Season 1 -- Prologue

605K 9.9K 2K
                                    

Season 1 -- Prologue

 

--

 

Nakatulala na naman ako.

Iniisip ko na naman siya. Bakit ba kasi lagi siyang nasa isip ko? Napatingin tuloy ako sa stuff toy na hawak ko. Bakit kaya na kyutan ako dito kay pudge? eh mukha naman siyang monster.. naaalala ko kasi siya kay pudge eh..

'oh ingatan mo yan ah, para kapag miss mo ko, hug mo lang siya tas maaalala mo na ko kasi parang ako yan eh.. di ba kamuka ko? para hindi mo na ko ma mimiss kasi parang nasa tabi mo lang ako.'

 

"bakit ganun? mas lalo lang kitang na mimiss eh.." *sigh*

May mga oras talaga na ma mimiss mo ung isang tao.. hindi dahil mahal mo siya.. kundi naaalala mo yung time na masaya ka dahil sa kanya…

 

♫ Someday you'll gonna realize.. One day you'll see this through my eyes.. But then i won't even be there ♫

(panget!!! asan ka na ba? mag start na yung class natin!!)

"aray naman! sakit sa tenga! oo papunta na!"

Tumayo agad ako dito sa may tambayan ko! AMP naman ang sarap sarap ng buhay ko dito eh. Sa loob ng tatlong taon ko dito sa USTe, dito ako naka hanap ng peaceful life. Tahimik, mahangin.. tapos wala pang tao, nasa dulo kasi to ng field tapos may malaking puno na sinasandalan ko kapag natutulog ako dito. Tska masarap dito.. nakikita ko siyang nag lalaro..

Naglakad na ko sa may corridor ng building namin kaso nakalimutan ko pa yung room ko, tsk pambihira! Hinalungkat ko kaagad yung bag ko para hanapin yung registration card ko. Asan na ba yun? bat kasi ang gulo ng gamit ko? Hindi na ko tumitingin sa dinadaanan ko, bahala na.. hindi naman siguro nila ko babanggain di ba? tsk asan na ba yun?

*blag*

Ouch! kakasabi ko pa lang pero eto may bumangga nga sakin. Napatumba ako sa lakas ng impact ng pag kakabangga namin, ang laki ba namang tao eh! Pinulot ko agad yung mga notebooks ko tapos tinignan ko yung mukha ng nakabangga sakin kaso hindi ko makita yung mukha niya kasi naman ang tangkad niya eh.

"ano ka ba? bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" sabi ko sakanya. wow ako pa yung galit eh ako na nga yung hindi tumitingin sa dinadaanan hehe pasaway. eh kasi naman ang sakit eh! huhuhu.

"anong ako?! ikaw nga yun eh!" sabi niya.

Tumayo ako bigla sa sahig. Yung boses na yun, sobrang pamilyar.. nung inangat ko yung mukha ko nakita ko yung mukha niya. Grabe bumilis yung tibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.. aatakihin ata ako neto sa puso eh..

"ah sorry..." sabi ko sakanya, mukhang nagulat din siya nung nakita niya ako.

"ah next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo.."

Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Natulala na lang ako. Next thing i know nakatayo na lang pala ako mag isa dito sa corridor.. nag iisa. Ay shocks! oo nga pala may class pa ko!

Pag kadating ko sa room.. Grabe ah! tinignan ko yung relo ko, 15 minutes pa lang akong late grabe na mag tinginan sakin yung mga classmates ko. Bakit na gagandahan ba kayo sakin? waaa echos. Gamitan ko kayo ng Echo Slam ni ES eh.. tignan ko lang kung makapalag pa kayo! wahaha. kala mo naman kriminal ako. hoy late lang ako! asan na ba yun si panget?

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon