19

106 21 1
                                    

Pare-pareho silang maysuot na gas mask. Natira sa kotse ang dalawang matanda, ang dalawang bata, si Gwendina at si Gio.


Kailangan nilang alisin ang harang sa daraanan nila. At kailangan nilang mano-manong gawin, shit naman.




Kanina, pagkatapos ng sampung minuto, natigil sa pangingisay ang mga infected at wala na rin ang kuryenteng umi-spark. Wala na ring mga iba pang sumugod sa kanila. Ngayon, ang kailangan na lang nilang gawin ay alisin ang mga iyon sa daanan.




"Fuck. They became more scary." Hindi alam ni Issuewella kung sino ang nagsalita. Iba kasi ang boses dahil natatakpan ng gas mask ang bibig. Isa pa'y nasa unahan siya, samantalang nasa likuran ang nagsalita. So it's either Atrium or Stein.




"Mag-ingat kayo, baka may buhay pa sa mga 'yan," mahinang boses na saad ni Rascal.




"Eh? Wala ng buhay ang mga 'to, ano ka ba," si Stein.




Tulong-tulong sila sa paghila at pagurong gamit ang paa sa mga infected na nakahandusay. Umuusok pa ang mga katawan nitong lamog at wala ng dumadaloy na dugo.






Iyong mga nakaharang lang naman sa kalsadang daraanan ang kailangan nilang alisin. Ang kaso nga lang, ang iba ay magkakapatong-patong kaya medyo nahihirapan sila. Nakasuot sila ng plastic sa kamay bilang gloves.




Sumenyas na sila sa isa't-isa na okay na at kailangan na nilang bumalik.






"Ay teka." Umuklo si Robust at hinawakan ang naagnas na pulso ng isang infected. Hinila ito ng lalaki dahil nakapatong ito sa isa pang infected. "Nakaka-ano kasi tignan."




Napailing-iling si Stein. Tumalikod na sila at nagsimulang maglakad pabalik sa van. Nakapasok na siya at si Atrium. Samantalang papasok pa lamang sila Stein at Rascal nang may malabong sigaw silang narinig.






Napamura si Atrium at hinawi siya, dali-daling bumaba. Agad naman siyang sumilip sa may bintana upang makita kung ano ang nangyaayari.




Napasinghap siya. Halos madurog ang ulo ng isang nangingisay-ngisay pa na zombie dahil sa walang tigil na paghampas ni Atrium gamit ang baseball bat.






Nadako ang tingin niya kila Rascal at Stein. Nangatala ng kaniyang mga labi. Nakadistansya ang mga ito kay Robust, na ngayon ay sapo ang kamay na may sugat.




Kitang-kita niya ang pag-kislap ng mga mata nito, naluluha. Napalunok siya at itinulak ang sarili, bumaba siya sa van at naglakad palapit kay Robust.




————




Tila bumagal ang oras para kay Robust. Nanginig hindi lang ang kaniyang mga labi at kamay, buong katawan niya ang nanginginig sa 'di mawaring takot at lungkot.




Mula sa gilid ng mga mata niya, malabo niyang naananinagan si Atrium na hinahampas-hampas ng buong pwersa ang ulo ng infected na kumagat sa kaniya.




Akala niya kanina, patay na iyon, pero bigla na lang gumalaw ang ulo at diretso ang bibig sa pala-pulsuhan niyang humihila sa pala-pulsuhan din no'n.




Nang umatras siya ay naapakan niya ang crossbow na nahulog niya kanina. Nakapanatili ang nanunubig niyang mga mata sa sugat. Pilit niya iyong tinatakpan gamit ang isa pang kamay upang tumigil sa pagdurugo.




Pero ano'ng silbi no'n? Hindi ang pagpatigil sa pagdurugo ang solusyon...




"Robust..."




Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें