Prologue

716 43 9
                                    

  Kasagsagan ng ECQ. Lahat ng tao ay nasa kani-kanilang mga bahay. Nakatengga. Bawal kasi lumabas dahil sa napapanahon at nakakahawang sakit.

*/tunog ng mga sasakyang dumaraan.

  Pero ang isang frontliner na kagaya ko, kailangang magserbisyo dahil kami ang katuwang para mapanatili ang kaligtasan ng bayan at mga tao.

Bahagyang lumakas ang pag-andar ng makina ng jeep.

  “Oh, lalarga na tayo. Social distancing, ha,” paalala ni Manong Driver.

  Kokonti lamang kaming nasa loob nitong jeep. Sampu lang. Lakwas pa ang mga pagitan. Salute kay Manong, marunong sumunod sa guidelines.

Ipinalibot ko ang tingin. Napataas ang kilay.

  Lahat kasi ng pasahero, nakatingin sa akin. Nakasuot man sila ng facemask, hindi ‘yon hadlang para makita ko ang mga mata nilang nanunuya at nababahala.

*/murmurs

  “Hindi ba delikado na may kasama tayong kagaya niya?” Itinuro pa ako ng Manang na nagsasalita. “Baka may dalang virus ‘yan.”

  Mas lalong umugong ang ingay at bulungan sa loob ng umaandar na jeep. Mga pagsang-ayon sa sinabi ng babae ang maririnig. Halos lahat, gustong pababain ako.

  Sana pala nag-civillian na lamang ako. Sana pala doon ko na lang sa Ospital sinuot ‘tong uniform kong pang-nurse.

Biglang umubo ang katabi kong lalaki.

  Ngayon ko lang natanto na hindi naman pala lahat ng nandito ay gustong pababain ako. Hindi ko kasi siya narinig na nagsalita mula kanina pa. Nakatutok lamang sa cellphone.

  “Excuse me,” anang lalaki. Pinipisil ang ilong na natatakpan ng surgical blue mask.

At ang madaling-maakit kong mga mata ay napako sa kaniya. Masasabing isa siyang gwapong lalaki kahit na nakasuot ng facemask. Ang maskulado niyang mga braso ay humahapit sa suot niya.

Shucks! Nakaka-captivate ang hitsura niya. Pero duh, sigurado akong hindi siya magkakagusto sa kagaya ko.

  Napa-hesusmaryosep ang mga tao. Muling umugong ang mga pagprotesta.

Pababain daw kaming dalawa.

  Maging ako ay nabahala sa katabi. Natatakot na baka mahawaan ako kung sakali mang may Covid-19 siya.

  Awkward siyang tumawa. “Ano ho ba kayo. ‘Di ba kayo marunong mag-distinguish kung ano ang ubo at bahing? Nakakain kasi ako ng mani kaninang umaga, eh allergy po ako sa nuts kaya eto.” Ibinaba niya ang colar ng suot na jacket. Ipinakita ang namumulang balat sa may leeg pababa sa may colar bone. “Inaatake ho ako ng aller—” Bumahing ulit siya. “—gy. Wala po akong Covid-19.”

  “Aba. Kahit na. Para sigurado at wala ng gulo, bumaba nalang kayo niyang nurse na katabi mo.”

  Sinegundahan naman ‘yon ng iba. Patuloy sila sa pagpoporotesta, hindi magkandamayaw sa pagtaboy sa amin.

  “Kainis naman. Nagmamadali pa naman ako,” reklamo ng lalaki matapos kaming sipain— not literally— mula sa jeep na iyon.

  Pinagbayad pa kami ng driver para raw sa ilang metro na naabot namin.

  “Kasalanan mo ‘to eh,” dagdag niya. Tinapunan pa niya ako ng masamang tingin bago tumanaw ulit para pumara ng sasakyan.

Aba! Blamer na ‘to! Ako pa talaga sinisi.

  Kasalanan niya kaya kung bakit siya pinababa. Kung pinigilan lang sana niyang bumahing kanina, edi hindi rin sana siya sinipa, not literallya again, mula sa jeep.

  Kung hindi sana siya kumain ng mani kaninang umaga, nasa jeep pa rin siya ngayon.

  Btw, ano kayang klase ng mani ‘yung kinain niya?

Nilaga o pinirito?

*/pouts

  Tsaka pake ko naman pala kung hindi niya sinasadya na makakain ng mani? That couldn’t change the fact na careless siya.

  “Hoy, bakit hindi ka nagsasalita? Kanina hindi mo rin pinagtanggol ang sarili mo. Pambabastos ‘yung ginawa nila sa’tin!” sabi nung lalaki.

  Hindi ko siya tinugon. Itinuon ko na lamang ang tingin sa gitna ng kalsada. Maraming nadaan na mga sasakyan.

  Nandito kami sa gilid ng kalsada. Para ng para pero ni isa’y walang humihinto’t nagpapasakay sa amin. Sakto na kasi ang pasahero.

  Magkalapit lang ang distansiya namin ng lalaki. Kanina ay umusog ako paiwas para maging isang metro ang layo, pero umusog siya palapit sa’kin.

  Palibhasa’y walang awtoridad sa parte na ‘to. Walang sumisita.

  Tirik na halos ang araw. Pero wala pa rin kaming nasasakyan.

  “Doon na nga lang ako. Baka do’n, may magpasakay sa’kin,” bulong ng lalaki. Nayayamot. Ang isang kamay naman ay nakahawak sa strap ng backpack.

  Sinundan ko siya ng tingin hanggang marating niya ang poste. Sumandal siya roon pero agad ding napatuwid ng tayo nang may dumaan na bus.

Sinenyas niya ang kamay upang pumara.

At ang sisisero! Pinasakay!

  Napasimangot ako, tutal ‘di naman nila makikita kung gaano ako kapangit ‘pag nakasimangot. Puno kasi ‘yung laman ng bus! Bawal ‘yon ah. Sarap isuplong sa MMDA.

  Sa may bintana siya pumwesto. Bintanang nakaharap sa banda ko.

  Nang dumaan sa harap ko ang bus, nakatingin siya sa akin. Kahit na naka-face mask, alam kong nginingisihan niya ako. Kita sa mga mata niyang singkit eh.

  Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Matiyagang nag-intay ng pwedeng masakyan papuntang Ospital.

  Nang wala pa ring humihinto ay tumawid ako para sa kabila naman pumwesto.

  Pagkatawid ko ay may nakita ako sa semento.

Isang notebook? Maliit na notebook.

Tumingin ako sa kaliwa’t kanan. Wala naman ng tao dito bukod sa’kin.

  Pinulot ko iyon. 

A Scientist's Diary (The Journey)
   — P.J.K

Diary pala. Diary pala ‘to. Kulay pink ang cover at may design na peach fruit sa gitna. Mukhang bago pa.

*/sound of a vehicle approaching

Bubuklatin ko na sana—

  “Oh, Sue, sakay ka na.”

  Napaangat ako ng tingin. Isang kulay itim na kotse ang nakahinto sa harapan ko. Nakababa ang bintana kaya kita ko si JD. Nakangiti sa akin. Nasa chin ang facemask.

  Doktor siya sa pinagtatrabahuan kong Ospital.

  Tumungo ako at tahimik na umikot ‘saka naupo sa shotgun seat.

  Mula sa gilid ng mata ko, kita ko na nakangiti pa rin siya. Maya-maya’y pinaandar ang kotse.

  “Pahirapan makasakay ngayon, ‘no?” biglang aniya.

Nag-angat ulit ako ng tingin. Tumingin sa rear view mirror.

  Dahil nakatingin din naman siya sa akin sa rear view, tumango ako. Sang-ayon sa sinabi niya.

  Muli kong ibinaba ang tingin sa hawak na napulot na diary. Binuklat ko ito, at pitsing yawa, akala ko bago pa. May mga sulat na pala, pero 'di ko mabasa kasi parang pang-doktor.

“Ano ‘yan?” tanong ni Doc JD. Nakatingin sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror.

“Uhm, wala po. Hehe.” Ngumiti ako sa kaniya at ibinaling ang tingin sa bintana ng kotse.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Where stories live. Discover now