"Sci-fi?" Iilan lang din ang nagtaas. This genre is the hardest one for me. Feeling ko ay pangmatatalino ito. You need to do deep research, lalo pa't science.

Nagbanggit pa si Mrs. Ramona ng ibang genre, at kahit saan doon ay hindi ako nagtaas. Ayoko lang malaman nila kung ano'ng sinusulat ko na gusto ko. Ewan, baka kung ano lang sabihin nila, baka hindi bagay sa akin, o baka hindi naman ako magaling sa ganoon.

"Isa-isang bubunot 'yong leader, ha."

"Sino leader natin?" tanong ni Chino na binigyan nila ng isang obvious na tingin.

"Pwede ba, Chino, syempre ikaw," sagot ni Shiela na may kasama pang irap at hampas sa braso nito.

"'Wag n'yo kong sisisihin kapag mahirap nabunot ko ro'n, a."

"Oo, 'wag lang science fiction, please, Chino, ayaw kong malaman na may ibobobo pa pala ako." Napalakas ang tawa nila at ako ay palihim lang na ginawa iyon. Pakalma na nang pakalma ang puso ko, ilang hingang malalim na lang, sana ay mawala na ang kaba ko.

Nang si Chino na ang bubunot ay malaki ang ngiti niyang lumapit kay Mrs. Ramona. "What's your genre, Chino?"

"Fantasy po."

"Okay, dahil fantasy ang genre ni Chino, their story prompt is. . . ."

Bumunot si Chnio sa mga papel at nang buklatin ito ay isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya kay Mrs. Ramona. "Horror po."

"Okay, their genre is horror."

Pwede na rin.

"Read it out loud," utos nito at humarap si Chino sa mga kaklase namin.

"It is your fifth night that someone is always knocking on your door, but every time you open it, there is nobody outside. But this time, there are letters outside the door. You open it and read it. It is from the five teenagers from your village who died from suicide."

Wow. Paano kung hindi pala iyon suicide at siya ang pumatay sa mga iyon? He has psychological problems, and killing is. . . .

"Okay, habang hindi pa nag-i-start, mag-a-assign muna tayo." Naupong muli si Chino sa puwesto niya. "Una sa planning, brainstorming muna lahat tayo, hindi pwedeng walang maiambag." Tumango ako, buti na lang ay may naisip agad ako, ayokong maging pabigat lang dito.

Siguradong kung hihingi lang siya ng magvo-volunteer na magbigay ng ideas ay hindi ako magsasalita, I know my idea will just get rejected.

Nang pinayagan na kaming magsimula ay nagsimula na rin ang pagbibigay ng ideas ng mga kagrupo ko. Pinakinggan kong mabuti ang mga nabuong kuwento sa kanila.

This is what I like about writing, malaya. Kahit ang mga kakaibang bagay ay pwedeng maisabuhay sa pamamagitan lang ng pagsusulat. Bata pa lang ay gustong-gusto ko na 'to, dahil nga siguro dito ko lang naai-e-express ang sarili ko.

"The letters are about the ghosts wanting some help. Dahil nga suicide, ibig sabihin may dahilan kung bakit nila ginawa 'yon, at gusto nilang malaman 'yon ng ibang tao kung bakit nila iyon nagawa," saad ni Aiza. Coming back to where it started. Pwede rin.

"My thoughts are this guy is just suffering from hallucination. He is also depressed and have suicidal thoughts, at nang magsunod-sunod ang nababalitaan niyang suicide sa lugar nila ay parang lumalala ang pag-iisip niya ng suicide. That news is pushing him to do it too," pagbibigay-kahulugan naman ni Sheila.

"Ikaw, Evie?" Oras na para magtinginan sila sa akin.

Sa isang iglap ay nakikipagkarerahan na naman ang puso ko. Shallow breathing. Ikinuyom ko ang namamanhid kong mga kamay. Parang pati sa utak ko ay nabubulol din ako.

"A-ano . . . sa idea ko naman, pwedeng 'yong teenagers na namatay ay hindi talaga nag-suicide." Tumigil ako saglit, kita ko kung paano silang naka-focus at nakikinig nang mabuti sa akin. Parang walang ibang tao sa classroom at kaming apat lang, sa tingin ko ay pansin nila lahat ng galaw ko. "S-siya talaga 'yong pumatay sa kanila kaya nagpaparamdam sa kaniya ngayon . . . 'yong mga namatay."

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos sa pagsasalita at mawala ang paningin nila sa akin.

"Sa tingin ko, pwede 'yong idea niya. Alam mo 'yon, horror-mystery," panimula ni Shiela sabay turo sa akin.

"Oo, so . . . kanino ang boto?" tanong ni Chino.

"Kay Evie na," wika naman ni Aiza na umayon sa ibinahagi ko.

"Oo, 'yong kay Evie na." Tumingin lang ako sa kanila at tumango. May pagkakikay ang mga kilos ni Shiela at intimidating din minsan dahil nga friendly at may pagka-extroverted. She is confident, and that's what I like about her.

"Next is third person or first?" tanong muli ni Chino. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung ano'ng dapat.

"First person," sagot ni Aiza na tiningnan naman ni Shiela nang magkasalubong ang kilay kaya nagpaliwanag agad siya. "Takot siya kaya mas nakakatakot kung maipaparamdam natin sa readers kung ano'ng nararamdaman niya," nanlalaki ang matang paliwanag niya habang nakikipaglaban ng titig kay Shiela.

"She is wrong, Leader." Itinaas ni Sheila ang kamay sa mukha ni Aiza at tumingin kay Chino. "Siya ang pumatay! Ibig sabihin tumatakbo na sa utak niya na kaya siya minumulto dahil nga siya ang pumatay. Edi spoiler na agad 'yon, tama?"

"Ano tingin mo, Evie?" Napaawang ang bibig ko nang kaunti.

"A-ano." Mabilis kong binalikan ang mga sagot nila.

Kapag first person ay mas ramdam ng readers ang nararamdaman ng character, pero ang cons nga ay maaaring tumatakbo na sa isipan niya iyong ginawa niya.

"S-sa tingin ko ay fit nga ang . . . third person." Tiningnan ko si Aiza na inirapan si Shiela na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa na parang nagyayabang.

Tama kaya ang sinabi ko? O malit yata? Hindi ko alam.

"At dapat ay omniscient, hindi pwedeng mag-stay lang tayo sa character niya, dapat alam natin ang iniisip ng iba," muling nakataas ang isang kilay ni Shiela nang sabihin iyon.

"Agree kayo?" Tiningnan kami ni Chino at tumango kami. "Okay, sabi ni Mrs. Romano, we will pass the written draft, bibigyan niya iyon ng grade, tapos para sa final draft ay ibabalik niya sa atin para sa proofreading at editing, then printed na ang sunod na ipapasa."

It's getting better, Evie. I need to try to face other people. Hindi pwedeng si Brent lang lagi, hindi pwedeng si Gabriel lang lagi.

Your UniverseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora