"Isa akong?" inosenteng tanong ni Cielle.

"Wala!" pasigaw na saad ni Elaine at napakamot sa ulo. Sumulyap siya sa matanda at nakita itong pinandilatan siya ng mata.

Muling bumalik sa pagkakahalumbaba si Ciel na may kasamang pagbuntong hininga.

"Gusto kong gumala. Minsanan na nga lang mabuhay. . ." mahina niyang saad at ngumuso.

Habang lumalalim ang gabi, mas maraming tao ang dumadating. Sa dako'y tanaw nila si Kriselda na nagtitinda ng kandila. Napatingin sila Cielle at Elaine sa nakaraan nilang tita.

"Kailangan natin siyang tulungan," saad ni Cielle nang siya'y lumingon kay Elaine.

"Bawal kang umalis sa tabi ko, Cielle," kontra ni Pinunong Sol.

"Dali na. . ." pagmamakaawa ni Cielle, "Kailangan naming bumawi sa kanya dahil tulog pa ang magkapatid na sinapian namin kanina."

"Gusto mo lang makagala," mabilis na tugon ng matanda.

"Ih!"

Nagmakaawa ang mukha ni Cielle ngunit hindi pa rin siya pinapayagan ni Pinunong Sol. Humarap na siya kay Elaine at ginamitan ito ng pinagbabawal na teknik, ang mahulog ito sa kanyang kakyutan. Nang makita niyang bumuntonghininga ito, nabuhayan siya ng loob.

"Pupuntahan ko si Kriselda at sasabihin kong sa loob tayo magtitinda ng kandila," aya ni Elaine. "Okay lang ba sa 'yo iyon, Pinunong Sol?"

"Hmm. . ." Napahawak sa baba ang matanda na animo'y nag-iisip. Habang nangyayari iyon, lumapit pa lalo sa kanya si Cielle na ang mukha ay nagmamakaawa. Hindi naman ito nakatiis kaya, "Sige. Ngunit huwag kayong lalabas ng sementeryo ng hindi ko alam."

"Yehey!" masayang sambit ni Cielle.

Ngumiti si Elaine nang makita ang masiglang mukha ni Cielle. Hindi niya ikinakailang tinuring niya na ring parang kapatid si Cielle dahil sa kasama niya ito ng ilang araw at kung umasta'y parang bata na kailangan ng gabay nang nakatatandang kapatid.

"Dito ka lang, kausapin ko lang si Kriselda," sambit ni Elaine bago umalis sa tindahan.

Lumabas siya sa tindahan na ramdam ang anti-magic barrier. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa kinatatayuan ni Kriselda. Si Cielle naman ay nakatingin lamang sa kaniya habang si Pinunong Sol ay napatingin sa harapan nang may tumayo ritong mamimili.

"Pabili po, isang kandila," saad ng ale.

Hindi nagawang tingnan ni Pinunong Sol ang bumibili dahil abala ito sa pag-aayos. Mayamaya'y sumulyap na ito at nakita ang isang aleng may puting buhok na nakangiti sa kanya.

"Ayon lang po—" Napahinto ang matanda nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya. Anong ginagawa niya rito? Sa isip-isip niya.

Takang tumingin sa kanya ang ale at agad naman niya itong napansin. Kumuha siya agad nang kandila at binigay niya ito. Nagbayad agad ang ale at nagpasalamat bago pumasok sa sementeryo. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito. Sinulyapan niya rin si Elaine at nakita niya naman itong abala sa pagkakausap kay Kriselda.

Sa pagkakausap ni Elaine kay Kriselda, inihayag niyang kaibigan niya si Zyaniah at narito siya para tulungan itong magtinda. Sinabi niya rin na sila'y pamangkin ni Pinunong Sol na nagbakasyon dito kaya sumang-ayon itong maibenta ang kalahati sa tinda.

"Kung hindi niyo kayang ubusin, ibigay niyo sa 'kin ha. Salamat, Ella," nakangiting saad ni Kriselda.

Ella ang pinakilalang pangalan ni Elaine.

"Walang anuman po," tugon ni Elaine.

Pumunta si Elaine sa tindahan na bitbit ang ilang kandilang nakatali ang bawat whisk nito. Dalawa ang kanyang bitbit na tag-trenta ang piraso. Isa sa kanya at isa para kay Cielle.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now