink until we pass out?" Hindi niya alam kung matatawa ba siya sa sinabi nito o ano pero hindi na lang siya nagsalita at pinatay ang tawag. Lloyd wants to mess with her and he was great at doing that because she is now curious as hell.

She likes Xion, no she loves Xion and just a think that the man she loves is with another woman right now makes her heart ache. Hindi naman siya selosa talaga pero ewan niya ba kung bakit siya nakaramdam ng takot. Dahil siguro wala silang label? Nagpapanggap lang silang mag-asawa sa paningin ng kapatid nito at sa iba? At higit sa lahat hindi siya sigurado sa nararamdaman ng binata para sa kaniya.

Napabuga siya ng hangin at hindi na nagdalawang isip na kumilos para magbihis at pagkatapos ay tunguin ang address na kung saan naroroon ang binata.

Xion was so busy and he even forgot to eat his lunch. Kung hindi pa tumawag ang asawa niya ay tuluyan niya ng makakalimutan ang pagkain. He let out of heavy sigh when Alora still in his office, she is now preparing a food for their lunch. Nagpa-deliver ito at dumating naman kaagad.

Ito ang ka-meeting niya dahil client nila ito. Hindi siya ang architect nito pero dahil sa kompanya niya ito kumuha ay wala siyang magagawa kun'di pumayag na lang na mapasama siya sa meeting. Hindi niya alam kung sinadiya ba nito kunin ang bagong architect nila para hindi siya makatanggi.

He was willing to guide all the new architect in his company. Gusto niyang walang maging problema at walang reklamo ang mangyayari sa pagitan ng client.

"Come on! Let's eat," sambit nito sa kaniya at tinaas pa ang kamay para sumenyas na lumapit na siya sa may couch na kaharap ang glass table.

"Fine. After this, our meeting should be continued. I don't want to waste a time, Ms. Dela Fuente," pormal na ani niya. Ngumiti naman ng malawak ang babae at tumango.

"Of course, this will not be a waste," she smiled. Lumapit na siya roon at walang nagawa kun'di kumain kasabay nito. Nagku-kuwento ito ng kung ano-ano pero hindi niya na pinapakinggan dahil ang pokus niya lang ay makatapos ng pagkain.

"Excuse me sir," napalingon siya sa pintuan nang bumungad sa kaniya ang secretary niya.

"Yes," tumikhim siya at uminom ng tubig. Bago pa ito magsalita bigla siyang napalunok nang biglang lumitaw doon si Aj. May dala itong paperbag at ang mata nito ay tumitingin sa kaniya at kay Alora.

"Oh! Your wife is here," kiming ngiti ni Alora. Napatayo siya kaagad at nilapitan ang dalaga.

"You're here... how did you know where's my office?" he murmured when he got near to her. Tumitig ito sa mga mata niya at mabilis na tumingin sa bandang gilid. Fuck.

Parang may nagawa siyang mali kahit wala naman.

"Tama nga siya..."

"What?" tanong niya dahil hindi niya naintindihan ang binulong nito. Umiling ito at ngumiti ng tipid tiyaka yumuko at tumingin sa paperbag na dala.

"Hinatiran sana kita ng pagkain pero mukhang busog ka na," halos pabulong na ani nito. He licked his lower lip out of his frustration. He feels so sorry because he ate with Alora.

"Baby," he murmured. Tinaas niya ang baba nito para mapatingin sa kaniya pero umiwas naman ito ng tingin.

"I'm sorry..." Hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry pero 'yon ang gusto niya sabihin ngayon. "She's a client—"

"Horton?" sambit nito habang nakakunot ang noo. Napalingon siya para sundan ang tinitingnan nito at nakita niyang nakatitig ito sa desk name plate niya. "Horton ang surname mo?" tanong pa nito ulit.

Siya naman ay naguguluhang binalik ang tingin dito. Nakasalubong ang kilay nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa buong pangalan niya. 

Affair with her BodyguardTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang