08

121 24 2
                                    

Nagising si Issuewella nang marinig na may kumakalampag sa bubong ng kanilang pinagtataguan.

"Takte... ano 'yan? Impossibleng makaakyat ang zombie riyan," mahinang boses na saad ni Thres.

"Hindi 'yan zombies. Kung 'yung mga infected 'yan, edi maririnig natin ang grumbles nila at galit na ungol," sabi ni Stein.

"Fuck. 'Yung baliw 'yan panigurado." Inihanda ni Darru ang kaniyang hawak na itak. Hinalikan muna nito sa noo si Katkat na mahimbing na natutulog bago bumaba sa kama.

Maging si Gabriella ay nagising din. Nakaambang ang hawak nitong screwdriver na anumang oras ay handang umatake para protektahan ang sarili. "Maghanda kayo."

Maya-maya pa ay napasigaw sila nang may tumagos na matalim na bagay sa bubong na yari lamang sa sim. Lumikha ng tunog ang pagguhit pababa ng talim ng karit, lumilikha ng butas sa bubong. Nakita nila ang kamay na nakasuot ng gloves na itim na lumusot sa nagawang butas at niyupi ang sim upang mas lakihan ang butas.

"Tara! Dito, bilis!" sigaw ni Thres.

"Babe! Gising! Katkat, gising bilis!" natatarantang sambit ni Darru.

Pupungas-pungas na bumangon si Katkat. "Ano nama— AAAAAAHHH!!" Napabalikwas ito nang makita ang nakadungaw sa bubong. Sa maskara ba naman nitong bungo, sinong hindi matatakot.

Biglang tumalon pababa si Kamatayan-wannabe. Sa kama siya lumanding kaya kahit mataas ang pinagbagsakan, hindi siya nasaktan.

"Bilisan mo, Katkat!!" natatarantang sigaw ng mga kasamahan. Pero ang babae, tila nag-ugat na sa kinatatayuan.

"H-huwag mo 'kong patayin," pagmamakaawa ni Katkat habang umiiling.

Tinuktok nito ang dulo ng pole ng karit na hawak sa sahig. Tila nanunuya.

"Layuan mo siya!" galit na sigaw ni Darru. Lalabas na sana siya mula sa lagusan pero pinigilan siya ng mga kaibigang natatakot din para sa kaligtasan ni Katkat.

"Hali na kayo! Bilis!" nag-e-echo ang boses ni Thres.

"Huwag niyo 'kong iwan! Darru! Darru, tulungan mo 'ko! Aaaahhh!" iyak ng iyak si Katkat.

Natutop ni Issuewella ang kaniyang bibig nang makita na hinablot ng nakamaskara ang buhok ni Katkat at pili itong pinapatingingala.

"Halika na, Sue!" Bigla siyang hinawakan sa pala-pulsuhan ni Stein.

Gumagapang sila sa underground lagusan na kasya ang iisang tao. Sobrang dilim, nakahawak sila sa paa ng nasa unahan nila para magsilbing gabay. Si Thres ang nasa unahan.

"Katkat. Si Katkat. Putangina balikan natin siya," humahagulhol na sabi ni Darru.

Rinig na rinig pa rin nila ang mga palahaw ni Katkat na para bang nanlalaban. Isinisigaw ang pangalan ni Darru.

"Hindi pwede! Mapapatay din niya tayo!" bulyaw ni Gabriella.

"Wala akong pakialam! Hindi naman ako magpapasama sa inyo eh!"

Hindi niya alam kung malayo na ba sila, hindi na kasi nila naririnig ang mga palahaw ni Katkat.

"She's a bitch, but she doesn't deserve to die..."

"Lahat tayo 'di deserve 'yon."

"Ako deserve ko ang matulog at kumain."

Ume-echo ang mga hikbi ni Darru. Nagpatuloy lang sila sa paggapang at pinapakiramdaman ang paligid.

"Teka, teka. Delikado kung diyan tayo lalabas, baka inaabangan na tayo ni Kamatayan-wannabe riyan."

Lumilikha ng kalansing ang bawat pagtama ng hawak nilang patalim sa sahig at pader ng lagusan na ginagapangan nila.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Where stories live. Discover now