From 5am to 8am nakarating na kami sa Maynila. 

Binaba na namin yung mga gamit namin tapos lumabas na ng plane.

Chineck yung ticket namin tapos yung mga luggage namin then after that, nakalabas na rin kami ng airport.

"Dad we're here. Where are you?" Tatay nya ba magsusundo samin? Akala ko naman mag c-commute kami.

"I told you that i brought them with me."

"And so? Just pick us up here or i won't stay at your house."

"Fine!" Mukhang nagtatalo ata sila dahil samin?

"Regina ano 'yun? Gusto mo sabihin mo nalang samin yung address ng condo then mag c-commute nalang kami."

"Di ko kayo pwede ipa commute, mas delikado dito sa Manila kesa sa Nueva Esperanza."

"I'll just look for a cab." Naglakad sya sa mga nakaparadang taxi tapos sinenyasan nya kami na lumapit na sakanya.

After namin lumapit sakanya pinalagay na nya samin yung mga luggage namin sa trunk ng taxi tapos yung ibang hindi kasya sa loob nalang namin nilagay.

Si Ding nasa harap tapos nasa gitna ako ni Regina at Lola.

As usual magkatabi ulit kami ni Regina.

Siguro mga 20 minutes na drive 'yun nakarating na kami sa isang puro building lang.

Malayong-malayo sa Nueva Esperanza na maliliit at sakto lang yung bahay at bihira lang ang mga building.

Pagbaba namin sa taxi, kinuha na namin yung mga gamit namin tapos sinundan namin si Regina sa pagpasok sa loob.

Akala ko ba susunduin sya ng tatay nya?

Pumasok kami sa elevator pagkatapos ibigay samin yung dalawang susi ng condo. Ang isa ay duplicate key.

Nasa 7th floor kami ng condo, mataas masyado pero alam ko namang maganda ang view dito pag gabi.

Hihintayin ko lang mamaya yung mga ilaw dito sa kalsada na nakikita ko sa social media.

Pagpasok namin ng condo namin nagulat ako dahil dalawa lang yung kwarto. Isa yung master's bedroom tapos yung isa guest room daw tapos may kitchen tapos may sariling cr yung master's bedroom pero yung guest room wala.

"I have a surprise!" Pinalabas nya kami tapos pumasok sya dun sa isang condo.

"Ding and Lola will live here. Libre ko na sainyo 'to." Halos mangiyak-ngiyak si lola kay Regina dahil sobra-sobra na yung tulong nya samin.

Niyakap sya ni lola tapos umiyak, "don't cry lola. I hope you love my surprise."

"Oo naman apo, thank you so much." Pagkatapos nun, pumasok na si lola tapos si Ding sa condo nila tapos sumunod sa'kin sa loob ng condo ko si Regina.

"Narda can i have a request?"

"Sure Regina, ano ba 'yun?"

"Well me and my dad fought earlier. He wants me to let you go here on your own but since it's your first time to be here, i didn't agreed to him. He got mad because he don't want to see someone like you near me." Anong ibig sabihin ng tatay nyang someone like me?

Mahirap? Ganon ba? I'm offended.

"I know that you're disappointed and offended right now and you have the rights to."

"Get to the point, Regina." Mataray kong sagot kasi nga offended ako. Buti naman aware rin sya.

"Can i sleep here just for a day? I can sleep in the guest room." Request nya sa malambing nyang boses. Since hindi naman sya yung nagsabi nun sa'kin at tatay nya naman yung nagsabi, pumayag ako.

Illicit Affairजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें