Sa kasalukuyang sitwasyon ni Alaric, nakapokus siya ngayon sa ginagawa nila dahil hindi niya mahanap ang kaluluwang katawan ng Supreme Spirit. Hindi niya alam kung bakit hindi napapagana ang mahika niya sa paghahanap sa dalaga.

"Mag-ingat kayo," paalam ni Haruna. Yumuko sa kanya si Karlo at Ivy, habang si Alaric ay inaayos ang hood sa suot nitong mahabang cloak. Kailangan nitong matago ang katauhan lalo na't nagkalat sa Anastasia Kingdom ang mukha nito sa wanted poster.

Hinawakan ni Karlo ang balikat ng dalawa niyang kasamahan at nag-teleport. Nawala sila ng parang bula sa palasyo ng Olga Kingdom at sila'y lumitaw sa kagubatang nakapaligid sa naon ng Liryong Lampara. Sa hindi malamang dahilanan, napadpad ang teleportation ni Karlo sa labas at hindi sa looban ng nayon. Naglakad na lamang sila sa masukal na kagubatan at natunton ang Nayon ng Liryo Lampara.

Agad na tumuon ang atensyon ni Alaric sa isang binatang masayang nakikipag-usap sa matandang si Pinunong Wol. Lumingon siya sa dalawa pa niyang kasamahan at sinenyasan na tumingin sa binata. Sinunod naman nila ito at tinitigan ng mabuti. Agad nilang napansin ang badge sa dibdib nito.

"Siya si Emmanuel Adar. Isa siya sa mga representative sa magaganap na Lunar Tournament. Narito siya pansamantala para magbantay sa nayong ito," paliwanag ni Alaric, "Kailangan natin siyang iwasan. Kilala niya ako at si Elaine. Sa pagkakaalam ko, magkaibigan sila."

Tumango ang dalawa bilang tugon at maingat na pinasok ang pinakalooban ng nayon.

Napahinto saglit si Alaric nang mawala mismo ang magic sense niya. Napatingin siya sa paligid at tumingalang ang sumalubong ay ang asul na kalangitan.

Walang dudang ang nakapalibot sa nayon ay ang anti-magic barrier. Ngunit bakit merong ganitong klase ng mahika sa nayon? Ang mga mangkukulam lang ang kayang gumawa nito. Anong ibig sabihin nito? Sa isip-isip niya.

"Maging alerto kayo. Hindi basta-basta ang nayon na ito," babala niya kanila Karlo at Ivy na nakakunot-noo dahil hindi nila maramdaman ang kanilang mana ngunit bumalik naman nang sila'y makapasok sa looban ng nayon.

Ang anti-magic barrier ay mas epektibo sa pagkawala ng bisa ng mana o mahika ng isang mage kapag lumalapit ka rito. Isa lamang itong depensa at hindi naapektuhan ang nasa looban nito.

Nilibot nila Alaric ang nayon upang mahanap ang isang babaeng nagngangalang Kriselya. Ito ang sinabi sa kanila ng matandang lalake kahapo, na kung pupunta sila sa nayong ito, hanapin lang nila ang pangalang Kriselya dahil ito ang nagbebenta ng red cherry.

Napatigil sila sa isang babaeng residente at nagtanong. Tinuro agad nito ang bahay ng kanilang hinahanap at sila'y tumungo rito.

"Hindi ka pwedeng maghanap dito, Captain Alaric, dahil narito ang isa sa mga tauhan ng Anastasia Kingdom. Baka mabisto ka pa at mapahamak pa ang nayon na ito," mahinang sambit ni Karlo.

"Kailangan nating umalis agad dito," saad naman ni Ivy.

Nang sila'y tumapat sa pinto ng tahanan ni Kriselya. Kumatok muna sila rito bago bumukas ang pinto. Tumambad sa kanila ang isang batang babaeng nasa edad kinse na nakangiti.

"Magandang umaga po. Tuloy kayo—" Napahinto ito at napatulalang tumingin sa kanila.

Takang tumingin din si Alaric sa bata dahil animo'y naging estatwa ito sa kinatatayuan nito.

I'm a Ghost in Another WorldHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin