Chapter 11 - Private Island

Bắt đầu từ đầu
                                    

Tsaka masarap rin naman yung byahe namin dahil kwentuhan at kulitan lang ang nangyari sa loob.

Pero di kami umalis sa pwesto namin for five freaking hours.

Pero thank gawd kasi hindi kami parehas naboring sa kwento namin parehas.

Feeling ko tuloy mas nakilala ko pa si Regina.

Iniwan na kami nung yacht dun at buti nalang rin maraming stocks ng food si Regina pagpasok namin sa loob.

Wala rin talagang tao dito at kami lang talaga. Pag check ko may wifi pa at may signal rin.

Aba hanep 'tong island all in one na ah.

"Narda this will be your room for one whole week." Binuksan nya yung pinto at holy shit, anlaki ng kwarto na 'to!

"Eh ikaw, san ka?" Tanong ko sakanya. Itinuro nya yung katabing kwarto ng kwarto na binigay nya sa'kin. "There."

"Why? Gusto mo ba magkatabi pa rin tayo?" Anlakas talaga mang-asar nito amputa.

"Hindi 'noh! Ano ka chix?"

"I mean oo chix ka pero no. no way." What the fuck did i just said? Moment of realization ko na ngayon.

"Do you mean i'm hot?" Napaka feelingera talaga ng babaeng 'to! Nag-uumpisa nang kumulo dugo ko sakanya bwisit!

"Hindi 'noh! Napaka ano mo! Dyan ka na nga!" Pumasok ako sa kwarto na binigay nya at sinaraduhan sya ng pinto na parang bahay ko 'to.

Nahiya ako after that kaya sumigaw ako takip ang unan.

"AHHHHH NAKAKAHIYA KA NARDA!" Sigaw ko sa unan. Feeling ko naman di nya narinig 'yun at isa pa baka pumasok na rin 'yun sa kabila para magpahinga.

Pagtingin ko sa cellphone ko ala-sais na pala ng gabi.

Tinawagan ko si lola sa cellphone ko. "Hello la?"

"Oh apo! Asan na kayo?" Napansin ko na masaya ang boses nya na may halong pag-aalala rin. "Andito na po sa private island ni Regina. One week raw po kami dito." Sagot ko kay lola.

"Ah ganon ba apo? Oh sige basta mag-iingat kayo dyan ha?" Sambit ni lola. "Opo naman la. Sayang nga di ko pwede isama si Ding dahil may pasok na 'yan next week at isa pa sabi ni Regina kaming dalawa lang daw."

"Ayieee si ate silang dalawa lang daw sa private island la oh!" Nakikinig pala 'tong bwisit kong kapatid sa usapan namin? Sarap manapak through cellphone ah.

"Pasalamat ka hindi kita mabatukan dyan. Dami mong alam." Irita kong sabi. "Oh tama na magkapikunan pa kayo dyan." Rinig kong tumatawa si Ding. "Si ate kasi napipikon palibhasa crush nya si Ate Regina." Kupal talaga! Kung di lang si lola kausap ko inend ko na yung call!

"Sige na nga la b-bye na. Naaasar na ako sa kapatid kong siraulo." Biro ko pa. "Oh sya sige mag-ingat kayo ha? B-bye apo!" Sambit ni lola at pagkatapos ay inend ko na yung call.

Si Brian sinasabing crush ko si Regina, kapatid ko sinasabi rin na crush ko si Regina at pati rin si Beshie. Alam naman nilang straight ako at wala akong pagnanasa sa kapwa ko babae.

Wala akong balak magmahal ng kapwa ko babae.

Naiimagine ko yung sarili kong nagpapakasal sa lalaki. Lumalakad sa altar tapos nasa harap ko ay...

Si Regina?!

Tangina naman nito! Ngayon na nga lang ako nag imagine bakit naman si Regina pa yung nasa dulo ng altar?!

Hindi, nakakain lang ng mga pang-aasar nila Brian ang utak mo Narda. Straight ka okay? Straight!

Hindi ko namalayan nakalipas na pala ang isang oras kakakausap ko sa sarili ko at kino-convince ko rin sarili ko na straight nga talaga ako.

Illicit AffairNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