08 (S2)

131 5 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa tunog ng lock ng pinto. Parang may bumukas no'n kaya't marahan kong idinilat ang aking mga mata.

Sa tulong ng maliit na table lamp ko ay naaninagan ko ang isang bulto ng taong nakatayo sa may pintuan ko.

''Doc JD?'' namamaos kong sambit.

''A-ahm... Chineck ko lang kung nakauwi ka na. Gising ka pa pala, Sue...''

Tuluyan kong ibinuka ang namimigat ko pang mga mata. ''Opo. Kakauwi mo pa lang po ba?'' Kanina kasi'y hindi kami magkasabay na umuwi. Naiwan siya sa ospital. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sa tingin ko'y alas tres ng madaling araw dahil may naririnig akong tilaukan ng mga manok galing sa medyo kalayuan.

''Kumain ka na ba?'' tanong niya.

''O-opo... kagabi pa.''

''Ah, sige. Labas na 'ko. Matulog ka na ulit.'' Tanging silhoutte niya ang nakikita ko. Pero ramdam ko na may kakaiba sa boses niya.

''Sige po.''

''Ako na ang magluluto ng agahan. Gigisingin kita mamayang alas kwatro,'' pahabol pa niya.

Napatitig ako sa pintong nakasara na.

Hindi ba siya matutulog?

Iginupo na ulit ako ng antok at mayamaya'y nagising ulit dahil sa nakakasilaw na liwanag, na nagmumula pala sa nakabukas na ilaw. Napadaan si Doc JD sa nakabukas nang pintuan ng kwarto ko.

''Bangon na, Sue. Mag-agahan na tayo,'' aniya at dumiretso na sa paglalakad.

Napakusot ako sa mata kong nangangati at mabigat pa rin. Pati ulo ko ay namimigat pa rin at wala pang lakas na bumangon.

Hays.

Pinilit ko pa rin ang aking katawan. Naka-adjust na sa liwanag ang mga mata ko kaya hinanap ko agad ang aking cellphone.

Nakapatong iyon sa taas ng durabox, inabot ko. May text si Mama, ang aga, nangangamusta. Wala akong load balance kaya binuksan ko ang fb lite at chinat siya.

Napa-scroll ako sa newsfeed at nanlumo dahil puro patungkol sa Covid ang content ng mga posts. Bumntonghininga ako at pinatay ang mobile data. Mas sasakit lamang ang ulo ko kapag nag-facebook dahil sa mga taong tuldok ang utak.

Mayroon kasing mga bumabatikos sa China, dahil pinaniniwalaan nilang sa bansang iyon nanggaling ang naturang sakit. Nakakasakit din ng ulo iyong mga taong sa gobyerno isinisisi ang pandemya.

Dumaan muna ako sa common CR at naghilamos sa lababo ro'n bago nagtungo sa dining room. Naabutan ko si Zafira at Doc JD, nakaupo. Si Zafira ay kumakain na samantalang si Doc ay hinintay pa yata ako.

''Good morning, ate Sue!'' bati ni Zafira 'saka kumagat sa hotdog.

Binati ko rin sila.

Bakit parang ang lakas naman yata ng aircon? Kakaibang lamig ang nararamdaman ko ngayon ah.

PAGDATING sa ospital ay agad na tumambad sa amin ang mga nagkakagulong nurses at doktor.

''Nurse Sue! Doc JD!'' salubong sa amin ng tarantang si Nurse Cha.

''Ano'ng nangyayari?'' tanong ni Doc.

''M-may sumugod kasi dito...'' Napalingon siya sa kumpulan ng nurses na tila may pinapakalmang matandang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dala iyong itak.

''Atras muna po tayo,'' nanginginig na wika ni Nurse Cha.

Bigla naman akong hinawakan ni Doc JD sa balikat at iginiya paatras.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt