"Goodluck ineng! Payting!"

"Salamat po."

Naglakad na ako papunta sa mahabang pila. Napansin ko na halos ay mga babae ang naririto at....

Nahiya naman ako sa suot kong puting blouse at itim na pantalon.

Lahat kasi sila ay mukhang mayayaman dahil sa magagarang kasuotan. Bakit magtatrabaho pa sila kung mapera naman pala?

May naka-dress pa nga na akala mo ay pupunta ng Ball room dance at debut. May iba na halos makita na ang tinatago dahil kulang ang tela ng mga suot.

Seriously?

Ano ba sa akala nila ang pupuntahan nila? Party? Hello, secretary po ang aaplyan natin at hindi dancer sa club.

"Girl bakit ka umiiyak?"

Napatingin kami sa babaeng inaalo ang isang babaeng umiiyak.

"Nasigawan ka ba? Ano? Hindi ka tanggap?"

"Hindi daw bagay sa akin ang maging secretary? Ang bagay daw sa akin, maging clown sa mga children's party." At mas lalo pa itong humagulhol ng pag-iyak.

May ilang natawa at may ilang natakot.

Hala naman! Grabe naman 'yon. Pero in fairness, na realtalk s'ya.

Gusto ko mang matawa pero kinakabahan ako. Paano kung ma-realtalk din ako? Paano kung mapahiya rin ako? Paano kung hindi ako matanggap?

Marami pang nasa unahan ng pila na lumabas mula sa interview room na umiiyak o di kaya naman ay bagsak ang balikat na uuwi dahil hindi tanggap.

Halos lahat ay magaganda, mapuputi at mukhang nakatapos na ng pag-aaral, kaya bakit hindi sila mapipili? May allergy kaya sa magaganda 'yung Boss nila dito?

AFTER FIVE long long years ng pagtitiis sa pagtayo, dumating din ang oras para ako naman ang pumasok sa loob ng interview room.

Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Sobrang kabog ng aking dibdib nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto.

Pero napatigil ako ng hindi kwarto ang bumungad sa akin, kundi isang... elevator?

Ngunit walang button ng mga floor numbers. Anong pipindutin ko para umakyat?

"Ay kabayong walang mukha!"

Gulat ako nang bigla na lang sumara ang pinto, gumalaw din ito at mukhang umaandar na paakyat.

Langhiya! Ang hightech!

At nang tumigil na ang pagtaas ng elevator, kusa ring bumukas ang pinto nito. At bumungad sa akin ang isang malawak na kwarto.

Puti.

Tanging kulay puting kwarto ang nakikita ko. Walang ibang gamit sa loob. Pero mula sa malaking bintanang gawa sa bubog, kitang kita ang labas ng gusali. Tanaw na tanaw ang maliwanag sa syudad. Ang mga ilaw ng bawat bahay, liwanag mula sa mga pumapasadang jeep at sasakyan na nagkalat sa lansangan.

Nakaawang ang bibig na naglakad ako papasok.

"Ang ganda," bulong ko.

Bubusugin ko pa sana ang mga mata ko sa magandang tanawin, pero napansin ko ang nag-iisang kasangkapan sa gitna ng malawak at puting kwarto.

May isang maliit na mesa sa gitna. At nakaupo ang isang lalaki sa upuang naroroon, patalikod sa akin. Kaya hindi ko makita ang mukha ng taong iyon.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nito. Ngunit hindi ito humarap sa akin.

Contract with the Young Master ( CVS #1 ) Completed ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora