06

157 20 0
                                    

Running like hell ft. Unstoppable sweatness.

Duguan, hilong-hilo at puno ng galos at pasa. Tirik na ang araw subalit hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo sa takot na baka hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya nito.

Halos hindi na niya magawang lumingon. Lumilikha ng malulutong na tunog ang bawat pag-apak niya dahil sa mga tuyong dahon.

Nasa kakahuyan siya. Marami ang matatayog na kahoy pero nasa sibilisasyon pa naman siya. Isang dating botanical garden ang kaniyang napuntahan.

Tuluyan siyang napasalampak sa lupa at napahagulhol.

Hindi na niya kaya, sobrang sakit na ng kalamnan ng kaniyang binti at hita, lalong-lalo na ang paa.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng kaluskos sa may likuran niya kaya namilog ang kaniyang mga mata. Agad niyang itinukod ang kaniyang mga kamay para tumayo.

"Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko!" Napatili siya habang pinaghahahampas ang kamay na nakahawak sa balikat niya. Halos magwala siya sa takot.

"Tulong! Tulong! Bitaw! Aaahh!!" Nanggigigil niyang binaklas ang kamay nitong pilit siyang pinapaharap.

"S-sshh! Shh!"

Iyak siya ng iyak. Pili siyang gumagapang pero hinahawakan pa rin siya nito sa balikat at may sinasabi pero hindi niya maintindihan dahil mas rinig niya ang kaniyang paghagulhol.

May nahawakan siyang bato na kasing laki lamang ng kamao niya. Mahigpit niya itong hinawakan. Hinarap niya ang lalaki at pinagpupukpok ang ulo nito habang humihiyaw.

Parehas silang sumisigaw. Siya, sumisigaw dahil sa takot at galit. Samantalang ang lalaki naman ay sumisigaw dahil sa sakit.

Wala siyang pakialam kahit pa tumatalsik sa mukha niya ang dugo nito.

"Araaaaayy!! Tama na! Tama na! Tigil! Huhuhu!"

Mistulang binuhusan siya ng malamig na tubig nang may mapagtanto. Wala itong maskara, at hindi nakasuot ng itim na kapote. Wala ring hawak na scythe.

"P-pasensya na!" Pinunasan niya ang kaniyang mukha gamit ang palad. Pero hindi pa rin niya binibitawan ang bato na ngayon ay may bahid na ng dugo.

"A-aray...." Dahan-dahang nahiga sa lupang may mga tuyong dahon ang lalaki.

Kitang-kita na ang laman sa may sentido nito. Umaagos ang dugo mula sa ulo. Nakita niyang kumukurap-kurap ito habang ibinabaling-baling ang ulo.

"Darru! Nasa'n ka!?"

"Darrusalam! Darru!"

Mula sa 'di kalayuan ay may nakita siyang isang grupo ng kabataan na tila may hinahanap. Binubuo ito ng dalawang babae at tatlong kalalakihan. At kagaya niya, duguan rin ang mga ito, sa mga damit nga lang.

"Darru! Oh my god!" sigaw ng babae nang makita sila.

Agad na nagsitakbuhan ang mga ito palapit sa kaibigan na katabi niya at pilit na pinapanatili ang malay tao.

"Ano'ng nangyari, Darru!?" nanlulumong tanong ng babaeng nakasuot ng tank top at mini skirt. Nang madako ang tingin nito sa kaniya, nanlisik ang mga mata nito. "Did you just pounded him with that fucking stone!?" nagngingitngit ito.

Tumungo lamang siya. Ayaw niyang magsalita. Pihadong kukutyain siya ng mga ito. Mga kabataan eh.

"Miss, tumayo ka riyan." Inilahad ng lalaking nakasuot ng eyeglasses ang kaniyang kamay kay Issuewella.

Nang makatayo ay napatingin siya sa lalaking pinagpupukpok niya ng bato kanina.

Nakonsensya siya nang makita ang kalunos-lunos na sinapit ng kawawa nitong ulo dahil sa kaniya. Tinutulungan ito ng mga kaibigan na tumayo. 'Yung babae naman ay pinanlilisikan pa rin siya ng mata.

