Chapter 6 - Regina's Sexuality

Start from the beginning
                                    

Pinag-impake ko na si lola tsaka si Ding ng mabilis at sabi ko dalhin na nila lahat ng kailangang dalhin papuntang maynila dahil kila Regina na kami matutulog ngayon.

Maski si lola nagulat rin sa actions ngayon ni Regina.

Nang matapos na kami mag-impake nakita kami nila aling Ruby kaya lumapit sila samin lahat at niyakap kami.

Alam na siguro nilang di na kami babalik dahil may nga bags na kaming dala.

Nagpaalam na sila isa-isa samin then pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

Pinaupo ako ulit ni Regina sa tabi nya at si lola at Ding naman sa likod. Nasa likod rin yung bags namin nakalagay.

"Regina apo salamat sa tulong mo ah." Pagpapasalamat ni lola kay Regina.

"You're welcome lola and besides, trabaho naman ni Narda 'yun and offer ng company that's why. Kailangan galingan ng apo nyo ah." Pagbibiro nya pa sabay tawa rin ni lola sakanya.

"Matanong ko lang Regina, ano bang trabaho nyo dun sa Maynila? Anong company?"

"It's an oil company lola. My lolo built that long ago. Lumago lang nang lumago dahil sa sikap nila." Regina said smiling softly. Parang tumitigil oras ko kapag tinitignan ko syang nakangiti.

"Ate matutunaw na si ate Regina nyan." Biro ni Ding. Napansin pa nya ako dun?

"Hmmm? Why?" Tanong ni Regina. Bwisit talaga oh parang gusto ko nalang magpakain sa lupa ngayon. Epal so much.

"Ah wala 'yun Regina wag mo pansinin 'yan minsan talaga nakakakita 'yan ng di natin nakikita." Tumawa si Regina sa sinabi ko pati na rin sa pang-aasar ko sa kapatid ko.

"Sus si ate iniiba usapan para di malaman ni ate Regina na---"

"Mananahimik ka o di ka sasama sa maynila?" Banta ko habang nakangiti ako kay Ding.

Alam ko namang na c-curious na si Regina sa pinagsasabi ni Ding at pinipilit nya nalang rin i-ignore yung pinagsasabi nitong walanghiya kong kapatid.

"Joke lang, ito talaga si ate di mabiro. I love you ate!"

"Love love ka rin ni ate." Sambit ko. "Syempre i love you rin lola!" Sambit ni Ding. "Love you lola!" Dagdag ko pa.

"What about me, Narda?" Anong what about me miss ma'am? What am i supposed to do? Bilis ng tibok ng puso ko ngayon what the heck.

"I-i mean syempre kayo dito nag i love you-han ako wala? Na carried away lang po." Dagdag ni Regina.

"Mukhang kay ate Narda mo lang naman gusto marinig yung i love you eh!" Asar ni Ding kay Regina.

Pag nainis sakanya si Regina kakaasar nya ewan ko nalang talaga.

"I love you ate Regina!" Sambit ni Ding sabay ngiti ni Regina. "I love you too, Ding." Mahinhin na sagot ni Regina sakanya. "Oh ate ano ka na? Tapos na ako." Dagdag pa nya.

Mukhang hinihintay rin ni Regina yung akin.

"I love you Regina." Nakita ko yung mukha nya na pilit nyang tinatago yung ngiti nya tapos namumula na rin sya.

Nakafocus sya sa pagmamaneho nya ngayon unlike kanina na puro sya ngiti at tingin samin.

"Ate Regina ba't di ka sumasagot kay ate Narda?" Tangina talaga nitong kapatid ko oh.

"I-i love you too, N-narda." Naramdaman kong namula ako at nag-init na rin tapos pilit ko ring tinatago yung ngiti ko.

"Whoo! Init 'noh?" Sabi ko sakanila habang ginagawang pamaypay yung kamay ko.

Illicit AffairWhere stories live. Discover now