"Are you sure we'll gonna let that girl be with us?! What if mapahamak tayo dahil sa kaniya? Look, pinukpok niya si Darru! Isn't it enough to suspect her?!" nangagalaiting himutok ng babae habang naglalakad sila sa direksyong hindi niya alam kung saan patungo. Ang alam lang niya, pupunta sila sa pinagtataguan nitong mga kabataan na 'to.

"Katkat, I think she didn't mean it. Kitang-kita ko na takot na takot siya kanina. As if someone's chasing her so I ran after her to help. Mistaken identity lang talaga ang nangyari, don't blame her," saad ni Darru.

"What?! So mas kinakampihan mo siya kaysa sa 'kin na girlfriend mo?!" nagtatangis na bulyaw ni Katkat.

"Tsk. Clichè."

Napatingin siya sa babaeng nasa gilid niya. Nginitian siya nito.

"Don't mind her. She's just a possesive girlfriend," anito sabay hagikhik.

Ngumiti lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad kasabay ang mga ito. Apat na lalaki. Tatlong babae. Nasa likod nila si Katkat, Darru at isa pang lalaki. Samantalang sa gilid niya ang lalaking nakasalamin, 'yung babaeng cool naman ang nasa kabila.

"Nga pala. May humahabol ba sa'yo kanina?" tanong ni Darru na nasa likuran nila.

Hindi siya sumagot.

"Baka 'yung si Kamatayan-wannabe rin?" tanong ng babaeng nasa gilid niya.

Mabilis siyang tumango kaya napasinghap ang mga kasama.

"My gosh! That one's scary! Mas scary pa siya kaysa sa mga zombies na nagkalat!" naghi-hysterical na sambit ni Katkat na tila ba takot na takot.

"Yeah. We were also chased by Kamatayan-wannabe," anang lalaking nasa likod.

Biglang huminto ang dalawang nasa magkabilang gilid niya kaya napahinto rin siya.

Pinagtulong-tulungan ng mga itong itulak pahalang ang parisukat na semento na nagsisilbing pinto ng isang bahay.

"Hi. The name's Thresaurus. You can call me Thres for short," nakangiting pakilala ng lalaking may mga piercings sa tainga.

"Hoy! Thres! Huwag kang lumandi, tumulong ka rito!" sigaw nung lalaking naka-eye glass.

Napaungos si Thres. "Wanna know you better later," kinindatan siya nito bago umalis.

"Babe, baka mahilo ka lang at manghina lalo." Tumingin sa kaniya si Katkat. "Hey, bitch! Come here, ikaw ang tumulong sa pagtulak," maarteng utos nito.

Hindi siya nag-atubili. Tumulong siya sa pagtulak pahalang sa semento.

"Okay, girls, including you Darru, pasok na," sabi ng lalaking naka-eye glass.

"Fuck you, Stein."

"Ohw! Ohw! What the fuck? Iba ang pino-point ko. Dude, I'm saving your ass here from crawling under. Tsss," katwiran ng lalaking naka-eyeglass.

"Whatever."

Nang makapasok sila sa loob ay naiwan sa labas ang dalawa. Si Stein at Thres dahil sila ang magsasara ng pinto.

Dalawa na lang sila kaya medyo umabot ng ilang minuto bago tuluyang naitakip ang sementong pinto.

"Whooo!! Ang sakit ng likod ko."

Halos mapatalon sa gulat si Issuewella nang bigla na lamang sumulpot ang ulo ni Thres sa sahig. Turns out, may lagusan pala sa ilalim at doon dumaan ang dalawang naiwan sa labas kanina.

"Hoooyy! Hati-hati tayo tayo sa cup noodles, huwag kang matakaw, Gabriellala!" si Stein na huling lumabas sa butas.

"Tse! Kayo ang maghahati-hati, solo ko 'tong one cup noodles," tanggi ni Gabriella at binelatan si Stein.

"Tsk. Tsk. In our situation right now, you must bear with hunger," seryosong saad ni Stein. "Control yourselves."

"Oh, control yourselves daw." Tumingin si Thres sa mag-nobyong Darru at Katkat. "Pigilin din ang tawag ng laman.
Heheheheh— Aray naman!"

"Bwisit ka! Bwisit!" Pinaghahampas at sipa ni Katkat ang binata.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon